Ethan
"Who's Nathan?" Muli kong tanong nang walang sumagot sa kanilang lahat.
Pasimpleng hinatak ni Mom palayo sa akin ang matandang babae. May binulong siya rito at pagkatapos niyon ay hindi na ako pinansin ng matanda.
Are they talking about Lolo? Si Lolo ba ang sinasabi nilang kamukha ko? Naglakad pa kami at umakyat sa ikalawang palapag.
"This would be your room, young master." Sabi ng matandang babae sabay turo sa pintuan.
Bahagya akong natawa sa itinawag niya sa akin. Para lang akong nasa loob ng isang drama.
"Ethan, have some rest and prepare yourself for dinner. Your Lolo will be arriving from the hospital later." Utos ni Mom sabay hagod sa braso ko.
"Mom, this is weird. Mind telling me what's going on?" Bulong ko sa kanya.
Pilit siyang ngumiti. "Later anak, pahinga muna tayo." Sagot niya sabay bukas ng pinto ng kwarto ko.
Nagugulumihanan akong pumasok sa loob. Napalingon ako nang sumara ang pintuan. Ibinalik ko ang aking atensyon sa kabuuan ng silid.
"Wow!" Buong pagkamangha kong usal.
Napakalaki ng kwarto. The design is so intricate. Napakaganda ng color combination na gray, black and white. I'm not into these colors, but this lay-out is so good. Inihakbang ko ang aking mga paa. May sariling sala ang kwarto ko na may malaking TV at mamahaling sofa set.
May divider na humahati sa kwarto. Lumapit ako sa king size na kama. Ang laki para sa akin! Kahit siguro tumaba pa si Ate Bel ay kasya pa rin kaming dalawa rito. Tumungo ako sa pinto sa gilid at binuksan ito. Napanganga ako nang makita ang isang malaking built-in closet.
Pumasok ako sa loob at isa-isang hinipo ang mga amerikana na hile-hilerang nakasabit sa cabinet. Para sa akin ba ang lahat ng ito? Nakita ko sa ibaba ang mga leather shoes. Wow, astig!
Kung alam ko lang na ganito ang madaratnan ko rito ay hindi na ako nag-empake ng maraming damit! Lumakad pa ako sa dulo at nakita ang isang mamahaling cabinet. Hinila ko ang drawer at bumungad sa akin ang napaka-ayos na pagkakasalansan ng mga neckties.
Napangiwi ako sabay buga ng hangin. Mapapasubo yata ako rito. Pagkahila ko sa isa pang drawer ay bumungad namin sa akin ang iba't ibang klase nang mamahaling relo. What the? This is too much! Para sa akin ba talaga ito? No! Iisipin kong nakikitulog lang ako sa kung sino man ang talagang may-ari ng kwartong ito.
Lumabas ako sa built-in closet. Binuksan ko ang isa pang pintuan. Napanganga na naman ako nang makita ang napakalawak na banyo na may sariling jacuzzi at malaking bath tub. Isinara ko kaagad ang pinto sa sobrang pagkamangha. Can't believe this!
Dito talaga kami titira? Ganito ba kayaman ang Lolo ko? Mom hasn't mentioned anything about Lolo this whole time. The only thing I know is may Lolo ako na buhay pa.
Bumalik ako sa kama. Maya-maya ay may kumatok. Lumapit ako sa pintuan at binuksan ito. Nakita ko ang lalaking kasama ko sa sasakyan kanina at dalawang maids sa kanyang likod. Dala-dala nila ang mga travelling bags na pagmamay-ari ko. Binuksan ko ang pinto at isa-isa silang pumasok para ilapag ang mga bagahe.
"Do you need anything else, young master? We can help you unpack your things." Tanong ng isang maid na may edad na. Sa itsura niya ay mukha siyang isang Pilipina.
"Okay na po ako. I can unpack my things on my own." Magalang kong sagot.
Nakangiti siyang napatingin sa akin na para bang may anghel na dumaan sa kanyang harapan. "Napakagalang mo namang bata." Mahina niyang bulong.
BINABASA MO ANG
Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)
RandomA kind heart, a gentle personality, a true friend, and a good woman- her name is Bel, a not so typical lead imagined in fairy tales. She isn't that gorgeous; she's fat! She isn't ordinary; she is out of this world! She has her own world until she me...