Chapter 8

87 10 0
                                    

Hometown

"Saan ka naman pupunta?" Ma-awtoridad na tono na tanong niya sakin tsaka siya bumaling sakin ng tingin na magkasalubong ang dalawa niyang kilay.

"Personal lang po, Sir Raine." Hindi ko alam kung bakit nasamid si Anika sa pag-inom ng tubig. Lahat naman silang nasa hapag kainan ay direktang nakatingin talaga sakin at nakakunot ang noo ni Mr.Lee habang si Ma'am Lee ay nakataas ang isang kilay at maging ang mga kasambahay ay napahinto sa kanya-kanyang gawain.

"Ah... Oppa Raine payagan mo na." Si Anika na hindi ko malaman ang pinapahiwatig ng mga tingin niya kay Aso.

"Shut up, Anika." Bumaling ulit siya sakin ng tingin at hindi na magkasalubong ang kilay niya.

"Okay, I'll come with you."

"Ha?" Narinig ko sinabi niya kaso day off ko nga diba.

"Pero..."

"Antayin mo ko papalit lang ako ng damit." Tumayo na siya sa upuan at tuluyang umalis.

Ano ba naman kaya nga day off diba ibig sabihin pahinga muna sa trabaho at wala kami sa trabaho.

"Pagpasensyahan mo nalang Inn si Ahze pagbigyan mo na lang kase ayaw niyang may tumututol sa kanya."

"Ah... kase ano..."

Jusko namang lalaking yun spoiled brat ba yun... pero parang hindi naman eh.

"Ano yun, Inn?" Si Ma'am Lee.

"Ah. Wala po. Sige po, naiintindihan ko naman po."

Nagpalit na rin ako ng damit para wala naman siyang masabing kahit ano. Pagdating ko sa gate aba't parang may gala.

Nakasandal siya sa motor niyang mukhang brand new at di ko malaman kung ano ang tatak nun at naka-shades na parang bampirang masusunog dahil sa araw syempre dumagdag pa ang kaputian niya. Naka-plain V-neck dark blue siyang shirt na tinernuhan ng white pants na may punit sa bandang tuhod at naka-sneakers na white na may malaking check sa gilid.

Edi ikaw na yung ma-plain na mukhang ramp model ng bench... ikaw na gwapo!

"Sa'n ka ba talaga pupunta tinanong ko kanina si Yaya Janin pero hindi rin daw niya alam."

Kahit di ko nakikita ang dalawa niyang mata ramdam ko na parang iiniscan niya ako na parang isang X-ray machine mula ulo hanggang paa.

Naka-plain dark blue off shoulder lang naman ako na long sleeve at naka-tack in sa white pants ko.

Teka parehas pa ata kami ng mga kulay ng suot namin ngayon. Hayaan ko na lang di naman ata niya maiisip yun at isa pa importante ang pupuntahan ko.

"Basta personal nga diba."

Bigla nalang niya akong hinagisan ng ng maliit na helmet at dahil sa gulat ko nasalo ko agad.

"Ano namang gagawin ko dito?"

"Syempre isusuot mo sa maliit mong ulo at sumakay ka na." Naghelmet na rin siya at sumakay sa motor niya.

Gusto ko sanang tanungin kung anong brand name ng motorcycle niya. Wala lang curious lang ang astig kase tignan.

"Bakit ka ba kase sumama?!"

"Basta sakay na!" Aba't sinigawan pa ako.

"Hoy! Day off ko po ngayon kaya wala kang karapatang sigawan ako!" Sigaw ko rin sa kanya at sumakay na rin ako parang wala ng gulo.

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon