Chapter 7

104 8 0
                                    

Anika

Halos dalawang buwan na kami dito ni Eomma sa bayan. Parehas kaming nagtatrabaho kahit magkaiba kami ng paraan.

Kagagaling lang namin sa palengke. Tinutulungan ko pa rin si Eomma 'pag wala akong pasok ayoko naman kase na pasarap ako dito.



"Eomma, ako na lang po maghihiwa yan asikasuhin niyo nalang ang niluluto niyo."

"Salamat, Inn."


Sa totoo lang anim ang mga katulong dito at halos 50's pataas ang mga edad nila. Kaso ang dalawa ay nag-day off muna.

Nagbabalat at naghihiwa ako ngayon ng mga pansahog. Akalain mong parang may fiesta sa dami o kaya naman may birthday. Teka bakit ko naman naisip yun?

"Ang sipag naman ng Secretary Jhazy ko."

"Ay butiki!" Sa gulat ko napalihis ako ng hiwa at saktong nahiwa pa ng bahagya ang balat ng daliri ko.

Minamalas ka nga naman...

"Anong problema?" Parang humina ang boses niya.

"Ikaw... ikaw ang problema ko at isa pa huwag ka ngang manggugulat kaya pwede ba umalis ka na muna please lang pwede?" Agad kong sinipsip yung dugo sa daliri ko.

Pag talaga napapahamak ako, lagi siyang nandyan?!

"Sorry na."

Tse! Kahit kailan ka talaga!

Tinalikuran niya ako at binuksan niya ang isang drawer sa gilid ng ref. May kinuha siyang transparent na maliit na container at lumapit agad siya sakin. Kinuha niya ang daliri ko mula sa bibig ko.

"Ano bang gagawin mo?" Di niya ako pinansin at tahimik na may pinapahid saking alcohol.

"Aw." Hinipan niya dahan-dahan ang sugat ko.

"Sorry, I'll be gentle."

Napatingin naman ako sa kanya at pinagmasdan ko siyang hinihipan ang sugat sa daliri ko.

Kung hindi ka lang talaga mayabang at mahangin na tao at sana naging kabait mo si Riku at kasing-friendly kagaya ni Marco. Pero mukha namang imposible ang mga sinasabi ko. Napaka-imposible!

"Pwede ba hindi ka bampira para sipsipin ang dugo mo." Nakuha pang manermon pa niya sakin na parang ako talaga ang may kasalanan at binitawan na niya rin ang daliri ko sa wakas.

Inikutan ko siya ng mata. "Kung magsalita ka akala mo naman wala siyang kinalaman" Bulong ko pa.

"May sinasabi ka ba?"

"Wala... Sige salamat na ha pwede mo na ba akong lubayan at isa pa hindi ko naman duty." Sabay irap ko sa kanya.

"For your information Jhazilyn Inn Jung, you're my personal secretary at nasa iisang bubong tayo nakatira kaya anytime anywhere basta secretary kita nasa trabaho tayo." At nagpasuplado effect pa.


Sinamaan ko din siya ng tingin at pinagpatuloy ka na lang ang paghihiwa ng sibuyas.

"Shit." Mahina kong daing.

Bakit naman sumasabay pa ang sibuyas na ito sa hapdi ng sugat ko?!

"Why are you crying, Jhazy?"

Naupo siya sa kabilang side at pilyong nakangisi pa sakin na parang aso.

"Pwede ba hindi tayo close kaya huwag na huwag mo kong tatawaging Jhazy!"

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon