Chapter 9

94 10 2
                                    

Salamat


Paanong si Riku ay kapatid ni Ate Reishel?

Teka diba Dela Rama si Riku at si Ate Rei....


What a epic coincidence?!


"Kilala mo na siya, Charles?"

"Yes, she's my classmate in LSU." Patuloy pa rin niyang ginugulo ang bangs ko at hindi ko alam kung bakit tulala pa rin akong nakatingin sa kanya at hindi ko naman siya magawang sigawan at batukan.

"Seryoso? Totoo Inn?"


Natauhan nalang ako ng tinawag ni Ate Reishel ang pangalan ko.


"Ah—oo, Ate. Doon na ako nag-aaral at teacher nga namin si Kuya Jhad sa Math."

"Ang galing mo naman."

Nahihiyang napangiti nalang sa senaryo.

Kung alam mo lang ang dahilan...

"Hindi ba kayo nangangalay? Usong umupo." Si Oppa na naunang umupo sa sofa.


Maya-maya ay umalis muna si Ate Rei para asikasuhin ang pagkain namin at sinundan din siya ni Oppa.

Spell again the word awkwardness


"Di ko aakalain na ikaw pala yung matagal ng kinukwento sakin ni Sir Jhad." Nakangiting si Riku.

Nakakahiya! Four elements kung pwede tawagin niyo pa ang ibang mga powers para magising ako sa katotohanang magkapatid talaga sina Ate Reishel at Riku.

Pero sabi niya matagal ng kinukwento ni Oppa ako sa kanya... edi hindi lang, ako nakakilala sa kanya nung pumasok si Oppa nung first day niya samin. May posibilidad pa na kilala na niya ako at matagal na.

Napaisip agad ako at hindi na nagpaligoy- ligoy pa.

Agad ko siyang nilingon. "Riku, pwedeng magtanong?"

"Oo naman. Bakit? Ano ba 'yun?"

"Sabi mo matagal ng kinukwento ako ni kuya Jhad sayo edi kilala mo na siya dati pa– I mean nung bago pa siya pumasok sa atin bilang teacher?"


"Oo naman. Kiala ko na siya at close na rin ako sa kanya, many years na rin ang lumipas."

Buti pa siya nakikita si kuya Jhad ng nakalipas na mga taon pero ako na kapatid niya hindi ko man lang siya nakausap ng matagal pero malaki ang posibilidad na kilala na niya ako in the first place?

"Edi kung ganun kilala mo na rin ako dati pa?"

"Nung unang pasok mo sa school at nagpakilala ka samin nung una syempre akala ko ikaw na yung tinutukoy ni kuya Jhad na kapatid niyang si Jhazilyn Inn Jung pero agad nawala ang excite ko nung sabihin mong tinatawag kang 'Inn' at hindi Jhazy... nagegets mo ba ako Inn?"


Gets na gets ko syempre sanay kase si Oppa na tawagin akong 'Jhazy' hindi 'Inn' eh baka kase nung nagkukwento siya ay hindi man lang sinabi na 'Inn' ang karamihan tawag sakin. At isa pa baka hindi lang ako ang nag-iisang Jhazilyn Inn Jung sa mundo.

"Oo naman."

"Pero nung makita na kita positibong ikaw nga si Jhazilyn Inn Jung na tinutukoy ni kuya Jhad."


"Oh." Di ko talaga naisip na kapatid siya ni Ate Rei sa halos dalawang buwan ko sa LSU hindi ko man lang naisip yun...


Nakakahiya grabe!!


Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon