Chapter 17: Old Lady

315 33 6
                                    


Ethan

"Stop asking what she looks like! Kinikilabutan talaga ako!" Saway ko kay Nina at Ate Bel na hindi tumitigil kauusyoso sa multong nakita ko. Dapat hindi ko na kinuwento!

"Tssk, takot ka lang talaga!" Pang-aasar ni Ate Bel.

Inirapan ko siya. Kasalanan niya ang lahat ng ito! "Tawagin mo pa akong takot, hahalikan talaga kita!" Pagbabanta ko sa kanya.

Napaubo si Nina. "Anong kinalaman ng takot sa halik?" Nanunubok niyang tanong sabay silay ng pilya niyang ngiti.

"Isa ka pa Nina, kapag hindi ka tumigil, sasabihin ko kay Reyden ang sikreto mo!" Pagbabanta ko.

Ang kulit ng mga babaeng ito! Saan ba sila pinaglihi?

"Ewan ko sa'yo, Ethan! Matulog ka na lang kaya!" Sabi ni Ate Bel.

Hindi na niya kailangang sabihin dahil matutulog talaga ako! Inihilig ko ang aking ulo sa malambot na sandalan ng sofa. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan kong tuluyan akong makatulog.

----------------------------------------

Ate Bel

"Ate Bel, sasamahan ko lang si Reyden sa mall. Babalik din kami mamayang hapon." Paalam ni Nina bago niya kami tuluyang iwan ni Ethan.

Wala na akong nagawa kundi ang tumango kahit ayoko sanang humiwalay sa kanya. Lalapit na naman ang mga multo kapag malayo siya.

Inayos ko ang pagkakatali ng aking mahabang buhok. Pinagmasdan ko si Ethan na tulog na tulog sa sofa. Mukhang puyat talaga siya. Kasalanan ko ang lahat; kasalanan ko kung bakit siya natatakot.

Tumabi ako sa kanya. Tinitigan ko ang maamo niyang mukha. Rinig ko ang mahina niyang hilik. Hinagod ko ang kanyang buhok. Dumulas ang kanyang ulo na nasalo ng aking balikat. Napangiti ako.

Umusod ako nang kaunti para mas lalo siyang dumulas. Inalalayan ko ang kanyang katawan hanggang sa maihiga ko ang kanyang ulo sa aking kandungan. Muli kong hinagod ang kanyang buhok at ang kanyang pisngi. Mabuti na lamang at mahimbing ang kanyang tulog.

Kung alam niya lang kung gaano ako nagpapasalamat sa lahat ng tulong at pagmamalasakit niya. Idinampi ko ang aking labi sa kanyang noo. Kulang siguro ang halik para masabi ko ang tunay kong nadarama. Kung pwede lang sanang maging kami, ibibigay ko ang lahat lahat sa kanya.

Muli kong idinampi ang aking labi sa kanyang noo. Hanggang noo na lang ba? Magigising kaya siya kapag hinalikan ko ang kanyang labi? Napalunok ako habang nakatitig sa kanyang bibig na bahagyang nakaawang. Bahagya akong yumuko at inilapit ang aking mukha sa kanyang mukha. Ipinikit ko ang aking mga mata.

Gumapang ang kiliti sa aking labi nang bahagya itong dumikit sa labi ni Ethan. Agad akong napaayos ng upo dahil sa kabang aking naramdaman. Ano bang ginagawa ko? Baka may makakita!

Umingit si Ethan at gumalaw. Isiniksik niya ang kanyang mukha sa aking malambot at bilbiling tiyan. Feeling niya yata unan ang kanyang hinihigaan. Napakagat na lang ako sa aking labi habang tinitimpi ang sarili kong hindi siya halikan.

-------------------------------------

Ethan

Ramdam ko ang mga naglalarong daliri sa aking buhok. May multo na naman ba? Umingit ako at lalong sumiksik sa malambot at mainit na unan. Ang sarap sa pakiramdam. Nakatulog ako nang maayos. Anong oras na ba? Narinig ko ang parang kulog na tunog- parang sikmurang kumakalam dahil sa gutom.

Marahan kong idinilat ang aking mga mata. Bulaklakin ang aking nakita. Parang pamilyar ang kulay na ito. Idinantay ko ang aking kamay para bumangon. Natigilan ako nang magtama ang mga mata namin ni Ate Bel. Paanong....

Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon