Chapter 77: She's Gone!

221 30 11
                                    

Ethan

Pick up Reyden! Nag-aalala kong usal sa aking sarili habang nasa terrace ng aking kwarto. Napatingin ako kay Bel na hindi mapakali habang palakad-lakad nang pabalik-balik sa aking likuran.

I asked her to just sleep last night dahil baka wala lang signal si Nina. I thought na mako-contact namin si Reyden or Nina ngayong umaga pero hindi sila sumasagot. Bakit ba hindi sila sumasagot! Nagtama ang mga ngipin ko sa inis. Pick up!

Kunsumido kong ibinaba ang telepono. Pinigil ko ang pag-aalalang aking nadarama. Kahit naman sobra silang napagod kagabi ay maririnig pa rin nila ang tunog ng kanilang cellphone!

"Maybe they are still asleep." Kalmado kong balita. Ayokong madagdagan pa ang pag-aalala ni Bel kapag may sinabi akong kakaiba.

Alam kong hindi matitiis ni Nina na hindi balitaan si Bel ng kahit na ano! Kinukutuban ako ng hindi maganda pero kailangan kong huminahon.

"No, Ethan. It's not like them to ignore our calls!" Puno ng pagkabalisa niyang sabi.

Napabuntong-hininga ako. Reyden didn't tell us the exact location kung saan sila pupunta ni Nina!

"Don't worry too much! Magkasama silang dalawa, okay! Walang mangyayaring masama sa kanila." Pagpapakalma ko sa kanya. "Why don't you just take a shower and change. Once ma-contact ko si Reyden, pupuntahan natin sila." Sabi ko para hindi siya tuluyang mag-panic.

Nang makapasok si Bel sa CR ay agad ko uling tinawagan si Reyden. Matagal bago may sumagot sa kabilang linya. Nabuhayan ako ng loob.

"Reyden!" Masaya kong bungad.

Ilang segundo ang nakaraan bago siya nagsalita.

"Good morning, Sir!" Boses ng babae. Hindi si Reyden ang sumagot!

"Who is this?" Takang-taka kong tanong.

"Yes Sir, this is from Alpine Mountain Adventure Camp."

"Where's the owner of this phone?" Nagmamadali kong tanong bago pa siya magpatuloy sa pagsasalita.

"I'm very sorry sir! There has been an unfortunate incident last nig---"

"I am asking where's the owner of the phone!" Nagpipigil kong tanong.

"Umm. Wala po siya dito sa front desk. His wife fell off the cliff last night. They have been searching for her—"

Nanlaki ang mga mata ko. What the hell is she talking about! Napuno ng pangamba ang aking dibdib.

"Where exactly is your location?" Agad kong tanong.

----------------------------------------------------------

Nakarating kami sa adventure camp makaraan ang mahigit dalawang oras na biyahe. Puno ng pagkabahala ang mga muhka namin ni Bel habang tumatakbo papasok. Wala kaming naabutang tao sa front desk.

Magulo ang cabin na parang binagyo ito. Nagkalat sa sahig ang mga gamit na may kasamang putik at abo. Anong nangyari rito?

Lumabas kami ni Bel sa cabin at sinundan ang yellow tape na patungo sa mga tent. Basa at maputik ang daan. Umulan ba rito? Nakarating kami kung saan may ilang nakatayong pulis at mga rescue workers.

"Excuse me!" Aligagang sabi ni Bel. "Where is Reyden?" Agad niyang tanong.

Tumalima agad ang pulis sabay turo sa isang sulok. Nakita namin si Reyden na nakatayo sa gilid ng isang puno malapit sa bangin.

"Reyden!" Sabay naming tawag sa kanya.

Hindi siya lumingon.

Pagkarating namin sa kanyang kinatatayuan ay nadatnan namin siyang tulalang nakatanaw sa kawalan. Puro putik at dumi ang buo niyang katawan at halatang basa ang kanyang damit. Nanlumo ako nang husto sa kaniyang itsura. Maitim ang palibot ng kanyang mata na halos walang buhay. Puno ng pighati ang kanyang mukha. Anong nangyari kay Nina!

-------------------------------------

Bel

Napatakip ako sa aking bibig nang makita ko ang nanlulumong mukha ni Reyden. Lumapit ako at humarap sa kanya. Pagkakitang-pagkakita niya sa akin ay agad na tumulo ang kanyang mga luha. No!

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. "Reyden..." Usal ko.

Paimpit siyang umiyak. Ngayon ko lang siya nakitang nasasaktan at umiiyak nang ganito. Hindi pwede! Sa reaksyon niya pa lang alam kong masama ang balitang magmumula sa kanyang bibig. No! Nina!

"What happened?" Lakas loob kong tanong sa kabila ng takot sa aking puso.

Umiling siya. Patuloy na tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. Napasinghap ako. Hindi ako makapaniwala. "Nahulog siya?" Ako na ang nagkusang nagtanong.

Muli siyang umiling. "She was--- murdered!" Paos at garalgal ang tinig na sagot niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Ramdam ko ang pabigat na pabigat na damdaming dumadagan sa aking dibdib. Parang hindi ako makahinga sa aking narinig. Nag-uunahang tumulo ang aking mga luha. Hindi maaari ito! Hindi siya pwedeng mamatay!

"No, she's not yet dead! She's not yet dead!" Nagpipigil kong sigaw habang umiiyak.

"Shh, shhh.." Saway ni Ethan sabay yakap sa akin. "Calm down, calm down!"

"She was stabbed then she fell! Puro bato ang nasa ilalim ng bangin. Malakas ang ulan kagabi mataas ang tubig sa ilog. We tried finding her pero wala kaming nakita. Sabi nila her body might have been washed away." Tuliro at sumisinghap na kwento ni Reyden.

Lalo akong napaiyak. This can't be! Sa lahat ng mga pinagdaanan namin ni Nina- hindi siya pwedeng mamatay ngayon! Nalampasan namin ang lahat-lahat, she does not deserve to die like this!

Pumalahaw ako ng iyak. Hinawi ko si Ethan palayo sa akin. Nanghihina ang mga tuhod kong naglakad malapit sa gilid ng bangin. Suminghap ako nang suminghap. Wala na ba talaga siya!

"Nina! Nina!" Sigaw ko sa abot ng aking makakakaya. Humakbang pa ako.

"Bel, stop!" Pigil ni Ethan sa akin. Hinila niya ako pabalik at niyakap.

Itinulak ko siya. "No, if she is really dead, maririnig niya ako. Magpapakita siya! Alam na alam niyang nakakakita ako ng kaluluwa. Kung talagang patay na siya hindi siya aalis nang walang paalam!" Nagpipigil kong paliwanag.

"Okay, okay! Let's go down! Let's find her!" Nanlalaki ang mga matang sabi ni Ethan.

Napasinghap akong muli. Desperadong desperado akong napatango. Tumingin ako kay Reyden. Nilapitan ko siya. Naniniwala akong buhay pa si Nina!

"Reyden. We need to find her! Hanggat wala tayong nakikitang katawan, buhay pa siya!" Mariin kong bigkas sabay hawak sa kanyang braso.

Umiiyak siyang tumango. "Let's search for her again!" Mugtong-mugto ang mga mata niya habang sumasagot.

--------------------------------------------------------

After 10 days.

Hindi nagpakita ang kanyang kaluluwa pero nakita na ang kanyang katawan. Hindi na halos makilala ang kanyang bangkay dahil nasa last stage na ito ng decomposition. Wala akong nagawa kundi ang umiyak. Nang makita ko ang bangkay ay alam na alam kong siya si Nina. Ang haba at kulay ng kanyang buhok, ang maliit niyang pigura, ang suot niyang damit, at ang mga gamit na nakita sa kanyang katawan.

Tumalikod ako at lumabas ng morge. Ilang araw na akong umiiyak at hindi ko pa rin kayang tumigil. Hindi ako makapaniwalang sa isang iglap lang ay wala na siya! Kung alam ko lang na mangyayari ang ganito ay sumama sana kami ni Ethan ng gabing iyon.

Puro sana na lang ang aking naiisip. Kung pwede ko lang ibalik ang panahon ay matagal ko nang ginawa. Napasandal ako sa pader sabay upo. Ibinaon ko ang aking mukha sa aking mga tuhod. Niyakap ko ang aking sarili habang patuloy na umiiyak.

Wala akong magawa kundi ang umiyak. Wala na si Nina, wala na ang bestfriend ko! Ni hindi man lang niya naabutan ang kasal ko. Hindi ko na siya makikitang magkaroon ng mga anak at hindi niya na rin makikita ang magiging anak namin ni Ethan.

Bakit ang bilis mong nawala? Bakit hindi ka man lang nagpakita! 

------------------------to be continued-----------------

1 chapter to go and LYBTS is done! See you all on Monday for the last chapter! 

Happy weekend! Good Night! 


Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon