Chapter 11

94 7 4
                                    

Hero

"Wala yun!" Sagot agad ni Marco na parang sa tingin ko importante siyang tao.


Sino ba kase si Chansy?


"Ano ka ba Marco, tinatanong ka ng matino dyan ni Inn tapos sasagutin mo ng wala. Ganto talaga kase yun, Inn." Si Brixz.


Hindi ko alam kung bakit nanahimik si Charles at si Aso dahil sa pagkakatanong ko lang naman ng 'sino si Chansy?"

"Ipaliwanag mo nga, Tantan." Akala ko si Brixz na talaga ang magkukwento.


Sinamaan agad ni Christan siya ng tingin."Ayos ka din bro... sige na nga."


Nanatiling nanahimik sina Charles at Aso na parang ayaw nila ang pinag-uusapan.


"Si Chanshel Mendoza o mas kilalang Chansy, ay ang kauna-unahang secretary ni Aso pero hindi rin nagtagal dahil sa pangunahing dahilan which is the attitude of Ahze."

Siya pala ang unang secretary ni Aso. Ano kayang ugali meron siya kung bakit natagalan niya si Aso I mean nakapagtimpi pa siya ng ilang araw sa ugali ni Aso? Grabe kung ako yun first day palang aayaw na ko.


Bigla namang tumayo si Aso at walang kwentang reaksyon na tumingin sakin.

"Sumama ka sakin."

Tumayo nalang ako at sinundan ko nalang siya ng tahimik.

Nananahimik ata ito? Himala aba.

Syempre saan pa ba kami babagsak, edi sa rooftop. Napansin ko rin na dito pala ang tambayan nila dahil punong punong na mga pangalan nila dito.



"Chansy was my secretary since 2012. First year high school ako nun syempre masyado akong maloko at ayaw ko sa lahat ng may nagrereport ng mga ginagawa ko araw-araw kay Eomma." Nakatingin lang siya sa tanawin mula sa baba habang hinahangin ang buhok niya.

"Eh, bakit ngayon maloko ka parin naman."


"Iba yung noon sa ngayon, Jhazilyn." At tumingin siya sa kin.


"Pa- paanong nagkaiba?" Tanong ko.


"Mas wild yung pagloloko ko dati kumpara ngayon na hindi na masyado." Nginisian niya ko.


"Wild? As in yung parang killer?"


"What?! Hindi ako mamatay tao."



"E ano?.... Ah! Alam ko na."



"What is it?" At parang inaabangan niya talaga ang sagot ko.

"Eto hula ko lang ha. Isa kang heartrob na sikat na sikat sa buong Lee State University tapos syempre mayabang yung mukha mo, magaspang yung ugali mo, at parang kahit sinong bumangga sayo inaabangan mo sa gate at bubugbugin mo hanggang sa madepress siya at irereport naman iyon ni Chansy tapos malalaman ni Ma'am Lee at maga-grounded ka ng isang buwan or one week."


"And what is your point?"



"You are a gangster and a childish high school student,  am I right?"


"Yes I'm a gangster, still a gangster but not a childish high school student."

"Ewan ko sayo childish yun yung ganun nambubugbog dahil lang sa walang kwentang dahilan at isa pa sabi mo gangster ka dati at still gangster ka pa rin edi wala pa rin pinagkaiba."

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon