Chapter 6

101 8 0
                                    

Knowing IM5

"Di mo na ako magtuturo ngayon. So ganito nalang getting to know each other tayo class but before that magpasa kayo sakin ng 1/4 and write your name, your favorite subject, and the name of your crush. Artists, Idols or any persons that not belong in this section should not be allow."

Nagpasa kami isa-isa ng one-fourth at nagsimula na si Sir Jhad.

"Oh! The first luckiest person... may I call Kristopher Jon Fabricante."

Naghiyawan ang lahat at siya naman ay tumayo at sinimulan na niyang magpakilala.

"Hi everyone, I'm Kristopher in day or halfday na rin but I'm Kristal in night talaga Sir, 'e." Sinundan agad iyon ng halakhakan ng lahat.

"Please continue." Sir Jhad.


"I am the peace officer Sir but I'm the one that make some noise in this room hehe and my crush is you Sir Jhadiryn Inn Fuentes." At hinawi pa ang buhok niya sa likod ng tenga niya.




"Syempre Sir bukod kayo si ano po talaga si Riku Charles Dela Rama talaga Sir ang crush ko simula pa po nung elementary."

"Ayiehhhhh!" Ginawa na naman niya ang pabebe style niya.

Napatingin naman ako sa bandang unahan kung saan nakaupo malapit sa bintana si Riku. Nakangiti lang siya at parang sayang saya sa ginawa ni Kristal.

Sana pag umamin ako sa kanya kahit tawanan niya ko ayos na yun atleast pinapansin pa rin niya ko pero hindi naman ako baklitang katulad ni Kristal na sobrang confident sa pagsasabi niya syempre bakla yun diba at ikaw Inn isang ganap na babae malaki ang chance na pwedeng di ka niya pansinin katulad nalang ng mga chocolates at candies na nakadikit sa pinto ng locker niya o kaya naman baka pansinin ka pa din katulad nalang ng pagtatrato niya sayo ngayon.... para kang tanga Inn, sobra.


"Thank you Sir." At umupo na si Kristal.

Madami na ring nagpakilala at talagang wala silang hiya na ipaalam ang mga crush nila kahit mga lalaki pa mas lalo naman sa mga babae na halos puro miyembro ng IM5 at suking-suki si Marco.


Teka sino nga pala ulit si Marco?

"So class I have only 3 papers nalang at alam kong kilala niyo na kung sino kayo."

Kilala ko na kung sino kaming tatlo syempre ako,si Aso,at ang lalaking kanina ko pa pinagmamasdan na si Riku.

"Riku Charles Dela Rama." Naghiyawan ang lahat at tumigil na rin.

Omy si Riku na!


"Hi, I'm Riku Charles Dela Rama, call me Charles na lang po Sir."

Charles? Diba dapat Riku kase para mahalatang may lahi siyang hapon at Inn ano bang pake mo kung ano man ang gustong itawag sa kanya!

"My favorite subject is MAPEH but I hate arts."

"Parehas tayo, Charles... good subject." Si Sir Jhad at napatawa pa siya ng bahagya.

"And who's your recently crush in this room?" Tanong ni Sir at parang lahat ay nakaabang sa sagot niya.

"The girl who loves chocolates."

Tila ume-echo pa rin sa tenga ko ang napakaikling sagot niya.

Halos naririnig ko ang tibok ng aking puso sa simple niyang kasagutan.

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon