Ethan
I told her to ditch him! Bakit ba hindi siya nakikinig! Bakit ba parati niyang pinaparamdam ang ganitong selos at pagkamuhi sa akin? Hindi niya ba talaga ako mapapansin?
Hinila ko si Ate Bel palayo kay Lee. "Come with me!" Nagtatangis ang aking bagang sa sobrang selos. "I told you to ditch him!"
Pinalis ni Ate Bel ang kamay ko. Ngumisi siya sabay tulak sa akin palayo. Napaatras ako. Bakit parang ang hina ko? Hindi ko siya magawang pigilan. Tinitigan niya ako nang malalim bago siya tumalikod. Patakbo siyang humabol kay Lee.
Pumulupot ang mga kamay niya sa baywang ni Lee. Nagkukumahog akong sumunod sa kanila. Kumakabog nang mabilis ang puso ko. Para akong aatakin sa puso, hindi ako makahinga nang maayos. Pumasok sila sa isang bahay.
Pagkasunod ko ay nakita kong may dalawang batang naglalaro sa paligid. Tinawag nilang mommy si Ate Bel! Mag-asawa na sila? No! Maya-maya ay umakyat si Lee at Ate Bel sa kwarto. Muli ko silang sinundan.
No! No, Ate Bel! Malakas kong itinulak ang pinto. Bumukas ito. Nanlaki ang aking mga mata nang makita kong hinahalikan ni Lee si Ate Bel. Humihingal akong nanonood lang sa kanila. Hindi ako makakilos sa aking kinatatayuan.
Bumaba ang halik ni Lee sa makinis na leeg ni Ate Bel. Rinig na rinig ko ang halinghing nilang dalawa. Unti-unting ipinasok ni Lee ang kanyang kamay sa loob ng blouse ni Ate Bel. Kitang-kita ko ang paglamas niya sa dalawang umbok sa loob ng damit ni Ate Bel.
Stop it! Stop it! Don't touch her! I'll kill you!
Nauubusan ako ng hininga. Hindi ko maihakbang ang aking mga paa. Tinanggal ni Lee ang damit ni Ate Bel. Sunod niyang tinanggal ang bra! Bumaba ang halik niya sa dibdib ni Ate Bel. Papalit-palit niya itong isinubo, dinilaan, at sinipsip habang bumababa ang kamay niya paloob sa pantalon ni Ate Bel.
Fuck this. Stop! I said stop! Ate Bel! Paulit-ulit kong isinigaw ang kanyang pangalan pero hindi niya ako naririnig. Nakita ko na lang na pati ang kanyang pantalon ay nahubad na sa kanyang katawan. Binuhat siya ni Lee pahiga sa kama. Hinubad ni Lee ang lahat ng saplot sa kanyang katawan.
Their eyes are full of love and lust. Pumatong si Lee kay Ate Bel. Natulala ako. He's fucking her, and Ate Bel just loves it!
Umulit na naman. Nakita kong muli ang pamilya nilang masayang magkakasama. Umilit na naman ang nangyari sa kanila sa loob ng kwarto. STOP! STOP!
------------------------------------------
Humihingal akong nagmulat ng aking mga mata. Basang-basa ng pawis ang buo kong katawan. Fuck! No, that can't be! It's not real! It was a dream! Panaginip lang! Nakatulog ako sa sofa! Biglang sumagi sa isip ko si Nina at Reyden. Binantayan ko dapat sila! Bakit ako nakatulog?
Sinubukan kong bumangon pero hindi sumusunod ang katawan ko. God damn it! Anong nangyayari! Muli akong pumikit. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kahit wala pa naman akong ginagawa. Makalipas ang ilang minuto ay sinubukan ko ulit bumangon.
Hirap na hirap akong gumalaw. Ang tagal bago ko nabalanse ang aking katawan. Wala na akong lakas pero hindi pa ako nakakatayo. Ibinagsak ko ang aking katawan sa sahig. Pagapang akong umusad hanggang sa makarating ako sa pader. Kumapit ako at sinubukang makatayo.
Nagpahinga ako saglit bago ako marahang naglakad hanggang sa pinto ng kwarto. Nangangatal ang mga kamay ko habang pinipihit ang doorknob. Pagkabukas ko ng pinto ay agad akong napaluhod. Fuck!
"Ethan!" Rinig kong sabi ni Reyden na nakita kong hindi makabangon sa kama. Nasaan si Nina! Hindi ko siya nakitang nakahiga sa kama.
Pinilit kong tumayo muli.
BINABASA MO ANG
Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)
DiversosA kind heart, a gentle personality, a true friend, and a good woman- her name is Bel, a not so typical lead imagined in fairy tales. She isn't that gorgeous; she's fat! She isn't ordinary; she is out of this world! She has her own world until she me...