Chapter 36

48 5 0
                                    

Itinakda

Sadyang kay gulo ng tadhana. Ni minsa'y hindi ko ito pinangarap para lamang sa aking sarili kundi na rin sa aking ina. Maibibigay ko na sa kanya ang lahat at hindi na siya kailanman mamasukan sa iba't-ibang lugar. Ngunit sadyang kay pait ng kapalaran dahil kinuha sa akin ng maaga ang aking pinakamamahal na ina. Ngunit napagtanto ko sa ilang taong lumipas, kinayanan ko lahat ng hirap at mga pagsubok. Dahil alam niya na kakayanin ko, dahil alam niyang malalagpasan ko ito. Kahit wala na siya alam kong kasama ko siya lumaban. Hindi ko man siya makita pero mananatili pa rin siya sa puso ko habang buhay.

Kabado akong bumaba ng sasakyan at muntik pa akong matapilok kung hindi agad ako inalalayan ni Rangel. Sa huli nagawa kong kumapit sa kanya nang mabuti dahil sa bawat hakbang ko'y tila unti-unti akong nanghihina at nanlalamig. Kahit tanghaling tapat ngayon. Kinikilabutan ako sa bawat taong yumuyuko sa amin na may espada pa sa kanilang gilid. Mukha silang mga royal guards ng London pero ang pinagkaiba ay mas malinis sila tingnan dahil sa kanilang maayos na pagkakagupit ng kanilang buhok.

Awtomatikong dumagundong ng napakalakas ang puso ko kasabay ng tila pagkalampag mula sa loob ng napakalaking gong habang binubuksan ang higanteng pintuan na nahahati sa dalawa. Kasabay ng paghakbang papasok ni Mr. Katiyakara ang mga nagsiyukuan ang mga taong nakahilera sa buong parliyamento. Mula sa taas hanggang sa ibaba. Ang mga nakahilerang mga royal guards hanggang sa mga naninilbihan. Napansin ko ang aking mga kapatid na nasa bandang gilid sa taas at kasama nila si Mrs. Katiyakara na supistikadang humahakbang pababa sa malawak at mas mahabang hagdanan na nababalutan ng pulang carpet. Wala ni isang mga taong nasa loob ang naglalakas loob na lingunin siya. Maliban sa akin at sa kanyang asawa na nasa aking tabi. Nilingon ko rin sina Rangel at Reagan na kapwa mga naka yuko rin ang ulo. Maging si Tita Sathida ay ganoon din.

Doon ko lang napagtantong pinagtitinginan nila ako maging si Mr. Katiyakara. Kaya walang pasubaling yumuko ako. Kakahiya ka Inn!

Mamaya biglang itutok sa akin ang matatalim nilang mga espada. Nakakatakot! Ayaw ko pang mamatay!

"Inn, are you okay?" Muntik na 'kong mapatalon sa lapit ng boses na iyon. Mabuti nalang ay napaatras lang ako at kabadong nag angat ng ulo.

Lutang pa!

"Sawasdeekha, Mrs. Katiyakara." Kasabay nun ay ang paglapat ng dalawa kong palad at yumuko. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa kanya at malapitan pa. Unang kita ko palang sa kanya ay talagang mababasa mo ang pagiging strikta dahil palang sa tindig at mapipinong kilos niya. Parang lahat ng kilos niya ay talagang pinag-aaralan. Sa paglingon palang niya sayo at ang pagtingin niya ay dapat mo nang igalang iyon. Siya yung tipong titingnan mo palang ay parang ayaw mo nang gawin dahil baka wala pang isang segundong lumapat na sa'yo nang napalakas ang maputi niyang palad. Ang magandang hubog ng kanyang kilay na laging nakataas at ang masusungit niyang mga mata ay talagang mangingilabot ka na sa takot na makausap mo siya.

Baka ganito nalang ang kaba ko dahil mas natingnan ko ng matagalan ang mukha niya hindi katulad dati na bibihira lang magtama ang aming mga landas at ang mga pagkakataong nakikita ko siya nung nagtatago ako sa kanila. Ngayon ko lang napagtanto ang pagitan ng aming espasyo. Kung gaano siya kataas at kung saan lang ako.

"You're so cute when you speak and doing wai gesture." Bumati rin siya at ginawa ang ginawa kong pagbati. Pero napakaingat at pulido ng pagkakakilos niya. Talagang masasabi mong pinag-aaralan talaga ang mga kilos niya.

"Finally, you showed up to us after 2 years of your escaping. It's glad to hear that you finally here in our country, it's pleasure to meet you and welcome to our palace, Jhazilyn Inn Jung." Tipid siyang ngumiti at bumaling sa kanyang asawa. Nagsalita ito pero sa salitang hindi ko lubusang maintindihan. Sa palagay ko'y pinag uusapan nila ako dahil parehas silang bumaling sa akin.

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon