Ethan
Nagulat ako at agad na lumabas ng sasakyan nang marinig ko ang malakas na tawag ni Ate Bel. Bakit ba para siyang nakalunok ng microphone? "Ate Bel, can you lower your voice!" Sita ko sa kanya nang malapit na siya sa akin.
"Ethan!" Hindi maipinta ang mukha niyang yumakap sa akin.
Natigilan ako sa ginawa niya. Nagdadalawang isip ako kung yayakapin ko ba siya pabalik o hindi.
"Why?" Takang-taka kong tanong.
"Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo! Buti na lang okay ka!" Mangiyak-ngiyak niyang sabi habang nakasubsob sa pagitan ng aking dibdib at leeg.
Ano bang pinagsasasabi niya? "Ano bang nangyari sa'yo, Ate Bel! Nananantsing ka lang yata eh!" Pabiro kong sabi.
"Loko ka talaga!" Maktol niya.
"I need to find my phone! I think it fell down somewhere!" Sabi ko para itigil na niya ang pagyakap sa akin dahil bumibilis na ang tibok ng puso ko.
Humiwalay siya sabay hampas sa dibdib ko. Halos mapaubo ako sa bigat ng kamay niya. Nakita ko ang cellphone ko sa pagitan ng kanyang palad at ng aking dibdib. Napataas ang kilay ko.
"Nasa'yo pala eh! I got so stressed looking for this!" Gigil at galit kong sabi sabay hablot ng phone. Kanina ko pa ito hinahanap sa loob ng kotse!
Sumingkit ang mga mata niya sabay irap nang pagkasama-sama. "Nanakawan ka na hindi mo pa naramdaman! Manhid mo rin noh!" Singhal niya.
Hindi ako nakapagsalita. Anong nanakawan?
-----------------------------
"Sorry na, Ate Bel!" Panunuyo ko pagkatapos niyang ikwento kung saan niya nakuha ang cellphone ko.
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung paanong hindi ko man lang naramdaman na nakuha ng dalawang lalaking nakasalubong ko kanina ang cellphone ko sa aking bulsa. Ang galing nilang sumalisi!
Pabalik na sana ako kung saan ko iniwan si Ate Bel nang makapa kong wala ang cp ko sa bulsa ng aking pantalon kaya agad akong bumalik sa kotse para hanapin. Nakakahiya dahil inakala kong kinuha ito ni Ate Bel para biruin ako.
"Napaka-judgmental mo kasi noh! Ang init pa ng ulo mo!" Naiinis niyang sabi.
Malakas akong bumuntong-hininga. "I said I'm sorry!" Tangi kong nasabi.
"Bahala ka riyan sa buhay mo!" Tampo niyang singhal sabay lakad palayo.
Tinimpi ko ang aking sarili. Ayokong sabayan ang pagmamaktol niya. Sa babaeng ito lang humahaba ang pasensya ko. Kung ibang babae lang siguro na moody ang kasama ko ay siguradong iniwan ko na. Anong meron sa'yo Ate Bel at hindi kita kayang tiisin!
Sumunod ako sa kanya na parang asong bahag ang buntot. Nakalabas kami ng building. Pasimple akong dumikit sa kanya. Nagdikit ang aming mga balikat.
Tumigil ang buong paligid. Naging kulay abo ang kulay ng lahat. Tulala akong nakatingin sa kabilang bahagi ng kalsada. Gusto kong magsalita pero naunahan ako ng takot at kaba. Ano itong nakikita ko? May malaking itim na anino na kakaiba ang anyo! Humahalo sa hangin ang paligid ng kanyang katawan. Pulang-pula ang kulay ng kanyang mga mata!
Napasinghap ako sabay habol sa aking hininga. Naramdaman ko ang paghatak ni Ate Bel sa buhok ko.
"Aray!" Sigaw ko.
Nakamulagat siyang nakatingin sa akin. "Huwag mong tingnan!" Pigil na bulong niyang sabi sa tapat ng tainga ko.
Anong ibig niyang sabihin? Puno nang pagkabahala ang mga mata kong tumitig sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)
RandomA kind heart, a gentle personality, a true friend, and a good woman- her name is Bel, a not so typical lead imagined in fairy tales. She isn't that gorgeous; she's fat! She isn't ordinary; she is out of this world! She has her own world until she me...