Chapter 76: Wedding

183 27 4
                                    

Ethan

Akala namin tapos na ang problema ni Nina, hindi pa pala. Pagkabalik na pagkabalik nila ni Reyden dito sa Maynila ay bigla na naman siyang lumipat sa ibang katawan. Hindi ko mapigilang hindi sila kaawaan. Ito ba ang kapalit ng pagiging isang split? Does she really deserve all of this para lang makabalik sa kanyang katawan at mailigtas ang kanyang buhay?

Minsan iniisip kong sobra na pero sa tuwing titingnan ko siya na buo pa rin ang loob ay nabubuhayan na rin ako ng pag-asa. Kung siya nga hindi sumusuko, kami pa kayang mga kaibigan niya!

Tadhana na siguro ang nagtakda na makita naming muli si Montalban. Siya ang nagsabi na ang nangyayari kay Nina ay isang rebound. Natagpuan naming muli si Nina sa katawan ni Jodie, ang bestfriend niyang iniligtas namin noon sa pagpapakamatay. She is the fourth soul.

Naputol ang masaya naming pre-honeymoon ni Bel dahil sa nangyari. She needed to perform a ritual para ibalik ang kaluluwa ni Nina sa sarili nitong katawan. Tulad ng dati, kakaiba, out of this word, at hindi maarok ng isip ko na pwede palang mangyari ang lahat.

Hindi talaga normal si Nina at Bel. Napapaisip tuloy ako kung ano ang mangyayari kapag nagkaroon kami ng anak ni Bel. Magiging katulad niya rin kaya ang mga anak namin?

Dumaan ang mga araw na puro paghahanap. Natagpuan namin ang bangkay ni Sky, anak ni Jodie. Nakakapanlumong isipin na ang dalawang buhay na iniligtas namin noon ay mawawala rin pala. Nang malaman ni Jodie na patay na ang kanyang anak ay nagpakamatay siya.

Nina got really upset. Hanggang ngayon ay wala pa ring lead ang mga pulis kung sino ang gumawa ng krimen sa mag-ina. But life needs to go on, hindi pwedeng tumigil ang buhay ng lahat dahil sa nangyari.

"I think this is fine." Nakangiting sabi ni Bel sabay pakita sa akin ng isang silk white cloth.

Nginitian ko siya. Alam kong nalulungkot din siya sa mga nangyari nitong mga huling araw.

"Ang mahalaga naman makasal sila, di ba?" Comment ko.

Tumango siya. "Bakit kasi yang kaibigan mo, bigla-bigla na lang nagsasabi. Hindi ba pwedeng bigyan tayo ng time!" Pabiro niyang reklamo.

Natawa ako sabay pisil sa ilong niya. "Inggit ka lang yata eh, nauna sila!" Biro ko.

Tinampal niya ang kamay ko. "Yeah, mabilis kasi si Reyden- ikaw inabot ka nang ilang TAON bago ka umamin." Nang-aasar niyang biro.

Napangisi ako. "Ako lang ba? Ikaw kaya ang magaling- magaling magtago ng feelings!" Ganti ko.

Tumaas ang kilay niya sabay kurot sa aking tagiliran. Napakislot ako. "Pasalamat ka, mahal kita kundi tumilapon ka na sa malayo." Tatawa-tawa niyang sabi.

"Thank you po! Di na po mauulit. Takot ko lang sa'yo!" Tumatawa ko ring biro.

Tumungo na kami sa counter para bayaran ang aming mga binili. Napababa ang tingin ko sa mga items na nasa aking harapan. Pilyo akong napangiti sabay kuha ng maraming kahon ng condom.

"Ang dami naman niyan!" Hindi makapaniwalang sabi ni Bel.

Natawa ako. "Not for us! Wedding gift for Reyden and Nina."

Kumislap ang mga mata niya. "Ahh, eh di damihan pa natin!" Puno ng kalokohan niyang pagsang-ayon.

Tatawa-tawa kami habang inilalapag ang napakaraming box ng condom sa harap ng babaeng cashier. Napatingin sa amin ang kahera na parang siya pa ang nahiya sa aming binibili.

"We need to buy a beautiful box." Ngingiti-ngiting sabi ni Bel sabay hila sa akin papasok sa isang store.

"Let's hurry, we need to get Reyden's motorcycle." Paalala ko sa kanya.

Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon