Ate Bel
"Don't say it!" Agad kong pigil sa kanya.
Nakita kong nalukot ang kanyang mukha.
"Why, I have been wanting to tell you that---"
"No, save it after we find Nina!" Putol ko sa gusto niyang sabihin.
Mariin niya akong tinitigan. Puno ng pagkadismaya ang kanyang mukha. Hinawakan ko ang kumakabog kong dibdib. Ano ba ang gusto niyang sabihin?
"Okay, I won't say it. Hindi namin iyon importante." Nakangisi niyang sabi. Umiwas siya ng tingin sa akin.
Pinilit kong ngumiti sa kabila ng aking pagkadismaya. Hindi naman pala importante bakit hindi niya pa sinabi noon? Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga kasabay ng sa akin.
"Tara na, baka gabihin tayo sa daan." Yaya ko sa kanya.
Tipid siyang ngumiti. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at umalis na kami. Pagkatapos naming bisitahin ang orphanage ay tumuloy kami sa bahay niya sa Sta. Mesa.
Napangiti ako nang makitang halos wala rin itong pinagbago. Naalala ko ang mga panahong nandito kaming lahat. Ang daming ala-ala ang nabuo namin sa lugar na ito, mga ala-ala ng pagkakaibigan.
Napatingin ako kay Ethan na hindi umiimik simula nang umalis kami sa mapunong lugar na iyon.
"Sir Ethan!" Sabik na sabik na bungad ni Ate Lyn.
Napangiti ako, parang hindi tumatanda si Ate Lyn!
"Ate Lyn!" Masayang bati ni Ethan sabay yakap dito.
Pagkatapos nilang magyakapan ay dumako ang tingin sa akin ni Ate Lyn. Sadya niyang pinalaki ang kanyang mga mata.
"Girlfriend mo ba siya, Sir Ethan? Anong nangyari kay Bel? Hindi ba si Bel ang girlfriend mo?" Tuloy-tuloy na tanong ni Ate Lyn.
Napalunok ako. Hinawakan ko ang aking pisngi na medyo uminit. Tingin niya ba talaga ay magkasintahan kami ni Ethan noon? Kinabig ako ni Ethan palapit sa kanya. Napadikit ang katawan ko sa kanyang tagiliran. Hindi ko napigilang hindi kumapit dahil medyo malakas ang pagkakahatak niya. Problema ba ng lalaking ito?
"Yes Ate, she's my girlfriend! Ang ganda niya di ba?" Pilyong sagot ni Ethan.
Napatingin ako sa kanyang nakangiting mukha. Pasimple kong kinurot ang kanyang likod. Hindi niya ako pinansin. Lalo niya pang hinigpitan ang akbay niya sa akin.
"Di nga? Kailan ka pa nagkagusto sa babaeng halos makita na ang katawan sa iksi ng damit?" Walang prenong tanong ni Ate Lyn.
Tuluyang namula ang mukha ko. Mukha ba talaga akong kaladkarin sa suot ko? Sinuot ko lang naman ito dahil gusto kong ipakita kay Ethan na mas maganda ako kaysa doon sa babae niya!
Tumawa si Ethan. Malakas ko siyang itinulak palayo. Bwisit talaga siya! Parati niya akong pinagtritripan.
"Ate Lyn naman, minsan lang ako magsuot nang ganito- pagbigyan mo na ako." Nagtatampo kong singit.
Tinitigan ako ni Ate Lyn. "Kaboses mo si Bel!" Inosente niyang sabi. Napatapik ako sa aking noo!
---------------------------------------------
"Pangit ba ang suot ko?" Mataray kong tanong kay Ethan habang tinatahak namin ang daan pabalik sa condo ni Reyden.
Saglit niya akong sinulyapan. "Nope, it's beautiful." Simple niyang sagot.
"Yung totoo?" Demanding kong tanong.
"Ate Bel, ang kulit mo! Maganda nga di ba, bagay na bagay sa'yo. Kahit anong isuot mong damit, bagay sa'yo. Kung kailan ko pumayat saka ka naman na-conscious!" Sagot niya.
BINABASA MO ANG
Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)
RandomA kind heart, a gentle personality, a true friend, and a good woman- her name is Bel, a not so typical lead imagined in fairy tales. She isn't that gorgeous; she's fat! She isn't ordinary; she is out of this world! She has her own world until she me...