Chapter 25: Don't See Him Again

248 34 11
                                    

Ate Bel

Nang mawala ang matinis na sigaw ay nagmulat ako ng mata. Napasinghap ako nang makita ang papalapit na labi ni Nikko sa aking bibig. Agad akong kinabahan! Ayokong magpahalik! Itutulak ko na sana siya palayo nang biglang may kumatok sa pinto. Bigla akong hiningal dahil sa kaba. Lumayo ako sa kanya sabay punas ng pawis sa aking noo. Ano ba itong ginagawa ko? Bakit ba hindi pa ako umalis sa kakaibang bahay na ito! Muli akong napatingin sa kahoy na sahig. Iba talaga ang hangin sa paligid.

Dumako ang aking mga mata kay Nikko. Halata ang pagkainis at pagkadismaya sa kanyang mukha dahil sa katok sa pinto. Ganoon na lang ba ang kagustuhan niyang halikan ako? Napakabilis naman niyang kumilos? Ganito ba talaga ang mga lalaki; gusto maka-score kaagad?

Umulit ang katok sa pinto. Napahinga nang malalim si Nikko habang kunsumidong napakamot sa kanyang ulo. Kung pasensya ang pag-uusapan ay mas pasensyoso pa si Ethan kaysa sa kanya. Kailangan ko na talagang umalis dito! Bukod sa multo ay mas kinakabahan ako sa pwedeng gawin ni Nikko.

Isinukbit ko nang husto ang bag ko sa aking balikat. Sinundan ko sa pinto si Nikko hanggang sa mabuksan niya ito. Muntik ng malaglag ang panga ko nang makita ko si Nina na nakatayo sa pintuan. Anong ginagawa niya rito?

"Hi, magtatanong lang sana ako kung saan ang daan palabas sa highway?" Nakangiting tanong ni Nina kay Nikko.

Nakita ko ang ngisi sa mga labi ni Nikko na agad niyang pinalitan ng ngiti. "Diretso lang." Sagot niya sabay turo sa kalsada.

"Ahhh, okay. Thank you. Naliligaw kasi kami." Magiliw pa ring sabi ni Nina kahit napansin niya rin ang naiinis na reaksyon ni Nikko.

"Naliligaw kayo? Samahan ko kayo palabas." Gatong ko sa sinabi ni Nina para makaalis na ako sa bahay na ito.

"Okay lang ba?" Tanong ni Nina na mukhang pinangangatawanang hindi kami magkakilala.

"Oo naman!" Sagot ko.

"Seryoso ka Bel?" Lukot ang mukha na tanong ni Nikko. Ayaw niyang umalis ako!

Tumango ako. "Sorry, kailangan ko nang umuwi. May emergency sa bahay." Pagsisinungaling ko.

Matalim ang mga titig na ipinukol niya sa akin. Napalunok ako sabay labas ng bahay. Kakaiba ang mga titig niya na bigla bigla na lang nagbabago. Mabuti na lang at kumatok si Nina at nagkaroon ako ng pagkakataong makaalis.

"I'm really sorry! See you sa office tomorrow." Paalam ko sabay kaway ng aking kamay.

Hindi ko na siya nilingon. Naglakad ako kasabay ni Nina hanggang sa makarating kami sa kalsada kung saan naka-park ang pamilyar na itim na suv.

"Si Ethan ang kasama mo?" Nag-aalangan kong tanong. Akala ko si Reyden.

"Ayaw mo?" Balik niyang tanong sabay bukas ng pintuan ng kotse. Sinenyasan niya ako na pumasok.

Kahit nagdadalawang isip ako ay pumasok na rin ako. Hindi ako makatingn ng diretso kay Ethan. Ano kaya ang iniisip niya tungkol sa akin? Baka iniisip niyang desperada ako; na sumasama ako basta-basta sa isang lalaking kakakilala ko lamang.

Hindi ako umiimik na nakaupo at nakatanaw sa labas ng bintana. Umubo si Nina pero walang nagre-react sa aming dalawa ni Ethan. Umubo na naman si Nina.

"Inuubo ka ba? Masama ba pakiramdam mo?" Halos pabulong kong tanong sa kanya na para bang nahihiya akong marinig ni Ethan ang aking boses.

"Ate Bel, baka ikaw ang may sakit- wala kang boses oh!" Malakas na sabi niya na para bang nananadya.

Nginiwian ko siya. Gusto kong sabihing huwag niyang lakasan masyado ang boses niya.

"Nasipsip ba lahat ng lalaking iyon ang bibig at laway mo kaya ka napaos?" Eskandalosa niyang tanong.

Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon