Chapter 5

103 12 0
                                    

Start Of My Duty

Halos tatlong araw na akong pumasok sa Lee State University na kung saan asawa pala ni Ma'am Lee ang director ng school.

Bawat uwian mas nauuna akong umuwi kumpara kay Aso. Sa tuwing magkaharap lang kami tinatawag ko siyang Raine. Lagi akong nagrereport kay Ma'am Lee tapos nagbibigay pa siya sakin ng tip. Nasukatan na din ako ng uniform ng junior high at hindi pa daw alam kung kailan ko pwedeng makuha.

"Ma, pasok na po ako."

"Sige 'nak, mag-iingat ka ha at mag-aral nang mabuti."

"Yes naman, Eomma, ako pa diba!"

Pagkalabas ko sa kwarto bumungad agad sakin ang bangungot ko. Nasa tapat niya si Ma'am Lee at napatingin din sakin.

"Mabuti pa anak, isabay mo na si Inn sa school."

Ano raw?! Hindi pwede!


"Ay, Ma'am huwag na po, magta-tricycle nalang po ako or jeep at isa pa nakakahiya naman po kay Sir Raine." Labas sa ilong kong pagsabi ng pangalan niya. Nginitian ko siya ng pilit at alam kong gets niya agad.


"Ahze is your responsibility and dapat diba pag nasaan ang Sir dapat nandun din ang secretary niya."


Speaking of Rule number 2...

Nagkatinginan lang kami ni Aso at alam namin sa isa't-isa ang magiging bunga nito.



Kasalukuyang nasa passenger seat ako at nakatulala sa kawalan at pinagmamasdan ang paligid.


"Jhazilyn" Basag niya sa kaingayan este sa katahimikan.

"May kailangan ka, ano yun?" Gulat kong tanong sa kanya.

"Lutang ka ba? Bakit ngayon ka lang ba nakasakay ng kotse at libre pa." Ngumisi naman siya na kulang nalang babagyuhin nalang dahil sa kahanginan niya.


"Baliw, tumingin ka sa dinadaanan mo." Buti sumunod siya.

Yung totoo ako ba ang pinagsisilbihan niya?

Nasa parking lot na kami ngayon at hininto na rin niya ang sasakyan. Bubuksan ko na sana yung pintuan kaso parang may mali.

"Uy, naka-lock" Reklamo ko.


Takte bakit di niya ako pinapansin?!

"Woy!" At sinigawan ko na talaga siya. Buti tumingin na din siya sakin.

"Sabi ni Eomma, responsibility mo ko kaya ibig sabihin nun kung..."

"Pag may mangyari sayong masama ako ang may pananagutan at may chance na maalis ako sa trabaho kong ito." Pagpatuloy ko lahat ng dapat sasabihin niya.

"Kaya dapat hindi dapat ako ang naghahanap sayo tandaan mo yun, Jhazilyn."

"Yes naman, Raine." Nginitian ko siya ng sobra.

"Tumigil ka nga dyan, Jhazilyn bumaba ka na at buhatin mo lahat ng ibibigay ko sayo."



Bakit iba ang dating ng pagbanggit niya ng first name ko?

"Naka-lock nga diba."

"Buksan mo na."

Pinihit ko muli yung pintuan at buti binuksan na rin niya. Pagkababa ko binigay niya sakin ang bag at mga folder niya.

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon