Chapter 44

41 2 0
                                    


Tournament

"Paano ang gagawin natin nito? Ikaw Inn pwede ka ba munang mag closing?"

Napatigil ako sa pagpupunas ng table nang marinig ko si Ma'am Ching na binanggit ang pangalan ko.

"Ma'am, tingnan ko po. Kase po may trabaho rin po kase ako sa gab.i"

"Sana magpa-request ka muna Inn, kulang tayo ng tao bukas mas lalo na ngayong sunod-sunod ang mga awol at nag resign na mga trainees. Ewan ko ba sa mga crew trainor natin, masyado ba silang nagsusungit?"

Kita ko ang kaba sa ibang mga crew habang naglilinis dahil kapwa ko rin na uuwi na pagkatapos lang nitong ginagawa ko. Nagkayayaan pa sila at sinasama ako dahil birthday ng isa kong katrabaho. Pero mabilis akong umiling at nanghingi ng pasensya. Bumawi raw ako sa susunod sa sunod na birthday sa amin. Tumango nalang ako para makaalis na sila.

Pagkatapos kong maglinis ng aking station ay pumanhik agad ako sa crew room para makapagpalit ng damit.

"Inn, pwede bang pa-serve muna ito sa table 16? Nagloko kase itong post ko."

"Okay, kompleto na ba ito?" Tumango siya at binigay sa akin ang tray kasama ang resibo. Nilapag ko muna ang bag ko sa tabi at hinanap ang table na sinasabi ni Dina.

"Sir, ito na po."

"Wait, Inn?"

Huli na para magulat, na sa lahat pa naman ng pagkakataon ay dito ko ulit sila nakita. Kulang lang sila nang dalawa para makompleto sila.

"Oh, hi Riku! Kanina pa ba kayo nag-aantay? Sorry nagloko kase yung post sa counter. Pasensya na." Inabot ko sa kanya ang resibo pero tinignan lang niya ako. Wala siyang balak tanggapin.

"Kailan ka pa nagwowork dito, Inn? Ba't di mo sinasabi sa amin? May magandang restaurant na malaki ang payment dapat nagsa-"

Mabilis akong umiling. "Hindi, ayos lang naman Marco. Pero salamat sa offer mo" Ngumuso lang siya at tinignan akong mabuti. Napatingin naman ako kay Christan na parang humahanap lang nang tiyempo para magsalita. Kaya ang ginawa ko ay sa kanya ko inabot ang resibo.

"Ikaw ba magbabayad?"

Pinaliwanag ko sa kanya lahat at binulungan ang total prize. Ang kasama lang nila ay si Jade at wala si Coleen at Brixz. Kailan ko nga ba nakitang mag-isa lang si Raine sa tuwing saan ako dadaan? Magkaklase ata sila nito. Teka ba't pa ako nagtataka?

"Nice shirt, Inn!" Sa lakas ng boses ni Christan ay aksidente ko siyang nasipat sa ulo. Hindi dahil sa suot ko dahil sa biglang pag-ingay niya. Magtatanong pa nga lang ako kung bakit parang ang tahimik niya tapos ngayon biglang siyang naging masigla.

"Oo nga 'no! Di ba yan yung ka-partner nung kay A-"

"Marco, ang ingay mo." Sita sa kanya ni Riku.

"Ah. Hindi ako magbabayad. Si Ahze ang magbabayad." Sabay ngisi niya at inabot kay Raine ang resibo. Inismiran ko siya at hindi na nanghingi ng sorry kahit panay himas niya sa ulo niya na sinipat ko. Kahit kailan ka talagang kaibigan, Christan!

Hinintay ko siyang maglabas ng pera pero credit card ang binigay niya.

"Here." Napabaling ako sa kanya hindi dahil sa hindi cash ang inabot niya kundi ang credit card niyang binigay ay kung saan nagsimula ang lahat. Kung bakit nakapag-aral ako sa paaralang sila ang nagmamay-ari. Ang dahilan din kung bakit sa una palang ay pangit ang ekspresyon sa akin ng mga tao dun. Ang bagay na nakakapagpaalala na nakadugtong sa aming pinagsamahan.

"Okay, ipapa-scan ko muna sa counter. Mabilis lang." Agad kong kinuha ang numero at walang lingunang pumanhik sa counter. Mabuti na lamang ay naayos na ang post ni Dina at naabutan ko pang may manager na pumipindot pindot dun kaya pinasabi ko na ang sa bayad ng isang customer.

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon