Chapter 28

42 4 0
                                    

Agree


Napahiyaw ako ng sobra nang sinapak ni Raine si Rayn. Hinawakan ko agad si Raine sa braso at pinatigil ito. Nawala ang sounds sa buong hall kaya agad kaming nakaagaw pansin.


"GAGO KA BA? WHY DO YOU FUCKING DO THAT!"


"Raine, tama na. Please!" Pagsusumamo ko at pilit ko siyang nilalayo kay Rayn na ngayon ay naputukan ng nguso.

Pakiramdam ko'y rinig iyon sa buong hall. Halos lahat ng ay nasa amin ang atensyon. Lumapit naman si Riku kay Rayn at tinulungan itong makabangon.


"Ano bang paki mo?!" Nakuha pang sumagot ni Rayn. Lumapit siya samin ni Raine at tinignan ako bago bumaling ulit kay Raine.

"Diba ang sabi ko sayo layuan mo na si Inn, bakit hindi mo makuha kuha yun?!" Bulyaw niya habang nangigil ang kanyang mukha. Natigilan akong tumingin kay Rayn.


Hindi pwedeng mangyare ito!

Hindi pwede!

Wala ako sa sariling binitawan ang braso ni Raine at pagmasdan ang nanggigililaitin niyang mukha.

"AND WHO ARE YOU TO DICTATE ME?! ARE YOU FUCKING CRAZY?!" Sigaw ulit ni Raine at hinawakan ang kwelyo ng kasagutan. Sandaling natigilan si Rayn at umiwas ng tingin kay Raine. Maya-maya ay pinaghiwalay sila ni Riku at tumulong narin sina Marco, Brixz, at Christan. Nilapitan naman ako ni Coleen at binigyan ako ng nag-alalang ekspresyon.



"Inn, ang mabuti pa ay umupo na tayo."


"Sige." Sumunod ako kay Coleen at tahimik na yumuko sa table namin. Ilang minuto lang ay nagpatuloy ang naudlot na love song.

Tahimik kaming bumabyahe ni Raine. Wala ni isa sa amin ang may lakas ng loob na magsalita. Palihim ko siyang tinitignan habang nagmamaneho pero tutok na tutok lang siya sa daan. May pagkakataong gusto ko ng magsalita pero natatakot ako sa kung ano man ang sabihin niya. Kaya muli ko nalang inisip ang pinagtalunan nila kanina.

Bakit naman niya pinapalayo si Raine sakin? Dahil ba sa mga sinabi niya? Na siya lang ang pwede kong pagkatiwalaan? Hindi naman pwede 'yun lalo na't nasa iisang bahay lang kami nakatira ni Raine at isa pa sa una palang ay sekretarya ako niya. Alam niya iyon panigurado.

Kung tunay niyang pinapahalagahan ang kaligtasan ko bakit hindi niya agad sinabi sakin ng nakilala ko siya noon pa. Bakit ngayon pang panahon  niya sinabi sakin kung kailan nakasanayan at komportable na 'ko sa kung ano mang buhay ko ngayon.

Paano siya nakakasigurong delikado ako sa anumang puntahan ko. Sa mga sinasamahan ko. Sa mga taong nakakasalamuha ko at sa mga taong nasa paligid ko. Lagi ba siyang nakasunod sakin? May mga mata ba siya sa paligid?

Kinilabutan tuloy ako sa iniisip ko kaya bumaling nalang ako sa bintana at tiningnan ang mga liwanag sa daan. Nang natanaw ko na ang guardhouse ay tinignan ko ulit siya. Sinaladuhan siya ng gwardya at tinaas ang kahoy para makapasok na kami.

Tahimik parin kami at halos paghikab ko'y kinontrol ko para di makagawa ng anumang ingay. Kaya naipon sa mata ko lahat ng tinitiis ko. Natigil lang ako sa kakahikab ng marinig kong bumukas ang pintuan sakin. Napatitig agad ako sa mata niya pero hindi man lang niya ako magawang tignan. Sulyap lang pero mas mabilis pa ang bilang ng unang segundo kung umiwas siya sakin. Umatras siya para bigyan ako ng daan.

"Goodnight." Diretso niyang usal at iniwan ako sa tapat ng kotse niya.

Sana lumingon siya at balikan ko... sana... pero nagtuloy pa rin siya.

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon