Chapter 1

229 12 0
                                    

Her son

Hindi ako mapakali ngayon lalo na't nasa harap ko ang mayabang at walang kapantay na kahambugan ng taong may-ari ng metro bank credit card.

Halatang kagigising din niya pero kahit na ganon ay aaminin kong malakas ang dating niya pero hindi ako naapektuhan nun ngayon.

"Oh, anak where did you sleep?" Boses ni Ma'am Lee na galing sa likod ko.

"Kay... Brixz lang, Ma. His birthday po kase. Don't worry, Ma. I didn't drink something alcohol." At ngumisi pa siya.

Napatingin naman siya sakin at naka salubong ang kilay.

"What the hell are you doing here, miss?"

Pa-english english pa ha...

"Oh, you know each other ba?" singit ni Ma'am Lee.

"Hindi po."
"No." Kahit magkaiba ang sinabi namin nagkasabay lang kaming nagsalita.


Pakiramdam ko tuloy kumukulo talaga literal ang dugo ko sarap niyang sapukin sa panga.

"Come in na, anak para makapag-breakfast na." Gumilid agad ako sa tabi para di niya ako mabangga.


"Sumabay ka na rin, hija."



"Ah... hindi na ho ...sabay nalang ho kami ni Eomma mamaya tsaka nakakahiya naman po sa anak niyo," bahagya ko pa siyang sinulyapan at nginitian.


"Huwag ka ng mahiya kay Raine, sanay na yan sa bagong tao rito."

Talaga lang ha...

"Ah... sige na nga po."

Nasa harap ko ngayon sa lamesa si 'masarap sapakin na hambog' at kitang-kita ko na parehas lang kaming masama ang timpla.


"Siya yung anak ko na sinasabi ko sayo na kasing edaran mo, hija..." At tumingin naman si Ma'am Lee sa kanyang butihing anak... pweh.

"Introduce yourself 'nak to her."


Jusko po! Anak niya talaga itong kaharap ko? Mukha lang ata namana ng lalaking 'to sa nanay niya... ang layo ng ugali nila.

"I'm Ahze Raine Lee, miss and you are... "


Wow! Gusto mo pang malaman well baka may purpose naman.


Tinanong ba yung pangalan ko di naman diba...

"Inn," matipid kong sagot.

"Pardon?" sabay pa sila ni Ma'am Lee.

Ano 'to starstruck? Kase ngayon lang ba kayo nakarinig ng pangalang hindi out.

"Ah... "Tumawa tawa pa ako ng konti at ngumiti ng tipid. "Jhazilyn Inn Jung po, Inn nalang po para madalian kayo."

Nakuha pa niyang ngumisi at bumulong bulong na parang may nakakatawa.


"So... Inn right, hija? How's your school?" Si Ma'am Lee nalang ata nagpapaingay ng lamesa.

"Okay lang naman po hindi naman po nagkakaroon ng record sa guidance." At sumubo ulit ako ng kanin.

"Buti ka pa, itong anak ko kaseng na turingang gwapo ang ugali naman hindi masyadong mature." Napaubo tuloy ako ng bahagya dahil gusto ko ng tumawa ng higit pa sa sampung bilang. Kase totoo naman kase ang sinabi ng nanay niya akala ko hindi niya alam ang ugali ng anak niya.

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon