Chapter 39: She's Drunk

247 31 12
                                    

Ethan

"Just get in and sleep!" Pagalit kong sabi kay Conney sabay tulak sa kanya papasok sa kanyang condo.

Tumawa siya. Humarap siya sa akin at biglang ipinulupot ang kanyang mga kamay sa aking leeg.

"Stay, Ethan!" Nang-aakit niyang sabi sabay dikit ng katawan niya sa aking katawan.

Tinanggal ko ang mga kamay niya sa aking leeg at muli ko siyang itinulak paloob. "I'm going! Take a rest!" Pilit kong sabi sabay hawak sa door knob para hindi na siya muling makalapit.

Tumawa na naman siya. "Don't tell me you like her more than me!" Nanunuya niyang sabi.

"Yeah, I like her more than any other woman!" Inis kong sagot sabay sara ng pinto.

Nakakakunsumi! Why do I need to deal with her caprice! Patakbo akong tumungo sa elevator. Kailangan kong bilisan dahil iniwan kong natutulog si Ate Bel sa sasakyan! Humihingal akong pumasok sa kotse. Nilingon ko si Ate Bel na tulog na tulog at humihilik pa. Napangiwi ako, isa pa 'tong babaeng ito na iinom-inom tapos hindi naman pala kaya kapag nalasing!

Ni hindi man lang niya naintindihan ang sinabi ko na gusto ko siya dahil sa sobrang kalasingan! Sinipat ko ang oras na nasa monitor ng sasakyan. Pasado alas dos na ng madaling araw. Paano ko iuuwi sa mansyon si Ate bel sa ganyang kalagayan. Siguradong magagalit si Nina kapag nakita niyang lasing si Ate Bel.

Napahawak ako sa aking sintido. Inaantok na rin ako. Bumuntong-hininga ako at nagpasyang magcheck-in na lang sa hotel na ilang kanto lang ang layo kung saan ko hinatid si Conney. Ayokong dalhin siya sa bahay dahil makikita ni Ate Lyn na lasing siya. Siguradong iba na naman ang iisipin ng babaeng iyon! Napaka-green minded pa naman ng utak niya.

"Ate Bel, wake up! Wake up!" Sabi ko sabay marahang tapik sa kanyang pisngi.

"Ummmm, Ethan.." Halinghing niya.

"Come on, you're heavy, you need to stand and walk." Sabi ko dahil mahihirapan akong buhatin siya.

Umungol siya at pipikit-pikit na sumunod. Umakbay siya sa akin at inalalayan ko siyang maglakad hanggang sa makasakay kami ng elevator.

"Ethan.." Pabulong niyang tawag sa aking pangalan. Sa sobang kalasingan niya ay halos di siya makatayo. Nag-slide ang ulo niya at tumama ito sa pader. "Awww.." Ungol niya.

Napangiwi ako. Hinatak ko siya palapit sa akin at mahigpit ko siyang hinagkan para hindi siya ma-out balance. Pagkabukas ng elevator sa 11th floor ay agad ko siyang inalalayan palabas.

Pagkatapat na pagkatapat namin sa kama sa loob ng kwarto ay agad ko siyang pinahiga. Humihingal akong napaupo sa kama. Hindi na mauulit ang ganito! Ako ang pinahihirapan nila!

Ilang minuto akong nagpahinga bago ako muling tumayo. Tinanggal ko ang sapatos ni Ate Bel. Napangiti ako. Ito ang sapatos na iniregalo ko sa kanya. Inayos ko ang pagkakahiga niya sa kama. Hinila ko ang kumot at kinumutan ko siya hanggang baywang.

Nagtanggal na rin ako ng sapatos. Pumasok ako sa banyo para magtooth-brush at maghilamos. Pagkalabas ko ay nakita kong nakaupo si Ate Bel sa gilid ng kama. Antok na antok siya habang tinatanggal ang suot niyang blouse.

Napalunok ako. Hindi ako kumilos sa aking kinatatayuan. Hinubad niya ang kanyang pang-itaas at walang pakialam na binatawan ang kanyang damit. Lumapag ito sa sahig. Lalo akong napalunok nang sunod niyang tanggalin ang kanyang pantalon. Maghuhubad ba siyang talaga?

Tinanggal niya nga ito! Kitang-kita ko ang kanyang malapad pero may korteng katawan. Suot niya ang iniregalo kong ternong underwear. She looks so sexy! Marahan akong lumapit.

Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon