Chapter 17

61 6 0
                                    

Permit

Tulala pa rin ako kahit nasa kwarto na ako ngayon namin ni eomma at ng iba pang kasamahan ni eomma sa trabaho.

Seryoso ba siya sa sinabi niya?

O

Saadyang pinagti-tripan lang niya ako dahil nasa mood siya?

Ano ka ba Inn! Araw-araw naman nasa mood yung mangtrip, mangpikon at mang-asar maliban lang nung bago mag party ni Marco.

Tama! Doon ko lang siya napansing seryoso niyang kausap at parang nag-iiba siyang tao sa akin dahil di ko alam na may ganoon din pala siyang side.

Sanay kase akong puro pride nalang niya ang nakikita ko.

Anong sabi niya?! May gusto siya sakin kaya ayaw niyang lumalapit ako kay Rayn?!

Siguradong napagod na yong magseryoso, oo ganon nga. Huwag kang kabahan sa sinabi niya, oo tama Inn.

Pero hinalikan niya ako at hindi yun normal na halik na mabilis. Gumapang nga hanggang leeg at malapit na sa ano ko!

Ano yun, parte ng pagseselos niya kaya niya ginawa yung nakakakabadong iyon?

Tanungin ko kaya siya para wala na kong iisipin? Oo, tama pero parang nakakahiya namang magtanong tungkol dun.

"Oh Inn, matulog ka na pagkatapos niyang iniisip mo dyan."

"Eomma!" Para akong binuhusan para magising sa bangungot na panaginip.

"Oh, ang lalim yata ng iniisip mo miski pagdating ko ay di mo na napansin."

"Ah wala ma, sige po lalabas muna po ako... sa kusina nalang po ako gagawa ng assignment."

"Ay sige bilisan mo ng makatulog ka ng maaga." Nginitian ko nalang si Eomma bilang tugon at lumabas ako ng kwarto dala-dala ang notebook at module ko na kung saan nakaipit ang bolpen ko. Dumiretso ako sa dining table kung saan nakasindi ang isang simpleng maliit na chandelier dun.

Agad kong binuksan ang module at notebook ko at pinilit kong alisin muna sa isip ko yung sinabi ni Aso kanina. Pasalamat namang hindi ganon karami ang assignment namin kaya sinimulan ko ng magsulat at magsagot. Pagkatapos nun ay pinagsama sama ko yung notebook at bolpen sa module ko. Akma na sana akong tatayo ng tumambad si Aso na halatang gulat din!

Parang ako pa ang nahihiya ngayon kahit hindi ako yung nagsalita. Pa'no ba naman, nakasuot siya ng sandong itim at halos bumakat ang dibdib at ang tinatago niyang mga pandesal. Dumagdag pa yung braso niya na lakas maka-oppa at naka-pajamas na kulay gray.

"Ah—eh, goodnight." Hindi ko siya matingnan ng maayos dahil hindi ko alam kung saan ako titingin dahil sa katawan niya.

Lintek! Bakit ba naapektuhan ako ngayon ng katawan niya?! Oo sanay akong makita siyang naka-pantulog na sando at pants pero bakit parang nakakapanibago yung ngayon. YUNG NGAYON!


Epekto ata ito ng mga iniisip ko.

Mabilis ko siyang nilagpasan at dumiretso sa kwarto. Pagkasarado ko ng pinto ay humiga agad ako sa higaan namin ni eomma at sinapo ko agad ang dibdib ko.


Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong kinabahan ng ganun at maging ang puso ko ay bumibilis ang pagtibok.

Teka? Ano ba kase ito? Bakit nung makita ko lang siya ay iba na ang dating niya sakin? Teka hindi pwede ito!


Pinikit ko nalang ang mata ko at buti nakaramdam na 'ko ng antok.


"Jhazilyn, huwag mo naman akong iwanang mag-isa." Agad namang kumunot ang noo ko sa sinabi ni Aso.

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon