Chapter 34

43 4 0
                                    


Hiding

Tipid lang akong ngumiti sa kanila at bumaling ulit sa pagkain. Tanging nagagawa ko lamang ay manahimik at makinig. Kahit may pagkakataong nagsasalita sila ng hindi ko naiintindihan pero nababanggit nila ang pangalan ko sa ibang tono. Yung iba ay parang nagagalit ang tono mas lalo na kapag sunod sunod at tila sinesermunan ka. Ito pala yung pakiramdam na napapaligiran ka na tanging ang sarili mo lang ang naiintindihan mo.

Laking pasasalamat ko ng sumulpot ulit si Ma'am Lee at nag filipino. Buti naman ay nagsasalita na rin sila ng filipino kahit tipid na tipid lamang at malalalim.

"Babalik kami dito anak sa susunod na linggo at sana'y maisipan mo ng mabuti ang sumama sa amin. Alam kong naguguluhan ka pa sa nangyayari kaya pagbibigyan ka muli namin ng isang linggo para maliwanagan ka at maintindihan mo kami. Alam kong iniisip mo ang kapakanan ni Janin at naiintindihan namin iyon. H'wag kang mag aalala dahil nasa pangangalaga siya namin katuwang ang mga Lee." Ngumiti siya ng tipid at niyakap ako. Tanging nagawa ko nalang ay yumuko at pinagmasdan sila papasok sa van.

Nakita ko pa ang pagngiti sa akin ni Mr. Katiyakara kaya yumuko ako ng bahagya bilang tugon. Pero nang nagtama ang aming mga mata ni Mrs. Katiyara ay tinaas lang niya ang kanyang kilay at suplada akong iniwasan. Yumuko nalang din ako bilang paggalang.

"Inn, nandito lang kami para sa'yo." Batid kong si Rayn iyon. Mapait akong ngumiti sa kanya.

"Salamat, Rayn" Natigilan naman ako sa tinawag ko sa kanya kaya umiwas ako at bumaling sa paligid.

Napansin kong natigilan din siya pero binawian niya ito ng masayang ngiti.

"Simula ngayon Inn ang itatawag mo na sa akin ay Rangel." Mabilis naman akong bumaling sa kanya dahil batid kong nabasa niya ang iniisip ko.

"R-rangel?" Utal kong tanong.

"Oo, ganyan nga. Mas maganda. Mas maganda lalo pag galing sayo." Ngumiwi naman ako sa sinabi niya.

"Naku, umiiral na naman ang pagiging bolero mo kaya hindi na ako nagtataka kung bakit kabago bago mo rin sa school ay naging sikat ka na agad."

"Hindi naman. Mga 25 percent lang naman hindi masyadong makalat."

"Asus. Itinanggi pa. E halos nga rin magmakaawa sa akin si Zephanie para makalapit sayo."

"Sinong Zephanie?"

"Yung maarteng laging may liquid eyeliner sa mata na kasama sa grupo ni Selena."

"Selena?"

"Baka pati iyon hindi mo rin kilala? Aba, aba, napaka famous ng mga babaeng iyon at kahit mga college students ay nahuhumaling sa kanya."


"Hindi naman sila ang pinunta ko sa school na iyon e kaya wala akong pake kung sikat ba sila. Basta ang misyon ko ay makita at mapangalagaan ka."

"Teka nga." Pinagkunutan ko siya noo at sinandal ko aking ulo sa aking kamay na nakatukod sa isa ko pang kamay na nakayukom. Tila palaisipan ang mga iniisip niya ngayon.

"Bakit may problema ba?" Kumunot na rin ang kanyang noo at ngumuso.

"Naisip ko lang. Nauna kang nag transfer sa akin sa LSU diba?"

"O-oo." Utal niyang sagot. Huli ka sakin ngayon!

"Sabihin mo nga, alam mo na bang doon ako mag-aaral?" Nagpakawala siya ng buntong hininga at parang may nalusutan ng problema.


"Inn, pinaliwanag ko na diba sayo ito dati. Hindi mo pa ba naiintindihan?"

"Akala ko kase may iba ka pang dahilan."

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon