Chapter 49

46 2 0
                                    

A and C



May parte sa aking gusto kong lumabas at pigilan sila pero may parte namang gusto ko nalang muna sila pakinggan. Nag-vibrate ang cellphone ko dahil sa isang notification na message naman ni Rangel at Raine. Mabuti na lamang ay naka-earphone ang cellphone kaya hindi umingay ang cellphone ko kung hindi ay baka nahuli na nila ako ditong nakikinig. Pinatay ko muna ang WiFi para matigil muna ang pag-nonotif.

"Sinong masyadong feeling, Jade Gutierrez?"

Kumunot agad ang noo ko dahil sa boses na narinig ko sa labas. Lumapit pa ako sa pinto para mas marinig ang nasa labas. Nagsalita ulit ang nagtanong kay Jade at mas malinaw na ngayon sa akin kung sino.

"Sis, si Chansy." Rinig kong bulong ng isa.

"Oh! Hi, Chanshel Mendoza," biglang kumaswal ang boses ni Jade.


"Hi too, Jade Gutierrez. May problema ba? Papasok na kase ako dito nang may narinig akong sigaw at parang kaseng may narinig akong pangalan, actually pamilyar nga sa akin."


"Pangalan? Anong pangalan kung gano'n?" tanong pa ni Jade.

"Pangalan ko? Tama ba?" Kasabay ng tunog ng mga sapatos ay siyang pag lakas ng boses niya na naririnig ko.

Nakuha pang tumawa ni Jade na sinundan naman ng isa na hindi ko sigurado kung 'yung may maarteng boses o yung malumanay.

"Yung totoo, kanina ka pa nakikinig sa amin?"

"Kung sabihin kong oo? Anong gagawin mo sa'kin?" himig ko ang sarkastikong usal ni Chansy.

"Well, all you heard is right, there's no lies at all."

"Okay. Ganyan pala ang reaksyon ng isang talunan."

"Ako, talunan? How dare you to says that to me!" biglang taas ng boses ni Jade.

"Jade Gutierrez, your friend is right. Kumalma ka muna. Huwag mong hayaan ang sarili mong mapuno. Baka pag nilabas mo agad yan... magsisi ka." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Chansy.

"What do you mean?"

"Totoo nga't may laban ka dahil may karapatan ka pero magagamit mo ba talaga ang karapatan mo sa kanya? Mag-isip ka muna Jade bago ka agad sumugod at isa pa... kapag kinalaban mo ako baka mas lalo kang magsisi... tandaan mong... hawak ko ang pinaka alas mo. Huwag kang magpakampante. Baka sa dulo tayo pa ang maging magkakampi."

"Paano naman ako makakasiguradong hawak mo ang alas ko?" tanong ni Jade.

Ano naman kayang alas?

"Madami akong mga mata Jade Gutierrez. Maaari ka ring maging mga mata ko balang araw. Sa ngayon, alalahanin mo muna ang planong gusto mong gawin at ang pinanghahawakan mong karapatan. Huwag mo lang akong susubukan."

"Akala mo ba makikinig ako sayo, Chanshel Mendoza? Isang haruterang malanding haliparot na nagbabalik sa kanyang dating amo. Bakit ba ang hihilig niyong magsibalikan? Ang dami pang iba bukod sa boyfriend ko pero bakit pilit niyo pa rin isinisiksik ang mga sarili niyo?"

"Niyo? Kasama ba ang prinsesa?"

"Fuck princess! Fuck you all secretaries!"

Nahimigan ko pa ang pagtawa ni Chansy.

"Well, Jade. May parte sa aking gusto ko nang ilampaso iyang mukha mo sa sahig o kaya ilunod ko sa toilet bowl. Hindi ko gusto ang mga sinasabi mo, alam mo ba yun? Pero may awa pa naman ako sayo kaya hindi ko muna gagawin. Good luck to your plan, Jade. I have to go na. Bye!"

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon