Chapter 23

60 6 0
                                    


Date


"Inn, your grades are excellent! I'm so proud of you!" Pinakita niya sakin ang report card ko bago niya ako bineso sa magkabilang pisngi. Nginitian ko lang siya ng tipid at binaling ang tingin sa card ko.

Bakit? Paano? Kailan?

Hindi parin ako makapaniwala. Nandito ang nanay ni Rayn at dumalo siya bilang nanay ko. Paano niya nalamang hindi dadalo si eomma at siya na lang ang nagpresinta?

"Tita."

"What?"

"Paano niyo po nalamang wala po akong magulang na aatend para po sa kuhaan ng card?" Napansin kong natigilan siya sa pagngiti ngunit mas pinakitaan niya ako ng mas malawak na ngiti.

"Sinabi kase sakin ni Rayn na wala ka daw parents na aatend so-"


"Kaya kayo po ang pumunta ngayon?"


"Exactly."

Kailan naman nalaman ni Rayn na hindi aatend si eomma? Sinabi ko ba sa kanya? O sadyang di ko lang talaga matandaan ngayon?


"By the way Inn, join us with Rayn because he also on the toplist and rank 1, later? You know, celebration."

"Tita."


"Come with us Inn, please, and also this is my first time to attend a meeting for releasing card. Please Inn for me?"

"Ah." Paano ba?

"Text ko nalang po si—"

"He will fetch you later Inn."

"Sige po." Wala akong nagawa kundi ang pumayag nalang. Siguro magpapaalam nalang ako kay Eomma at syempre kay Raine na seryosong pinagmamasdan kami mula sa labas.

Kahit ang mga kaklase ko ay manghang mangha sa 'nanay ko' ng dumating hanggang ngayon. Kahit hindi ko sila tingnan ay nakikita ko sa gilid ng mata ko na lahat sila ay nakatingin samin.

Yumuko ako ng bahagya at pinaglapat ko ang dalawang kong palad para magpasalamat. Yumuko din siya at tinalikuran na ko pagkatapos.

Kailan ko ba kase sinabi kay Rayn na wala akong magulang na aatend?


Hanggang sa pagpasok ko sa loob ng room ay iniisip ko parin ang mga nangyare ngayon.

Siguro baka sinabi ko nga kay Rayn. Okay huwag ko na nga lang isipin.


"Ang ganda pala ng mommy mo, Inn." Nagulantang ako sa sinabi ng isa kong kaklase.


"Salamat." Mabilis ko siyang nginitian at umupo na ako sa aking pwesto. Itatago ko palang ang card ko sa bag ng mabilis yung hinigit ni Coleen na kaharap ko lang sa seating arrangement.


"Wow! You're so blessed and intelligent Inn, I wish I could be like you, Inn." Kinuha ko sa kanya ang card ko at tinuloy kong ipasok sa bag ko. Pinakita naman niya sakin ang card niya habang nakasimangot.


"Bakit ka naman nakasimangot Coleen?"


"For sure my mom will freeze my some cards."


"Ano ka ba Coleen, keep it up lang at isa pa, hindi naman masyadong mababa ang grades mo. Tataas din 'to magsa- study hard tayo!"



"Talaga?!"


"Oo naman." Nagulat pa ako ng niyakap niya ako pero tinapik ko agad siya likod dahil baka malukot ang card niya.


"Ay!" Tumuwid ulit siya ng upo at nagsalong baba sa table ko.


Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon