Chapter 41

42 2 0
                                    


Report

"Nagpapahinga ka pa ba ng maayos, Inn?"

"Oo naman, bakit mo naman natanong Rangel?"

"Bakit ka ba naman kase nagtrabaho bilang helper sa mansyon ni Chairman Lee?" Nakabusangot na singit ni Reagan sa usapan.

"Ano ba kayo? Hindi ba't sinabi ko na sa inyong gusto ko lang makatulong."

"Pagtulong pala tapos kasama mo yung iniyak-iyakan mong ex!"

"Hoy ikaw, saan mo naman nasagap 'yang tsismis na 'yan? Saang radar o satellite mo iyan nahagilap?"

"Tumahimik ka na nga lang Reagan pampaingay ka, 'e" Bulyaw ng kapatid sa kanya. Buti nga sayo!

Inismiran niya kaming pareho ni Rangel at nagpatuloy sa paglalaro sa naka-landscape niyang cellphone.

"Nalaman ko lang na isa pala si Raine sa mga apo na sinasabi ni Chairman Min Lee. Alam ko ng hindi mga bata ang magiging kasama ko dun kase nabanggit na niya yung bawat katangian ng mga apo niya. Nalaman ko lang nang malinaw nung nagpakilala si Raine at sinabi niya ang buong pangalan ni Chairman Min."


"Pero kinikilig kilig ka naman." Singit ulit ni Reagan.

"Sige nga, paano ako kikiligin kung halos pagpunta ko palang ay paalis naman siya. Pag-uwi ko naman ay siyang pagbalik niya."

"So parang gusto mo talagang kikiligin ka?"

"Tumigil ka nga dyan Reagan Zekelle. Maglaro ka nalang dyan!" Bulyaw ko sa kanya. Kahit kailan talaga ito!

"Ah, nga pala Inn, nabanggit ni Mae na magkakaroon tayo ng meeting sa linggo at para din sa ating report about Jung and to some sindicates."

"Okay. Maghahanda na ako para dyan." Sinukbit ko na aking bag at nagpusod ng buhok. "I have to go"

"Hatid na kita." Gulat pa akong napabaling kay P'Wanin dahil first time niyang sabihin ito. Tatanungin ko sana siya kung mayroon ba siyang lisensya dito sa Pilipinas pero sinabi naman agad ni Rangel na may lisensya na raw ito nung nasa Batangas pa kami.

"Dito ka na lang ba?"

"Oo, siguradong magtataka sila pag naabutan ka pa nila at sakay mo pa ako sa kotse."

"Okay. Take care."

Nginitian ko siya hanggang sa nalayo na siya sa kinaroroonan ko. Naglakad ako patungo sa mansyon. Mag-whole day ako ngayon dahil bukod sa walang pasok sa school at rest day ko naman sa trabaho. Kaya ngayon ay dito ako matutulog dahil na rin sa wala raw ang dalawang kasambahay at luluwas rin daw si Lola patungong probinsya niya.

"Inn, mabuti't maaga ka ngayon."

"Maaga naman po talaga ako ngayon. Inagahan ko na po ng ilang minuto para matulungan ko na po kayong magluto at sa iba pang gawaing bahay."

"Mabuti naman hija ay naisipan mo lalo na't luluwas na ako mamaya."

"Sige po."

Nilapag ko ang bag ko sa isang gilid at inabangan ang mga sasabihin ni Lola.

"Magdidilig lang ako Inn, ikaw muna ang mag-grocery at mamalengke."

"Sige po. Saan po ba ang listahan?"

Inabot sa akin ni Lola ang isang  mahabang dilaw na papel at punong-puno iyon na parang pang isang buwan nang supply.

"Sige po Lola, una na po ako."

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon