Chapter 4: I Need to Pee!

338 38 20
                                    


Ethan

Nagulat ako nang biglang tumili si Ate Bel. Mas lalo akong nagulat nang paspasin niya ang suot kong shorts na kulang na lang ay mahawakan niya ang hindi niya dapat mahawakan!

"What's wrong!" Nagpapanic kong tanong sabay takip sa aking pagkalalaki bago niya pa mahawakan at maramdamang tumitigas ito.

Hindi niya ba alam na kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko na gantihan ang mga hipo niya! Ano bang problema niya? Lalaki ako at gumagapang sa buong sistema ko ang pagnanasa sa tuwing nagkakatitigan at nagkakadikit kami! Matagal nang malakas ang epekto niya sa akin at talagang nag-iinit ang katawan ko sa mga hawak at titig niya!

"May ipis!" Nagpapanic niyang sigaw.

Tumingin ako sa paligid at hinanap ang ipis na sinasabi niya pero wala akong nakita. Ang tanging alam ko lang na gumagapang sa katawan ko ay ang kamay niya!

"Damn it, Ate Bel! Hindi ka takot sa multo pero takot ka sa ang liit-liit na ipis!" Kunsumido kong sabi sa kanya. Kanina gagamba ngayon naman ipis. Sigurado ba siya o balak niya lang talaga akong hipuan?

Pulang-pula ang pisngi niya habang humihingal na dumistansya sa akin. Ang cute niya talaga lalo na kapag nagba-blush ang kanyang pisngi!

Kunwaring inismiran ko siya at sumiksik na lang ako sa gilid para umiwas sa kanya. Baka hindi ako makapagpigil at may magawa akong hindi kaaya-aya. Ayokong maglaho ang lahat ng pinagsamahan namin. After all, she sees me only as her younger brother!

Ilang minuto kaming walang imikan. Tumila ang ulan.

"Naiihi ako." Sabi ni Ate Bel.

Napatingin ako sa kanya. Really? Ngayon pa talaga?

"Iihi lang ako." Paalam niya sabay bukas ng pintuan.

Nabahiran ako ng pag-aalala. "Are you sure? Where are you gonna pee?" Tanong ko dahil wala namang CR sa paligid.

Inirapan niya ako. "Sa damuhan! Huwag mo kong silipan!" Mataray niyang sagot sabay baba sa kotse.

Shit! Paano kung may kung ano sa damuhan! Bumaba ako sa kotse at sinalubong si Ate Bel na papunta sa masukal na halamanan.

"Ate Bel, seriously?" Hindi ako sang-ayon sa gagawin niya.

Humalukipkip siya. "At saan ako iihi?" Hamon niyang tanong.

"Just keep it in! Sa bahay na lang- baka biglang may ahas diyan! Isa pa dumidilim na." Pigil ko sa kanya.

Inikutan niya ako ng mata. "Huwag ka ngang duwag!" Sabi niya sabay lakad papasok sa halamanan. "Huwag kang susunod!" Pasigaw nyang bilin bago siya mawala sa aking paningin.

Kainis talaga. Sino kaya ang duwag! Makakita nga lang siya ng ipis, akala mo mamamatay na! Napahilamos ako sa aking mukha. Lingon ako nang lingon sa halamanan. Pakiramdaman ko ilang oras na ang lumipas kahit ilang segundo pa lang ang nakaraan. Paano kung may mangyaring hindi maganda sa kanya?

Kinalma ko ang aking sarili habang pabalik-balik na naglalakad sa sidewalk. Tiningnan ko ang aking relo. Limang minuto na ang nakalipas. Patuloy akong inip-inip na naghintay. Kinakabahan talaga ako.

Sampung minuto ang nakalipas. "Ate Bel, bilisan mo naman!" Sigaw ko pero wala akong narinig na sagot niya. Fuck! Nasaan na ba siya? Bakit ang tagal niya!

Huminga ako nang malalim sabay lunok ng aking laway. Ninenerbiyos talaga ako kapag nawawala siya sa paningin ko. Ayokong mapahamak na naman siya!

Sampung minuto pa ang lumipas. Binuksan ko ang kotse at hinila ang drawer sa harap ng passenger seat. Kinuha ko ang flashlight. Nawala na nang tuluyan ang liwanang galing sa araw.

Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon