Chapter 39

39 5 0
                                    


Again

Hindi natuloy ang balak naming magkwentuhan ni Rosielyn dahil tinawag siya sa council. Sinabi kong baka sa regular na araw na walang masyadong ginagawa. Hinatid pa nila ako nina Rangel sa una kong klase at nagsabi pa sila ng mga paalala. Sinama nila si Kuya Rewanin at sa break time nalang daw kami magkita kita.

Suot ang maong blue long sleeves at mayroong white t shirt sa loob. Faded blue jeans at white shoes na may check na itim sa gilid. Sukbit ang di kalakihang bag at pumasok ako sa loob. Mukha pa atang late ako dahil medyo puno na ang buong silid at nag-aayos na ang professor. Kahit pinagtitinginan ng iba ay naupo agad ako sa bandang dulo dahil doon nalang may ekstrang upuan.

"So, good morning students. I'm Sir Richard Otocan, Sir Richi will do, your adviser professor. First of all, thank you for choosing Lee State University for your college journey and hoping that you learn more about to your chosen course and also the experience of being a college student. So for today I will discuss how are you grading but for now I will like to know about you. Please introduce yourself, something hubby that you like and what are you want to know or expected to your course. English and filipino are applicable."

Habang nagpapakilala ang iba ay nilibot ko muna ang aking mata sa buong paligid. Wala akong kilala sa kanila miski isa. Ang iba'y pamilyar sa akin pero hindi ko sila naging kaklase o kaya mga pangalan nila. Ang iba naman ay bago lang sa mata ko. May mga naka-skirt na akala mo magpaparty, may tila naman laging may porormahan, may mga nakasalamin at ang iba'y naka strap na crop top pa. Hindi ko na pupunahin ang mga make up nila kahit makakapal na masyado dahil required naman iyon dito kahit ako ay simpleng powder at light liptint lang. Dahil sa college kailangan dapat presentable ang hitsura.

"Miss Jung?"

Tumayo kaagad ako at nagsimula na akong magsalita.

"Good morning po, I'm Jhazilyn Inn S. Jung."

"Ms. Jung, saan ka nag-aral ng first year mo? Nakalagay kase dito sa papers mo na hindi ka dito sa LSU nagcollege. Wala kase dito."

Kailangan pa bang banggitin iyon?

"Galing po kase ako sa Batangas. Doon po ako nag first year." Ang galing!

Salamat namang tumango siya at pinagpatuloy ako. Nakahinga ako ng maluwag hanggang sa lumabas na siya sa pinto. Muntik na ako roon, hindi pa naman ako nakapaghanda sa ganong usapan. Ang iba'y nag sialisan dahil ibang room na ang pupuntahan habang ang iba'y nanatili lang dahil parehas pa rin ng room na papasukan. Tumayo na rin ako para umalis nang magsalita ang isa sa mga bago kong kaklase na nalagpasan ko na.

"Jhazilyn Inn Jung, right?"

"Oh?"

"Your look familiar to me, kayo girls pamilyar ba kayo sa kanya?"

Tumango tango naman ang tatlong babaeng kalapit niya. Isa sila mga pamilyar din sa akin. Pilit kong inaalala kong saan ko ba sila nakita o naka encountered ko na ba sila. Pero sa titingnan kong mabuti ay hindi sila ka grade level ko. Kung second year ako ngayon, baka mga second year high school sila nung fourth year ako dati. Pero batay sa nalalaman ko ay kami ang last batch na hindi aabot sa K12 curriculum. So mga third year sila nung kapanuhan ng huling high school ko dito.

Huli na nang nakilala ko na sila. Sila yung huling nanakit sa akin sa locker's area ng high school. Bakit parang kulang ata sila ng isa?

"Pamilyar din kayo sa akin." Nginitian ko sila at humakbang ako papalabas. Ang tatapang nilang sabihan ako ng you look familiar to me.

Medyo nahirapan pa akong hanapin ang bawat room. Mabuti nalang ay may ibang estudyanteng kagaya nung akin. May mga nagtatagal ang tingin sa akin mas lalo na ang mga babae. Syempre hindi makakatakas sa akin ang mga bulungan nila. May naririnig na akong 'siya yung secretary ni Ahze Raine Lee na umalis bigla diba?' 'May alam kaya siya sa nangyari noon kay Ahze?'. Medyo natitigilan pa ako pero binabalewala ko nalang. Nakipagkita kita na kaming apat nung uwian na. Inantay pa nila ako kaya hindi syempre mawawala ang mga bulungan nila. Para silang mga bubuyog na paulit-ulit sa tainga ko. Nagtaka sila kung bakit ako pala ang hinihintay ng tatlo sa labas lalo na't kitang-kita sila sa loob dahil sa glass wall.

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon