Chapter 13

64 7 0
                                    


Epic Celebration

Nakangiti ng malawak si Marco at sina Riku, Brixz, at Christan sa amin kaya lahat naman ng atensyon ay napunta samin.

Jinjja! Nakakaya nilang magsuot ng bikini dito! Grabe talaga! Tapos yung inosente kong mata nakakita ng mga sangkaterbang abs.

Napakapit tuloy ako ng mahigpit sa bag ni Aso dahil sa kaba.

Parang ako lang ang balot na balot dito and for pete's sake they fourth year students only! Nahahawa na tuloy ako kaka-english dahil kay Aso.

Pwede bang magtakip ng mata?


Napayuko nalang ako dahil sa hiyang nararamdaman ko at syempre sa paglapit samin nina Marco.

"Oh, baby Marco happy sixteen years of existence." Aniya Aso.


"Thank you Raine, teka wala ba akong regalo?"

"Syempre ikaw pa syempre meron."


Huwag niyang sabihing nasa bag na 'to ang gift niya kay Marco?! Malamang Inn may nakita ka bang hawak hawak niya!

Mabilis kong inalis sa balikat ko ang bag ni Aso at binigay agad sa kanya habang nakayuko ako.


Di ko talaga kayang tignan. Hindi naman sa nandidiri ako dahil di ko alam kung anong magiging itsura ko pag nakita ko yung sparkling abs nila.

"Uy Inn, di mo man ba ako babatiin." Si Marco.

Kaya mo yan Inn tingin ka lang sa mukha huwag sa baba.



Okay!

Unti-unti akong nag-angat ng ulo at tinignan ko agad si Marco.

"Happy birthday, Marco." Nginitian ko siya.

Akmang lalapit pa siya sakin at parang yayakap pa ata ng napaatras ako ng konti.

"Huy, basa ka 'e." Tinawanan ko siya ng kaunti.

"Sige na nga lang mamaya na lang, Inn." At sumimangot nalang siya.

"Sige mamaya nalang." Bakit ka pa sumagot edi narinig ka ng marami.

Bigla namang sumingit si Christan sa usapan.


"Huy, Inn magpalit ka na swimming tayo."

"Ah... e"

"Wala siyang pangpalit na dala." Seryosong sagot ni Aso.

Ano ba naman to ka birthday birthday ng kaibigan niya parang pang-biyernes santo ang mukha.

"Luh oo nga pala Inn di kita nasabihan na pool party pala ang celebration ko." Si Marco.

"Okay lang di naman din kase ako marunong lumangoy at isa pa ang lamig kaya, di ba kayo nanlalamig?"

Nagtawanan naman silang apat na nasa tapat ko at napatawa rin si Aso na kaninang seryosong seryoso.

"Kaya mahal na mahal ka ni..." Bigla namang binatukan ni Christan si Brixz.

"Ay wala pala"

"Ah Raine, hatid ko na muna kayo sa guestroom ng malagay niyo yung mga gamit niyo"

Tumango nalang siya bilang pagtugon.

Hindi ko nalang pinansin yung mga nasa paligid na nakatingin samin at sinundan ko nalang si Aso at Marco.

Wow, grabe naman pati guestroom napakalawak!

"Dun ang bathroom, Inn at slide mo nalang yung bintanang yan kung gusto mong magpahangin," Tinuro ni Marco yung makapal na sliding glass door at yung isang sliding glass window na kulay light brown.


Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon