Ate Bel
Matamlay akong nakatanaw sa kalangitan. Mamaya ay didilim na at mawawala ang araw. Ang tagal lumipas ng oras! Ilang araw na bang wala si Ethan? Ilang araw na bang walang naghahatid at sumusundo sa akin? Nami-miss ko na siya.
Ni hindi man lang namin nagawang makapag-usap nang matagal bago siya umalis. Pagkatapos niya akong maihatid ng araw na iyon ay umalis na siya papunta sa Batangas.
Huminga ako nang malalim. Sa dinami-rami ng mga nangyari sa amin nitong nakaraang buwan ay si Conney ang pinakamalala. Totoo nga ang kasabihan na mas nakakatakot pa ang mga buhay kaysa sa mga multo.
Mas masahol pa ang babaeng iyon sa mga multong natulungan namin. Ngayon lang ako nakatagpo ng taong sobrang desperada na gagawin ang lahat mapagtakpan lang na nagkamali siya.
Pasalamat na lang ako dahil hindi ako katulad niya. Nasa kanya na ang lahat pero hindi siya masaya. Okay na ako sa estado ng buhay ko ngayon dahil nararamdaman ko ang kaligayahan mula sa aking puso. Hindi man ako sexy, hindi man ako mayaman, wala man akong mga magulang; ang mahalaga ay mabuti akong tao at wala akong sinasagasaan.
Patungo na ako sa sakayan ng jeep nang may tumigil na itim na SUV sa aking gilid. Napalingon ako at nakita si Conney na pababa na sasakyan.
Napangiwi ako nang wala sa oras. Ano na naman! Nananahimik na ako!
"Bel! Good thing naabutan kita!" Maangas niyang bungad.
Tumingin-tingin ako sa paligid. Walang gaanong taong dumaraan. Buti naman, in case kailangan kong lumaban. "Anong kailangan mo?" Nasusuya kong tanong sa kanya.
"I heard iniwan ka rin ni Ethan." Confident niyang sagot sabay tapon ng nakakainsultong tingin..
"So?" Tanong ko.
Tumawa siya. "Serves you right! Hindi kayo bagay! Ethan is just a womanizer who leaves women pagkatapos niyang maka-iskor."
Pigilan niyo ako kundi isusubsob ko ang babaeng ito sa simento!
"Anyway, gusto ko lang ibalita. I am going back to Japan to marry the guy I love. He is wealthy and he is far more handsome than Ethan. I can't believe nagpaloko ako kay, Ethan. Hindi naman talaga ako nag-enjoy the night he stayed in my condo. Masyadong maliit kaya nadismaya ako. Hindi ko tinuloy, kaya walang nangyari sa amin!" Kwento niya na parang normal lang sa kanya ang magsinungaling.
"Ano ba talaga ang gusto mo?" Naiirita kong tanong.
"I just want you to know that I am beautiful at hindi kawalan si Ethan sa akin! Sa'yong- sayo na siya kung gusto mo!" Nanunuya niyang sagot.
Bwisit talaga ang babae ito! Ang lakas mang-trip! Aalis na lang kung anu-ano pang sinasabi. Anong gusto niyang isipin ko; na napakaswerte niya sa buhay? Duh?
"Bakit mo kasi binigyan ng pampatulog instead of ecstasy, hindi ka tuloy nag-enjoy! Don't you know na ang laki, ang haba, at ang taba ng sa kanya? Ang sarap kaya!" Pang-iinis kong sagot.
Nakita ko ang pag-pout ng kanyang labi. May saltik talaga ang babaeng ito. Kung anu-ano ang ginagawang kwento!
"By the way, hindi ako iniwan ni Ethan. Ako ang pinili niya. Pag-alis mo, babalik na siya at magpapakasal kami. Pananagutan niya ako and we will live happily ever after. Huwag kang mag-alala, akin talaga siya. Kahit kailan hindi naman siya naging sa'yo. Hindi pumapatol si Ethan sa babaeng sira ang ulo." Pagsisinungaling ko habang ginagaya ang kanyang paraan ng pagsasalita.
Nanlaki ang kanyang mga mata. Parang gusto na niya akong sabunutan pero hindi niya magawa. Naaninag ko na may ibang nakasakay sa loob ng tinted na suv. May kasama ba siya?
BINABASA MO ANG
Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)
AcakA kind heart, a gentle personality, a true friend, and a good woman- her name is Bel, a not so typical lead imagined in fairy tales. She isn't that gorgeous; she's fat! She isn't ordinary; she is out of this world! She has her own world until she me...