Chapter 26

50 4 0
                                    


Anong gagawin ko

Masaya kaming umuwi ng gabing iyon. Parang mas lalo pang nadagdagan at patuloy na madagdagan ang nararamdaman ko para sa kanya. Kahit may pagkakataong naiinis siya sa mga lalaking nagpapaturo sakin ng assignment. Kung dati ay pinapagalitan ko siya ngayon ay tinatawanan nalang siya at minsa'y sinisipat.


Mabilis umusad ang buwan ng Nobyembre kaya ngayon ang pinag-uusapan ay ang gaganaping Christmas Ball.

"Wear your best casual outfit. I know that you aware the standards about dressing class because we will choose the Prince and Princess of the Night. I hope you join all guys and that's all. Class dismiss." Anunsyo ni Ma'am Montes samin bago niya tinahak ang pintuan palabas dala ang laptop at bandel ng mga answer sheet namin.

"Inn, anong susuotin mo?" Magiliw na tanong sakin ni Coleen. Mababasa mo sa mata niya ang tuwa dahil sa inanusyo.


"Hindi ko alam kung sasama ako." Palihim akong napakamot sa ulo.

"Hala why naman? Maganda ang gaganaping ball this coming next friday and also this is your first time that you join a party in LSU. You should attend Inn for sure it's memorable day mo. Makakasama mo pa ang ibang section and other grade level."

Hindi naman sa killjoy ako. Sa loob ko ay gustong gusto kong sumama para maranasan naman ang party na sinasabi ni Coleen. Ang kaso lang ay ang susuotin na damit. Hindi naman pwede akong magmukhang namamasko dun at isa pa ang sinabi ay standards dressing. Kaya mapapaisip ka talaga kung sasama ka ba o hindi.

"Pag-iisipan ko, Coleen." Nabagsak nalang ang balikat ni Coleen na kung babasahin ko ang iniisip niya ay siguro napagtanto niyang nagdadalawang isip ako.

Habang tumatagal ay pa konti na ng pa konti ang mga nagtataray sakin at nagpaparinig. May ibang nginingitian nila ako at minsa'y kinikilig pag kasabay ko si Raine papasok ng room at pag naglalakad sa hallway at corridor. Kahit naman kase ako ay naapektuhan sa mga galawan niya. Ika nga 'mga da moves' niya. Halimbawa nalang ngayon na nakatukod ang siko sa locker ni Riku at nakaharap sakin ang katawan habang pinagmamasdan akong nag-aayos ng locker.


"Pwede ba Raine huwag ka ngang ganyan naiilang na ko sayo."

"Sus! Ang sabihin mo nagseselos ka lang dahil sa mga nakatingin sakin ngayon."

"Naku, bumalik ulit ang bagyong Yolanda sinamahan pa nang pagkalakas lakas na buhawi."

"Jhazilyn naman alam mo namang ikaw lang diba ang nandito sa puso ko." Kumindat pa siya kaya mas lalong umasim ang ekspresyon ko ng tumuwid ako ng tayo.

"Grabe saan mo pinagkukuha yang mga salitang yan. Ikaw ba iyan Raine? Boya"

"Fuck. Fuck. Fuck. Fuck." Ginulo gulo pa niya ang kanyang nakaayos na buhok.

"Bakit anong meron?" Namataan ko naman sina Christan at Brixz. Na humahagalpak ng tawa habang sinasapo ng kanilang mga sariling tiyan. Nang papalapit na sila ay tinawag ko sila. Agad naman silang lumingon sakin at tumigil na rin si Raine sa paggulo ng buhok niya.

"Oh Inn!" Saad nilang dalawa habang papalapit na sila samin ni Raine. Nilingon sila ni Raine at parang nakakita sila ng multo. Dahan dahan silang napaatras hanggang sa tumakbo na sila at nagulat naman ako ng habulin sila ni Raine.

Bakit ano bang problema?

Tinuloy ko nalang ang pag-aayos ng locker ko. Bigla nalang may nahulog sa librong inangat ko. Parang isang makalumang papel na matigas at parang hindi pang karaniwan ang pinansulat. Matapos ko yung basahin ay binulsa ko agad ito at sinarado agad ang locker. Pinagmasdan ko ang mga tao sa buong paligid kung sino man ang maaaring magbigay ng ganoong sulat.

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon