Chapter 73: Mine

217 30 4
                                    

Ethan

Nakatitig ako kay Bel habang nagsusuklay siya ng buhok sa harap ng salamin. I can't believe kami na! Pagkatapos ng gabing iyon at pagkatapos ng kung anu-ano pang nangyari ay nandito pa rin siya kasama ko. Hindi ako makapaniwala na mahal niya rin ako!

Napatingin siya sa akin. "Problema mo?" Taka niyang tanong sabay taas ng kilay.

Napangiti ako. Lumapit ako sa kanya at hinagkan siya patalikod. Inilapat ko ang aking labi sa kanyang leeg sabay halik dito. She giggled!

"May kiliti ako riyan." Kinikilig niyang sabi sabay kagat sa kanyang labi.

Hinalikan kong muli ang kanyang leeg. Napakislot siya sabay tawa. Humarap siya sa akin sabay kawit ng kanyang kamay sa aking leeg. Inabot niya ang labi ko sabay dampi ng halik. Gumanti ako at marahan kong hinalikan ang kanyang bibig.

She closed her eyes. Hinalikan ko siya ulit hanggang sa maipasok ko ang aking dila. Tuluyan akong napapikit nang patuloy na maglaro ang aming mga dila. Ang sarap! Hinapit ko pa ang kanyang katawan padikit sa akin at mas lalong pinag-igi ang aking paghalik hanggang sa naririnig ko na ang kanyang halinghing.

"Ehem!" malakas na ubo ni Nina na nasa bungad na ng pintuan at pinapanood kami.

Naghiwalay kami ni Bel sabay ngiti.

"Tara na, maiwan tayo ng eroplano! Tuloy niyo na lang 'yan sa Sta. Mesa!" Ngingiti-ngiting sabi ni Nina sabay kuha ng mga traveling bag sa kama.

"Ito kasi eh, makahalik- wagas!" Nagniningning ang mga matang sabi ni Bel.

Napangiti ako hanggang tainga. Pilyo ko siyang nginitian. Humanda siya sa akin pag-uwi namin sa Pilipinas.

Binuhat ko na ang mga gamit niya. Lumabas kami ng kwarto at bumaba ng hagdan. Nakaabang sila Mom, Dad, Jenny, Nathan, at si G. Napangiti ako. Mukhang nakahanap ng katapat ang magaling kong kakambal. Who would have imagined na si Dark at ang fiancée niya na si Lady G ay iisa!

Nagbago ang lahat simula nang dumating si G dito sa bahay. I guess Nathan is having a hard time accepting that a girl saved his ass. Naalala ko nang lumipad ang punching bag dahil sa suntok ni Bel. I really thought natamaan si Nathan, but good thing Lady G saved him. Simula noon ay parang natatameme si Nathan sa harap ni G! Napailing ako sabay ngiti. He finally found his match.

Isa-isa namin silang niyakap. Pagtapat ko kay Nathan ay nginisian ko siya.

"Good luck brother! I think you're in for a great adventure." Pabulong kong sabi sa kanya. Alam kong wala pa siyang kaalam-alam sa kung ano talaga ang tunay na pagkatao ng mapapangasawa niya.

Nginisian niya rin ako. "I'm looking forward to your return after three weeks. No more extension, brother!" Nang-aasar niyang sabi.

Ngumiti ako. Wala naman talaga siyang magagawa kung gusto kong magbakasyon! Babalik ako sa Pilipinas, I will have a great time with my friends and my girlfriend, after that I will convince Bel to live here in Canada, and we will eventually get married. That's my perfect plan! Nagpaalam na kaming apat at sumakay sa sasakyan. Nakarating kami sa airport at lumipad pabalik ng Pilipinas. Hawak-hawak ko ang kamay ni Bel hanggang sa makalapag kami.

"You okay?" Malambing kong tanong sa kanya.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "I'm hungry." Bulong niya.

Natawa ako. "Eat all you can?" Tanong ko.

Tumango siya. "Three extra rice." Sagot niya.

Lalo akong natawa. "Patatabain ulit kita." Biro ko.

Inikutan niya ako ng mata. "Sabagay mas masarap daw ka-sex ang mga matataba!" Bulong niya sa tainga ko. Nag-init ang aking pisngi. Nakita kong ngumiti siya nang nakakaloko. Hinahamon niya ba ako?

Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon