Chapter 38

35 4 0
                                    


After

"ARE YOU DAMN SERIOUS?!" Nasamid pa siya sa kanyang iniinom at kunot ang noong bumaling sa akin.

"Oo nga."

"But why will you do it? Is he important person so you can easily decide?"

"Hindi ko alam basta kailangan niya kase para sa mga apo niya."

Mas lalong nagtaka ang mukha niya pero bumaling nalang ako sa paligid.

Kahit nagtataka'y sumagot nalang ako.
Anong gusto niyang iparating kung ganon?

"O-po marunong naman po ako. Bakit niyo po na-it-anong?"

"Balak ko sanang kuhain ka bilang helper sa bahay kung saan nakatira ang mga apo ko. Ang ibang mga katulong kase namin ay minsa'y nagkakasakit dahil dala na rin sa katandaan. Kaya sana paunlakan mo ang offer ko."

Seryoso?

Pero batay sa tingin ko sa kanya halatang namomorblema talaga siya. Madaling makita dahil sa katandaan na rin ng mukha niya. Para bang pasan niya ang lahat ng problema o di kaya ay mukha siyang pagod na pagod. Pero hindi pa rin mawawala sa kanya ang dating ng kanyang mukha. Mahahalata mong maitsura siya nung kabataan.

"Ang mabuti pa'y bumalik ka muna sa iyong trabaho. Kung sakaling makapag-isip ka kung paaunlakan mo ang offer ko ay nandito lang ako. Hihintayin kita."

Tumango lang ako at kinuha ang tray at table number.

Hindi naman siya mukhang kahina-hinala. Wala din siya sa mga taong pinaghahanap namin dahil wala namang impormasyong na dikit sa edad niya. Masyadong malayo.

Kahit nagsisimula na ulit akong mag take ng order ay hindi pa rin mawala sa utak ko ang offer niya. Nakakaramdam ako ng awa pero iniisip ko din kung bakit ko pa iyon tatanggapin kung hindi naman kailangan o walang kinalaman sa misyong gagawin namin. Hindi ko tanaw ang matandang iyon dito dahil nasa dulong parte siya ng store at nahaharangan ng iilang mga dibisyon. Maayos akong nag off na sa trabaho dahil hindi naman ako short ng libo o kahit piso. Nagpalit ako ng damit at  muli kong inipit ang buhok kong nakulong ng sumbrero at black net.

Anong sasabihin ko?

Pupuntahan ko ba siya at maayos kung kakausapin para tanggihan ang alok niya. Pero paano naman kung talagang nangangailangan siya? At hirap na siyang makahanap ng katiwa-tiwala at ako ang nakita niya. Sa tingin ba niya katiwa-tiwala ako bukod sa bata at nag-aaral pa?

Agad sumilay ang ngiti niya nang nakita ako papalapit sa table. Teka? Kanina pa siya dito pero bakit hindi pa dumadating ang apo niya?

"Mabuti't pinuntahan mo pa rin ako."

"Nasaan po yung hinihintay niyong apo?"

"Na-traffic daw siya. May banggaan kase raw sa checkpoint kaya baka matagalan pa siyang makapunta dito."

"Gan'on po ba?"

Kumunot saglit ang noo niya pero nawala din at sumimsim sa baso.

"About my offer, so are you interested?"

"Opo, pero pwede ko po bang malaman na bakit hindi po kayo sa mga agency kumuga ng magiging helper po para po sa mga apo niyo."

"By the way, I'm Chairman Min from Tanay, Rizal."

"Taga-Tanay po kayo?"

"Yes, bakit pamilyar ka ba sa lugar na iyon?" Tumango ako bilang pag sang-ayon.

"Naisip ko din na sa mga agency ako kumuha ng mga helper na bago. Nakakuha ako ng bago pero wala pang ilang araw ay umayaw na agad."

"Bakit naman po?" Teka masyado naman akong pakielamera. Ngumiti siya at tila nagpipigil tumawa.

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon