Chapter 29

47 5 0
                                    


Sasama ako

Kahit natapos na ang aming agahan ay hindi ko mapigilan ang aking kasiyahan. Hindi ko matago sa'king sarili ang kaligayahan at kilig na nararamdaman. Nagpresinta na rin ako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin. Todo angal naman sina Manang Linda at Manang Tere pero nang sinabi ni Raine na tutulungan niya ako ay bumalik ulit sila sa mga pinaglilinisan nila. Natanaw ko pa si Eomma na nakangiting pinagmamasdan kami ni Raine habang dinadala namin ang mga pinagkainan sa lababo. Siguro'y natuwa rin siya sa amin ni Raine at ang pagtanggap sa'kin ni Ma'am Lee bilang nililigawan ng kanyang anak.

"You're so beautiful when you smiling." Buti nalang ay mabilis ang kamay ko kaya hindi nagtagumpay ang baso na mahulog sa sink at mabasag. Ayan Inn! Tulala ka pa!

"H-huh? Hindi naman ako nakangiti, 'a!" Pagbubulaan ko pa. Masyado ata akong naging masaya sa nangyari kanina.


"Pretty liar." Sinimangutan ko nalang siya ng tingin at pinahiran ko siya sa ilong ng bula.

"Magbanlaw ka na nga lang." Siya kase ay nasa kabilang sink. Bale dalawa ang gripo at magkadikit na lababo.


"Okay, Babe." Bumaling ulit ako sa kanya pero seryoso na niyang binabanlawan ang mga nasabon ko ng mga plato't baso. Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan siya.

Magkasalubong na naman ang kilay niya at parang pinagbubutihan talaga niya ang pagbabanlaw. Wala siyang sulok o bahagi na hindi niya kinukuskos. Parang bihasa na siya sa paghuhugas ng pinggan. Akala ko buhay senyorito lang siya pero ngayon nakikita ko sa kanya ang isang butihing anak.

Umalis naman si Ma'am Lee at sinama si Eomma. Hindi naman daw sa Tagaytay, sa isang kamag-anak lang naman. Hindi naman nalalayo ang edad nilang dalawa. Sa tingin ko'y mas matanda lang si Eomma ng ilang taon o kaya ay dala lang ng trabaho. Kaya minsa'y napapansin kong kaswal lang silang mag-usap. Pero hindi pa rin naman nawawala ang paggalang ni Eomma sa pagsasalita.

"Magsiyukod ang lahat at damhin ang presenya ng Panginoon." Mabilis ko namang hinila si Raine para yumukod. Taranta siyang ginaya ang ayos ko at pinatong ang siko sa makitid ngunit mahabang pwedeng pagpatungan para magdasal.

Ngumiti nalang ako at pumikit. Siguro'y kauna-unahan niya itong simba sa isang taon. Maganda kung sasanayin ko siya tuwing linggo magsimbang muli. Para siyang batang pinagmamasdan ang paligid kanina. Ngunit kahit nung nagsimula ng magsalita muli ang pari para maghatid ng mabuting balita ay nakatutok lang siya. Kahit ang kalapit ni Raine na hindi nalalayo sa edad namin ay papaidlip na at kulang nalang ay sumandal kay Raine. Naalala ko tuloy na nasa simbahan ako.

"Sa ngalan ng Ama't Anak at ng Espiritu Santo. Ngayon ay tapos na ang banal na misa. Humayo kayo at palaganapin ang mabuting balita ng Panginoon." Bumaling ulit ako kay Raine na ngayon ay ngiting ngiti habang pumapalakpak. Siguro'y tama nga ang hinala ko. Ngayon lang ulit siya nakapasok ng simbahan.

"Dapat pala dati pa kita niyayang magsimba nung 'di ka pa nanliligaw sa 'kin, yung bang mayabang at nakakapikon ka pa."

"Tss. Hindi mo rin naman ako mayaya dahil hindi ka naman nagsasabi sa'kin dati. Kung dati mo pa ako niyaya, lagi-lagi akong sasama sayo." At tinusok niya ang kwekwek na nakalagay sa disposable na maliit na plato na hawak hawak ko. Kumakain pala siya nito?

"Pero kung tatanungin kita, ngayon ka lang ba ulit nakapagsimba?"

"Even going in church is only now again after 6 or 5 years ata? I no longer know what exact year but I know that day is Anika's birthday."

"So complete family kayo no'n?"

"Yup."

Napabaling ulit ako sa streetfood na binili namin na hawak hawak ko. Siguro'y masaya si Raine ng mga panahon na 'yun. Kahit naman siguro' y iba ay magiging masaya dahil kompleto kayong pamilya kung magsimba. Ngayon lang sila nawalan ng oras sa pagsisimba dahil bukod sa busy sila sa kanilang negosyo ay magkahiwalay pa sila ng tinitirhan.

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon