Chapter 10

92 7 0
                                    

Mickey Mouse

Isang linggo din nag-stay dito sa Pilipinas si Anika. Naging close din kami kahit papaano at akalain mo siyang masungit sa una pero grabe pala ang boses niya pag dire-diretso siyang nag filipino. Mas madaldal pa siya sakin di mo alam kung saan siya nagmana ng kadaldalan niya.Pero kahit ako ay nalungkot dahil sa pag-alis niya.

Hindi ko kasabay ngayong pumasok si Raine. Teka tinawag ko siyang Raine diba dapat Aso? Affected ka parin gurl.

Mas nauna siya sakin pumasok dahil may gagawin daw siyang importante. Mas mabuti na rin yun dahil di pa rin ako nakaka-move on nung nakaraang linggo. Ba't naman niya kase ako niyakap ng ganun.

Nasa corridor na ko ngayon at parang ang iba ay nagsisimula ng magklase. Hanggang sa may nakasalubong akong mga lalaking parang mga gangster ang dating.

"Hi, Miss." Kumunot agad ang noo ko sa pagtawag niya. Gwapo siya pero mukhang mahangin. Nilagpasan ko nalang siya kasabay nun ang paghiyawan ng mga kapwa niyang mukhang mambubugbog.

Pasensya na loyal ako kay Riku. Advance na siguro ang utak kong isiping may kami na.

Oh speaking of Riku!

Nakasalubong ko ang grupong IM5 at complete sila.

"Ohh, Inn!" Si Marco. Sa kanilang lahat si Marco Kinowa Oda lang ang bukod na napakabait para sakin. Syempre bukod si Riku including na yon.


Nginitian ko siya at maging din siya. Di ako magtataka kung walang magkakagusto sa kanya. Napaka-cute at bait niyang tingnan.


"Sige una na ko sa inyo, Marco." Hahakbang na sana ako ng biglang nagsalita si Riku.

"Inn."

"Bakit?" Lumapit siya sakin at tinignan niya ko.

Pakiramdam ko umiinit na ang mukha ko. Inn huwag kang magba-blush please pigilan mo!

"Sana maulit ulit yung trip natin sa Tagaytay."

"Ha?" Sa sobrang kilig ko yun lang ang lumabas sa bibig ko.

"Para madagdagan naman yung pictures natin ulit." At nginitian na naman niya ako ng nakakaakit.

Bakit pagtatawa lang siya ng ganyang kasimple para sakin napaka espesyal na sa mga mata ko yung mapapangiti ulit ako.


"Inn, bakit ka namumula may sakit ka ba? Na kakain ka ba ng maanghang?"

Paktay!


"Ha? Nakakain lang ako ng maanghang oo ganun nga. Ahh-e sabihin mo din kay Ate Rei at kay kuya... sige una na ako sa inyo ha." Naglakad ako palayo sa kanila at parang nagbubulungan pa ang mga kaibigan niya.

Buti hindi na ako pinansin ni Aso. Buti naman aso na endearment ko sa kanya delikado pag Raine ako Raine feeling ko may nagbabandyang sakunang biglang uulan ng hindi man lang inaasahan.

Dumiretso ako ng lockers area at pagbukas ko agad ng locker ko ay napaatras agad ako. Sa lakas ng impact ay natamaan pa ako ng locker na nasa sapat lang ng akin.



Bakit may daga dun at patay pa?

Napahawak nalang ako sa dibdib ko dahil sa pakiramdam ko.


Hindi biro ang sariwang dugo nun at parang kapapatay lang nun. Pero kahit na ganun nakakatakot pa rin.

Nilapitan ko dahan-dahan ang locker ko at buong lakas ko yung sinarado ng hindi tumitingin dun.



Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon