Chapter 42

47 2 0
                                    


Jealous

Tinapos ko ang lahat ng gawain at tinupad ko ang hiniling sa akin ni Skies na maglalaro kami. Binilinan pa ito ng ama na magpapakabait at h'wag magpapasaway.

"Ate Inn, ito sa inyo tapos ito sa akin." Binigay niya sa akin ang isang robot na halatang mamahalin pero sa kanya naman ay tila bagong bili.

"Skies."

"Po?"

"Saan ka nakatira? I mean saang lugar?"

"Nakatira po ako malayo po dito 'e."

"Okay lang kahit malayo."

"Sa Tagaytay City po, alam niyo po ba yun?"

Mas lalo akong ngumiti sa kanya at medyo tinago ko sa aking hita ang recorder. Mamaya kase ay makita niya at baka paglaruan.

"Oo naman, diba malamig doon?"

"Sobrang lamig po doon tapos po kita po sa bahay namin yung dagat po na natatakpan ng clouds. Sabi ni Lola may bulkan po dun."

Okay, Tagaytay City.

"Anong name ng Lola mo?"

"Ah. Si Lola... Soo Min po. Yung surname niya po di po tulad sa akin."

"Bakit ano bang surname niya?"

"Basta po hindi po kami magkatulad. Magkapair sila po ng surname nina Tito Ashel at Tito Ahze po."

Medyo nagulat pa ako kaya kumunot ang noo niya. Mabilis naman agad ako ngumiti para hindi na siya mabahala.

"Edi Lee ang surname ng Lola Soo Min mo?"

"Opo, ganon na nga po. Tapos si Lolo naman po, ano..."

Hindi na ata ako mahihirapang magtanong pa sa batang ito. Siya na kase ang nagsasabi ng mga dapat kong itanong at mga dapat kong ikumpirma.

"Lolo mo? Anong pangalan niya?"

"Siya po si Lolo Win, pero Metawin po tapos parehas po kami ng surname. Magkakapair na po kami ni Papa. Ang galing di po ba?"

Kumpirmado.

"Anong araw nating pupuntahan ng personal sina Metawin at Soo Min sa Tagaytay?"

"Mas mabuti pong h'wag po natin sila agad puntahan dahil baka pag kinabukasan na ay mawala na ulit sila. Mas mainam pong pabantayin natin sila sa mga piling tauhan at gumawa tayo ng mas maayos na plano." Muli akong tumingin sa screen kung saan ay ipinapakita doon ang litrato namin ni Skies kahapon. Parehas kaming may hawak na robot at parehas kaming nakangiti sa camera.

"Pero baka mahalata nila at agad silang aalis doon."

"Hindi naman agad sila aalis doon panigurado dahil nabanggit din sa akin ng bata na wala pa daw siya sa mundo ay doon na raw sila nakatira. Pasalamat ako kahapon dahil siya na ang gumagawa ng hakbang para malaman ko ang lahat kung hindi ay baka mahalata pa ako ng ama niya o kaya ang mga tao doon."

"Matalas ang memorya ng batang iyon, ano nga ulit ang pangalan niya? Siguradong matutuwa sina Rylan at ang ama mo, Inn dahil iyon ang kauna-unahan nilang apo at ang pinakabata sa ating dinastiya," aniya Tita Sathida.

"Skies Jung po. Habang tinitignan ko nga po siya kahapon ay nahihiwagaan ako sa mata niya, Tita. Dahil iba ang pagka-brown ng mata niya."

"Baka namana niya iyon kay Metawin. Parehas kayo ni Metawin na kulay tsokolate ang mga mata. Pero sa kanya ang may kakaibang mata na nakita ko nung dalaga pa ako."

"Mae, isusumbong kita kay Phoew." Para itong batang nakahuli ng isang batang nanulak ng isang bata.

"Ikaw Reagan Zekelle Alejan, kahit magsumbong ka pa hindi na iyon maapektuhan. Dahil hindi naman kami magkakatuluyan ng Phoew niyo ni Rangel kung hindi dahil kay Metawin at Janin."

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon