Ethan
Nakangiti ako habang tinititigan ang isang square na kahon. Binuksan ko ito at muling pinagmasdan ang kumikinang na diamond ring. Lalong lumapad ang aking pagkakangiti. Hindi ko naman siya yayayain ng kasal. I just want to give her the best ring I found.
Ibibigay ko ito kay Ate Bel mamaya. I'm going to tell her that I love her. Ayoko nang patagalin ang nararamdama ko para sa kanya. Gusto ko na araw-araw ko siyang mahalikan at mayakap. Hindi naman siguro siya tatanggi kapag nagkataon. Papayag naman siguro siyang magpaligaw.
Isinara ko ang kahon at inilapag ito sa side table na katabi ng aking kama. Tumungo ako sa malaking built-in cabinet para pumili ng aking isusuot. I'm so excited!
Maaga akong nagbihis para siguraduhing hindi ako male-late. Sinabi niyang magkita na lang kami sa restaurant pero mas gusto kong sunduin siya sa mansyon at sabay kaming pumunta.
Paalis na ako ng bahay nang biglang tumunog ang aking cellphone. Si mommy!
"Yes, Ma?" Agad kong bungad.
"Hi anak, how are you?" Malambing niyang tanong.
"I'm fine, Ma. How about you?" Tanong ko pabalik.
"We miss you. Aren't you joining us here for the rest of your vacation?" Tanong niya.
"Okay lang ako rito, ma. I actually enjoy being alone." Sagot ko.
"Okay sige. Since you're alone, can you do me a favor?" Tanong niya. Anong favor?
"Can you fetch Conney at the airport? Remember her? You were so close before." Tuloy-tuloy niyang sabi.
Napa-isip ako. Conney? Ahhh! Kababata ko na naging bestfriend ko pagkatapos kong maaksidente noong bata ako. Wow, nandito siya sa Pilipinas!
"Really? What time is her arrival?" Natutuwa kong tanong.
"5:30pm today, anak. Sorry, nawala sa isip ko na tawagan ka kanina." Sabi niya.
Napatingin ako sa aking relo. It's 4pm. Napalunok ako. Bakit ngayon pa? Wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa request ni mommy dahil hindi naman niya ako titigilan hanggat hindi ako pumapayag.
If she will arrive at 5:30pm, makakahabol pa ako sa 7 na usapan namin ni Ate Bel. I need to go now! Nagmamadali akong lumabas ng bahay at sumakay sa kotse. Inilagay ko ang kahong naglalaman ng singsing sa drawer sa aking tabi.
----------------------------------------------
Sa airport.
It's past 5:30pm pero wala pa rin siya sa arrival area. Lumapag na ang eroplano na nanggaling sa Japan pero hindi ko pa rin nakikita si Conney. Excited akong makita siya dahil nagkahiwalay kami when we were 13 years old. Nag-migrate ang family niya sa Japan at simula noon ay nawalan na kami ng communication. Ano na kaya ang itsura niya?
Para na akong giraffe na humahaba ang leeg kasisipat sa kanya. May tumapik sa aking balikat mula sa aking likuran. Paglingon ko ay nakita ko ang isang babaeng naka-shades at nakatali nang mataas ang buhok. Napakunot ang aking noo.
"Ethan!" Tawag niya.
"Conney?" Takang-taka kong tanong.
Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng itim na tube at puting pencil skirt na hanggang tuhod ang haba. Ang tangkad niya sa suot iyang 4 inches na gladiator heels. Ang ganda ng hubog ng kanyang katawan lalo na ang malulusog niyang dibdib at malaking balakang. Tamang-tama ang pagkaka-tan ng kanyang makinis na balat.
Inalis niya ang shades at inilagay ito sa kanyang buhok. Ang ganda nang bilugan niyang mata na bumagay sa pahabang korte ng kanyang mukha. Napaka-mature niyang tingnan sa kanyang itsura.
Napangiti ako. Naramdaman ko na lang na nakayakap na siya sa akin bago pa ako makapag-react.
"I miss you!" Buong giliw niyang bulong sa aking tenga.
Tinapik tapik ko ang kanyang likod. "Welcome home!" Tangi kong nasabi sa sobrang pagkabigla. Hindi ko inaasahan na magiging ganito siya kaganda. Patpatin at mukha siyang malnourish noong mga bata kami.
"Thank you for picking me up." Sabi niya. Bumitaw siya at buong tamis na ngumiti.
Gumanti ako ng ngiti sabay tingin sa aking relo. 6pm. Si Ate Bel!
"Come on, I'll drive you home." Yaya ko sa kanya.
Tumango siya. Binitbit ko ang kanyang travelling bag at nagsimula kaming maglakad patungo sa sasakyan.
------------------------------------------
"Are you okay?" Tanong ko nang mapansing namumutla siya. Kanina pa siya tahimik na nakasandal sa upuan.
"Actually no, I really feel dizzy." Nanghihina niyang sagot.
Nag-aalala kong inilapit ang aking kamay sa kanyang noo. Hindi naman siya mainit.
"Do you mind dropping me at the nearest hospital?" Nakikiusap niyang tanong.
630pm na. Napalunok ako. "Oo naman." Sagot ko.
Kumaliwa ako at tinahak ang daan papunta sa pinakamalapit na ospital. Pagsulyap ko sa kanya ay nakapikit na siya at nanlalata. Anong nangyayari sa kanya. Kinakabahan ako sa kalagayan niya. Itinigil ko ang sasakyan sa tapat ng emergency room. Bumaba ako at binuksan ang kanyang pinto. Wala na siyang malay! My goodness!
Tinanggal ko ang kanyang seat belt. Agad na may lumapit sa nurse na may dalang wheelchair at tinanong kung anong nangyari sa kanya.
--------------------------------------------
Naihiga na siya sa kama at tinitingnan ng doktor. Kinuha ko ang aking cellphone. May missed call from Ate Bel. Napabuntong-hininga ako. Nag-aalala akong baka hindi ako makapunta sa dinner! Nag-text ako at sinabing male-late lang ako nang kaunti. Kahit anong mangyari, kailangan kong makarating!
Ilang minuto ang lumipas at lumapit ang nurse. Sinabi niyang okay naman si Conney. Dehydrated lang ito at kailangang magpahinga. Sinabi niyang pagpahingahin ko lang ng kahit isang oras bago ko iuwi.
Napahinga ako nang malalim. I can't wait for an hour! Fuck!
Napahilamos ako sa aking mukha. Anong gagawin ko! Hindi ko naman pwedeng iwan dito si Conney. Bakit ba ngayon pa nangyayari ang ganito? Lumapit ako sa kama at pinagmasdan ang natutulog na babae. Hindi ba pwedeng magising na siya at siya na mismo ang magsabing umuwi na kami?
Please Conney, wake up!
Problemado akong napatingin sa aking relo. It's quarter to 8. Shit! Ate Bel is waiting for me! Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Reyden.
"Bro, do me a favor!" Bungad ko sa kanya.
-----------------------------------------------
Quarter to 9. Wala na talaga. Damn it! Nanghihinayang ako na hindi ko maintindihan. Ito ang unang pagkakataon na si Ate Bel ang gagastos sa lahat at sa mamahaling restaurant niya pa ako ililibre. Ito rin ang pagkakataong sasabihin ko dapat sa kanya na mahal ko siya.
Nakakainis! There's always a next time, Ethan! Hindi mo naman inaasahang ganito ang mangyayari!
Tinawagan ko si Ate Bel. Napangiti ako nang marinig ang kanyang boses.
"Ate Bel, I'm sorry, I'm so sorry. May emergency lang." Agad kong paliwanag.
"Ethan, can we go home now? I'm really tired and I just want to sleep. I can't really sleep in here." Rinig kong sabi ni Conney.
Napakunot ang noo ko. Ibig niyang sabihin hindi siya tulog all this time? Napangiwi ako. Agad kong ibinaba ang telepono.
Nilapitan ko si Conney na ngayon ay nakaupo na sa gilid ng kama. Tumayo siya at muntik nang ma-out balance kung hindi ko siya nasalo. Kumapit siya sa aking leeg. Ramdam ko ang lambot ng kanyang katawan na nakadantay sa akin.
------------------------to be continued-------------
Ano kaya ang papel ng baabeng ito? Abangan.
To Ms. Ayame Aihara, para sa iyo ang character na ito. 😊
Good night!
BINABASA MO ANG
Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)
RandomA kind heart, a gentle personality, a true friend, and a good woman- her name is Bel, a not so typical lead imagined in fairy tales. She isn't that gorgeous; she's fat! She isn't ordinary; she is out of this world! She has her own world until she me...