Chapter 40: His Turn

247 25 10
                                    

Ate Bel

Para akong na-estatwa sa aking kinauupuan. Nakita kong walang damit pang-itaas si Ethan. Napatakip ako sa aking mga mata pero hindi ko naman talaga tinakpan. Nakasilip ako hanggang sa makatayo siya.

"Oh come on! I'm not naked!" Inis niyang sabi habang padabog na kinukuha ang nahulog na unan sa sahig.

Napangiwi ako. Sana nakahubad na lang siya! Inalis ko ang mga kamay ko sa aking mata.

"Bakit ako nakahubad?" Nahihiya kong tanong sa kanya.

"Aba malay ko! You might have taken off your clothes while asleep!" Naiinis niyang sagot sabay hawak sa kanyang balakang. Napalakas yata ang sipa ko.

"Bakit wala kang t-shirt?" Sunod kong tanong.

"I took it off, mainit!" Inis pa rin niyang sagot sabay lakad papunta sa banyo.

"Walang nangyari sa ating dalawa?" Pulang-pula ang mukha ko na tanong sa kanya.

Narinig ko ang malakas niyang buntong-hininga. "You're a virgin, right?" Diretso niyang tanong.

Nahihiya akong tumango. Dapat ba talaga akong mahiya na virgin pa ako?

"May masakit ba sa katawan mo?" Sunod niyang tanong.

Umiling ako. Wala namang masakit sa akin bukod sa ulo ko.

"So, that means, walang nangyari sa atin! Para namang first time na natulog tayo sa iisang kama!" Kunsumido niyang sabi sabay reklamo na masakit ang kanyang balakang.

Pumasok siya sa banyo at isinara ang pinto. Kumalma ako. Sinipat ko ang aking katawan sa ilalim ng kumot. Tama siya, walang nangyari sa pagitan naming dalawa. Malakas akong bumuntong-hininga. Kahit siguro wala na pati bra at panty ko ay hindi siya mangangahas na galawin ako. Ganoon siya kabait! Hindi ba pwedeng kahit minsan maging mapusok naman siya!

Inilibot ko ang aking mga mata sa sahig. Nakita kong nakakalat ang suot kong blouse at pantalon. Hinawi ko ang kumot at mabilis na pinulot ang aking mga damit. Saglit lang ang nakalipas at naisuot ko na ang mga ito sa aking katawan.

Humarap ako sa salamin na nasa gilid ng silid. Mukhang nasa hotel kami. Hinilot ko ang aking ulo. Ano bang pinaggagagawa ko kagabi? Hindi ko halos maalala sa sobrang kalasingan! Sinabi ko na noon na hindi na ako magpapakalasing! Pero dahil sa babaeng iyon ay napasubo ako! Nasaan na nga ba siya? Anong nangyari sa kanya?

Kinuha ko ang aking suklay sa loob ng bag na maayos na nakapatong sa mesa. Sinuklay ko ang aking buhok. Napakunot ang noo ko nang mapansin ang mga marka sa palibot ng aking leeg pababa sa itaas ng aking dibdib. Anong nangyari sa leeg ko?

------------------------------------------

Ethan

Pinabagal ko ang tibok ng aking dibdib bago ako lumabas ng banyo. Hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko na pagnasahan siya sa tuwing maaalala ko ang ginawa ko kagabi. Kung bakit ba kasi napaka-inosente niya! Magmumukha akong bastos at manyak kapag may ginawa akong hindi maganda!

Binuksan ko ang pinto at nakita ko siyang nasa harapan ng salamin. Lumingon siya sa akin nang marinig na lumabas na ako. Suot na niya ang damit na suot niya kahapon.

"Ethan, ano 'to?" Tanong niya sa akin sabay pakita ng leeg niya.

Napalunok ako. Napatikom ang aking bibig. Sabi na nga ba magmamarka ang mga halik na dinampi ko sa kanyang leeg. Pasimple akong lumapit sa kanya. Hindi ko pinahalatang guilty ako sa mga markang nasa leeg niya.

"May I see." Pa-inosente kong tanong.

Itinuro niya ang kanyang leeg. Hinagod ko ito sabay ngiti. Hindi niya ba talaga alam kung ano ang mga markang ito. I want to tell her that these are kiss marks pero wala akong lakas ng loob na ipagtapat sa kanya na ako ang humalik sa kanya kagabi.

"Baka allergic ka sa ininom mo kagabi." Pagsisinungaling ko.

"Talaga?" Taka niyang tanong sabay hipo sa kanyang leeg.

Tumango ako. "Mawawala rin 'yan." Dugtong ko.

"Bakit sa leeg lang?" Nagdududa niyang tanong.

Because that's the part na madaling halikan. Sagot ko sa aking isipan.

-----------------------------------------------

Kinagabihan

"I need to go Con." Paalam ko sa kanya pagkatapos ko siyang ihatid sa kanyang condo unit. Nagpasama siya kanina sa grocery at pagkatapos ay nagdinner kami sa isang Japanese restaurant.

"Aalis ka na kaagad? Let's have tea inside, please." Yaya niya.

Sinipat ko ang aking relo. It's 7pm. Wala naman akong gagawin at ibang pupuntahan.

"Okay." Sabi ko sabay ngiti. Pagbibigyan ko siya ngayon dahil uuwi na siya sa Japan the day after tomorrow.

"Arigatou." Malambing niyang sabi.

Pumasok ako sa loob. Luminga-linga ako sa paligid. Napakalinis at napakaayos ng mga gamit sa loob ng kanyang condo. Babaeng-babae ang ambiance.

"How's Bel?" Tanong niya habang inilalapag ang tasa sa mesa.

"She's fine." Sagot ko.

"Good to hear that. She really seems to be nice." Dugtong niya habang nagtitimpla ng tea.

"Yeah, she's kind and funny. She's different from any other woman I met." Dugtong ko.

"You seem to fancy her a lot. Can you still remember the promise we made?" Tanong niya.

"What promise?" Tanong ko.

Nagsalin siya nang napakabango at mainit na tsaa sa aking tasa.

"That we are going to marry each other when the right time comes." Sagot niya.

Muntik ko nang mabitawan ang tasang hawak ko. Nabigla ako sa kanyang sinabi. Did I promise to marry her? Wala akong maalala!

Paimpit siyang tumawa. "You have turned into a really fine man. My parents won't disagree to the idea of us getting married." Dugtong niya.

Pilit akong ngumiti. Paano niya nasasabi ang salitang getting married na parang wala lang? Hindi ako umimik. Just thinking about getting married to a woman that I don't love makes me feel sick! Kung meron man akong babaeng pakakasalan, si Ate Bel iyon at wala ng iba.

Hinipan ko ang tsaa at paunti-unti itong ininom. Hindi na muling nagsalita si Conney nang mapansin niyang hindi ako kumikibo. Mabuti na lang at malapit na siyang umalis. Ayoko na ulit marinig mula sa bibig niya ang salitang magpapakasal kaming dalawa.

Muli niyang sinalinan ang aking tasa.

"Time for me to go." Paalam ko sa kanya pagkatapos kong ubusin ang laman ng tasa.

Tumayo siya. Tumayo na rin ako. Inihakbang ko ang aking paa. Napapikit ako nang biglang umikot ang paligid. Shit! Pumikit-pikit ako at sinubukang balansehin ang aking katawan.

"Are you okay, Ethan!" Rinig kong tanong ni Conney.

"Yeah, I'm fine." Sagot ko. Muli akong humakbang. Umiikot talaga ang sahig. Napahawak ako sa mesa.

Hinilot ko ang aking noo. Anong nangyayari sa akin? Hinihingal akong napatingin sa tasa ng tsaa. Para akong inaantok na nanghihina at the same time. Naramdaman ko ang pagpulupot ng kamay ni Conney sa aking baywang. Anong ginagawa niya?

"You'll be my husband in no time, Ethan. So, I won't mind sleeping with you." Bulong niya.

Naramdaman ko ang paglapat ng kanyang bibig sa aking labi. No, no! This can't be happening. Ate Bel!

-----------------------------------------------

Iminulat ko ang aking mga mata. Nakahiga ako sa malambot at mabangong kama. Naririnig ko ang patak at agos ng tubig sa isang dako ng silid. Nasaan ako? Anong nangyari? Marahan akong umupo sa kama. Napaawang ang bibig ko nang mapagtanto ang aking itsura. Wala akong saplot. I'm completely naked! Fuck!

---------------to be continued-------------------

Anong nangyari kay Ethan? Abangan bukas!

Good night po sa inyong lahat!

Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon