Chapter 48

42 3 0
                                    


Reminisce

"Chansy?!" Muntik pa akong mapatalon sa sobrang lakas ng pagsigaw nila maliban sa amin ni Rangel na ngayon ay binitawan na ang braso nitong babaeng kaharap ko.

"Chansy," tawag ulit ni Raine sa kanya.

Sa kaninang nakataas ang kilay at kulang nalang ay higitin niya ang buhok ko, ay ngayon ay nanlalaki ang mata na ngumiti kay Raine.

"Long time no see, Raine! Na-miss kita ng sobra!" Umabante siya at niyakap basta si Raine!

Sino ba ang babaeng ito?

Nasa dulo na siya ng dila ko at kaunting pag-alala nalang ay matatandaan ko na kung saan ko nga ba narinig ang pangalan niya. Napaatras nalang ako dahilan kung bakit nabunggo ko ang upuan na kinauupuan ko kanina. Mabuti na lamang ay naalalayan agad ako ni Rangel sa likod.

Hinakawan ni Raine ang braso nito na tila gusto na niyang kumalas pero tila manhid naman itong babae na mas hinagkan pa siya ng mahigpit na may kasama pang pag ngiti.

Chansy? Saan ko nga ba narinig ang pangalan nito?

Tila may pumitik sa utak ko at bigla ko nang naalala ang lahat. Hindi ako maaaring magkamali. Siya ang kauna-unahang secretary ni Raine nung high school!

Naramdaman na ata ni Chansy na kumakalas na si Raine kaya bumitaw na rin siya at paulit-ulit na ngumingiti.

"Grabe, Raine. Ang tagal nating hindi nagkita? Magkwento—"

May narinig akong tumikhim ng malakas sa gilid ko kaya natigil sa pagsasalita ang babaeng ito.

"Miss, babayaran ka nalang namin o bibilhan ka namin ng bago?" kaswal na tanong ni Rangel. Dahilan tuloy para malipat ang atensyon ng babaeng ito sa akin. Parang pinipigilan o pinipilit niyang huwag akong pagtaasan ng kilay.

Bumuntong hininga siya bago siya nagsalita. "Miss, what's your name?"

Huminga ako ng malalim bago ko naisipang sumagot. "Inn. Miss, pasensya na pala kung natapunan ka ng juice mo. Anong gusto mo... ah... bayaran or bilhan kita ng bago?"

Sa wakas ay nagtaas ang kilay niya kasabay ng pag-asik sa kawalan.

"Miss, do you know who I am?"

Sigurado bang naging secretary ito ni Raine? Mukhang mas malala pa ito sa ugali ni Jade.

"Hindi. Bakit?"

"Oh? So hindi ka pa pala na inform na anak ako ng bagong Dean ng school na 'to. By the way, I'm Chanshel Mendoza. Fourth year college exchange student."

Hindi ko alam kung anong isusunod kong sasabihin dahil nag-introduce lang naman siya sa harap ko.

"Ah... so payment or new clothes? May options pa bang gusto mo?" sinikap kong maging kaswal sa harap niya.

"Chansy! It's nice to see you again. Tara, kwentuhan muna tayo!" biglang singit ni Christan sa eksena. Umiwas na tuloy siya ng tingin at bumaling sa kanila.

Naiwan tuloy kami ni Raine at Rangel na nakatayo habang nagpapalitan ng mga tingin.

"Inn, let's go?" Si Rangel.

Tumango nalang ako sa kanya. Nagpahila nalang ako kay Rangel paalis ng Cafeteria. Ni hindi ko na napansin ang reaksyon ni Raine.

"Are you okay, Inn?"

"Oo, ayos lang ako. Talagang nagkasalubong lang kami nung babae."

"Kinabahan ka ba?"

"Aba! Oo naman. Pero sanay na ako sa mga ganyan nung high school pa. Yung sinabi mong hindi mo sinasadya pero pipilitin pa rin niyang sabihin mo na ikaw talaga yung may kagagawan. Napaka-common na nung mga ganoong eksena, Rangel." Napangisi nalang ako sa kawalan habang inaayos ang sintas ng sapatos ko dito sa soccer field.

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon