Ate Bel
Totoo na ito di ba? Aalis na talaga siya! Hindi ako nananaginip, di ba? Pinilit kong ngumiti pero hindi gumagalaw ang aking labi. Tulala akong nakatingin habang nagpapaalam si Ethan at Nina sa isa't-isa. Nandito na kami sa airport para ihatid sila.
Minuto na lang ang nalalabi at tuluyan na siyang mawawala. Niyakap ko sila Tito, Tita, at Jenny. Nagpaalam ako sa kanila. Ganoon lamang at tumalikod na sila patungo sa departure area.
Lumapit sa akin si Ethan. Tumitig ako sa malungkot niyang mga mata. Alam kong hindi niya gustong umalis pero kailangan. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at marahan itong hinagod-hagod. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko na yumakap sa kanya. Sa huling pagkakataon ay gusto kong maramdaman ang init ng kanyang katawan.
Napasinghap ako nang maramdaman ang mahigpit niyang mga bisig na nakapulupot sa akin. Gustong-gusto kong umiyak pero hindi pwede.
"Ate Bel, don't cry like Nina did when Reyden went away. I don't want to see you crying sa video chat." Bulong niya.
"I won't cry. Hindi ka pa naman patay para iyakan." Trying hard kong biro.
Paimpit siyang natawa. "Huwag mo kong mami-miss masyado. Huwag ka ring pupunta kung saan-saan. Iwasan mo ang mga multo para hindi ka mapahamak. Malulungkot ako kapag nabalitaan kong nasasaktan ka." Malungkot niyang paalala.
Tumango-tango ako sa kanyang dibdib. Ayoko siyang bitawan.
"Ate Bel, just wait for me. When I come back may sasabihin ako sa'yo. I promise I will be back for you." Seryoso niyang sabi na nagpakaba sa dibdib ko.
Napangiti ako. Tama naman ang narinig ko, babalik siya para sa akin! Pwede bang ngayon niya na lang sabihin kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin.
"May sasabihin din ako sa'yo pagbalik mo. Hihintayin kita kahit gaano katagal." Bulong ko.
Inalis namin ang pagkakayakap sa isa't-isa. Hindi ko inalis ang mga mata ko sa maganda niyang mukha. Sa huling segundong nalalabi ay gusto kong pagmasdan ang itim na itim at mapupungay niyang mata. Ang mga matang matagal ko nang hinahangaan at pinapantasya.
Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Ang init ng kanyang palad.
"Just wait for me, I'll be back." Buong sinseridad niyang sabi.
Ngumiti ako at tumango.
"Huwag mong kalimutang magchat or magvideo call." Paalala ko sa kanya.
Tumango siya. Muli kaming nagyakapan bago siya tuluyang nagpaalam. Yumuko ako. Ayokong makita siyang nakatalikod sa akin at umaalis. Okay lang ako, mag-uusap kami bukas sa chat pag dating niya sa Canada. Hindi pa ito ang katapusan ng one-sided kong love story. Babalik siya, babalik siya para sa akin!
Ilang sandali ang lumipas at naramdaman ko ang pag-akbay ni Nina sa akin. Pagtingin ko ay wala na si Ethan. Kinagat ko nang mariin ang aking labi. Ethan....
"Tara! Baka umiyak ka pa rito." Pang-aasar na bulong sa akin ni Nina.
"Bakit naman ako iiyak. Hindi naman ako katulad mo." Balik kong pang-aasar sabay taas ng aking nguso.
Pagka-uwi namin sa quarters ay agad akong umakyat sa kwarto. Isinara ko ang pinto at umupo sa gilid ng kama. Sumagi sa ala-ala ko ang lahat nang magagandang pangyayari sa buhay ko kasama si Ethan. Ngayon pa lang nami-miss ko na siya.
Mabilis na pumatak ang luha mula sa aking mga mata. Ayoko nang pigilan ang lungkot na aking nadarama. Pwede naman akong umiyak, di ba? Ngayon lang naman, bukas hindi na. Tuloy-tuloy na umagos ang aking mga luha. Ibinuhos ko lahat nang nararamdaman kong kalungkutan. Sumisinghap ako nang malakas at tumutulo na ang aking sipon sa sobrang kaiiyak.
BINABASA MO ANG
Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)
De TodoA kind heart, a gentle personality, a true friend, and a good woman- her name is Bel, a not so typical lead imagined in fairy tales. She isn't that gorgeous; she's fat! She isn't ordinary; she is out of this world! She has her own world until she me...