Chapter 59: We Will See Each Other Again!

209 33 13
                                    

Ethan

Napatiim-bagang ako pagkarinig sa sinabi ni Nathan. What the fuck is he talking about?

Muli siyang ngumisi. "Lesson number 1, always log-out your accounts." Nang-aasar niyang sabi.

Bigla akong napatayo sa aking kinauupuan. Sinugod ko siya at kwinelyuhan. "What did you do?" Nagpipigil kong tanong.

Tumawa siya. "I already told you, I deleted everything!" Nanunuya niyang sagot.

Nanggigigil kong itinaas ang aking kamao. Nasulyapan kong paparating si Mommy. Agad kong ibinaba ang aking kamao. Nagtatakang napatingin sa amin si Mom. "We're not fighting." Agad kong depensa.

Inayos ko ang nalukot na damit ni Nathan. Tinapunan ko siya nang matalim na tingin bago ko kinuha ang cellphone sa mesa at umalis. Tumungo ako sa office. Naabutan ko si Smith na nag-aayos ng mga files. Hindi ko siya pinansin. Binuksan ko ang laptop. Sinubukan kong buksan ang email ko. No account found. Fuck! Seriously, he deleted everything! Napaisip ako. Kinuha kong muli ang cellphone at binuksan ito. Nawawala ang sim card. Shit! Kahit si Ate Bel ay hindi ako matatawagan! Napahawak ako sa aking noo. Napatingin ako kay Smith.

"Yes, sir?" Taka niyang tanong.

"How can I secretly kill my brother?" Tanong ko sa kanya. Nakakainis! Kumukulo ang dugo ko!

Napakunot ang noo ni Smith. "I don't think that's a good idea."

------------------------------------------

Ate Bel

Gusto kong ihagis ang cellphone ko. 2 weeks na ang nakalipas hindi pa rin siya tumatawag! Kinalimutan niya na ba talaga ako? Wala na ba talaga siya? Kinuyom ko ang aking kamao. Hindi ako makapaniwalang matitiis niyang hindi ako kumustahin. Napasinghap ako ng hangin. Ethan, ano ba talagang nangyari sa'yo?

Kinuha ko ang sulat na nasa ibabaw ng mesa. Binuksan ko ito at binasa. Approve na ang application at working visa ko papuntang US. Bitter akong napangiti. Hindi ko man lang naibalita sa kanya na pupunta ako sa US para sundan si Nina. Binuksan ko ang aking laptop. Tiningnan ko ang google map. Malapit lang ang Canada sa US, pwede ko siyang puntahan!

1 week after. Lumapag ang eroplanong sinasakyan ko sa US.

---------------------------------------------

Ethan

Confident akong nakaupo sa pinakadulong bahagi nang mahabang conference table. Kaharap ko ang mga executives at general manager ng kumpanya. Seryoso akong nakikinig sa mga report nila. Sinulyapan ko si Smith na tahimik ding nakikinig sa isang sulok.

"What do you think about the project?" Tanong ni Mr. Lim, ang Chief Finance Officer.

"It's good. The numbers are really good. Let's just make sure that we have enough ports and plants to cater production. Kindly draft all contracts for our dealers; draft a fair market deal so they will surely agree with our terms and conditions. On the back end, we have already calculated the return of our investment; so let's see to it that our dealers and contractors would also gain profit from this project." Tuloy-tuloy kong sabi.

Tumango-tango lang sila.

"I heard about people complaining about their monthly compensation, have you addressed this issue?" Tanong ko sabay tingin sa Executive Head ng HR Department.

"We are currently reviewing our salary structure." Sagot niya.

"Do it fast, our business won't be running without the help of our people. I read the report. We haven't given any salary increases for the past 2 years despite our increasing revenue. Kindly look into this, draft a proposal focusing on people's welfare and development." Utos ko.

Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon