Chapter 40

54 4 3
                                    


Leave

Totoo pala yung pakiramdam na tumigil ang mundo. Na kahit ang pag ihip ng hangin ay naririnig mo. Yung kahit ang mga kuliglig ay namemeste sa harap ng tenga mo. Syempre, papahuli pa ba ang puso mong naghuhumereto sa kaba na iyong nararamdaman. Mas lalo kapag nasa harap mo na siya! At mas lalong wala pa'ng pang-itaas na damit!

"Raine." Mahinang daing ko parin sa aking noo. Totoong masakit! Grabe! Bakit parang naging bato ang barumbado niyang katawan?!

Nakataas ang kilay niya at nakataas ng bahagya ang kanyang labi habang seryoso akong pinagmamasdan. Doon ko lang napagtantong nasa kama niya pala ako!

Mabilis akong bumangon at tumayo ng maayos.

"What are you doing here?"

Diba dapat ako ang nagtatanong n'yan?
Ikaw ba't ka nandito?

Tama! Baka isa siya sa mga kaibigan ng isa sa mga apo ni Chairman Min. Well, feel at home ang peg nito.

"Naglilinis nang maduming kwartong ito. Ikaw ba't ka nandito?"

Tama nga talaga, kaibigan siya ng isa sa mga apo ni Chairman Min.

Kumunot naman ang noo niya at mas lalong tumaas ang kilay niyang laging naka-angry bird mode.

Hindi ko ba alam kung saan ko naiipon ang lakas ng loob ko. Para bang lumipas lang ang kahapon tapos ngayon ay kaswal ko lang siyang tinanong.

Ngayong talagang nagkita na kami nang ganito pa kalapit ay ngayon ko naman hindi magawang yakapin at halikan siya. Hindi ko alam kung may karapatan pa ba ako o di kaya may iba bang taong may mas karapatang gawin iyon sa kanya.

Sobrang awkward pa dahil sa ganitong sitwasyon pa kami nagkausap muli.

"Kaibigan ka ba ng isa sa mga apo ni Chairman Min?"

Tumaas nang kaunti ang kanyang labi at parang tinatantya niya ako kung gaano ba ako kataas. Napansin ko ring mas lalo siyang tumangkad. Hindi na ako abot ng balikat niya. Ilang sentimentro pa bago maabot ng ulo ko.

"Oh, so you're the helper?"

Tumango lang ako bilang pagsagot. Tila umatras ang dila ko sa pag-iba ng tono ng pananalita niya. Talagang nagbabago ang mga tao. Sabihin mo mang ilang taon o di kaya ay mamaya lang ay magbago agad ang katauhan o di kaya ang estilo ng pananalita nila. Napansin ko rin iyon sa aking sarili at malaki ang pinagbago ko pero nasa akin pa rin ang dating ako. Hindi iyon nawawala at hindi ko iyon iwawala.

"Pwede bang sa ibang kwarto ka na muna maglinis. Ayoko kaseng may nakakakita sa mga ginagawa ko."

"O-okay." Mabilis ko siyang nilagpasan at tuluyan ko nang nabuhos ang kanina pang nagbabadyang mga luha.

Malaki na talaga ang pinagbago niya. Hindi iyon maiitatanggi ng kapalaran.

Sa katabing kwarto ako pumasok. Medyo malinis pag bumungad sayo mula sa pinto ngunit kapag nakapasok ka na ay kaparehas din ng hitsura ng kwartong unang pinasukan ko.

Hinagilap ko agad ang mga nagkalat na towel, tissues, at mga balat ng pinagkainan. Inipon ko iyon sa isang plastic at nilabas sa pinto. Amoy lalaki rin ang kwartong ito pero iba sa amoy ng kwartong pinanggagalingan ni Raine.

Nakakapagtakang bakit pamilyar sa ilong ko ang amoy nang kwartong iyon. Tila naiwan pa sa ilong ko ang bangong taglay ng kumot na nandoon. Nasaan kaya ang mga apo ni Chairman Min?

Nagkabit-balikat nalang ako at tinuloy ang paglilinis. Inayos ko ang mga solong sofa na hindi nagkapantay pantay, ang mga unan na nagkalat at kumot na nasa sahig na. Mukha talagang dinaanan ng bagyo.

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon