From Chapter 17: SLAP (I Am Nina: Truth and Lies)
-------------------------
Ate Bel
Hindi na ako mapakali ng ilang araw na ang lumipas at hindi pa rin tumatawag si Nina. Naisip ko na yata ang lahat ng possible scenario na pwedeng mangyari sa kanya kaya naman para na akong nababaliw sa kaiisip na baka isa roon ay nagkatotoo na.
Na-ii-stress na ako sa mga nagdaang araw kaya naman napagpasyahan kong umuwi ng Pilipinas.
Baka nasa Pilipinas si Nina. Baka wala siyang ibang paraan para ma-contact ako dito sa California. Baka wala siyang pera o baka nasa ospital na naman siya.
Puro buntong-hininga ang lumalabas sa aking bibig. Ginamit ko ang 1-month vacation leave benefit ko sa Nursing Home at agad na kumuha ng ticket pauwi sa Manila. Gagawin ko ang lahat makita ko lang siya!
Una kong naisip puntahan pagkababang-pagkababa ko sa eroplano ay si Reyden. Siya lang naman ang kaibigan kong nandito sa Manila at siguradong hindi siya magdadalawang-isip na patirahin muna ako sa condo niya habang hinahanap si Nina.
Gusto ko ring malaman kung ano na ang nangyari sa kanya nitong nakaraang taon.
Nakarating ako sa kanyang condo at nag-doorbell.
Natawa na lang ako nang pagkamalan ako ni Reyden na delivery boy pagkabukas na pagkabukas niya ng pintuan. Lalo akong natuwa nang hindi niya ako makilala habang nakatitig siya sa akin. Kailangan ko pa talagang kurutin ang pisngi niya para lang magkaroon siya ng ideya kung sino ako.
Masyado na ba talagang nagbago ang itsura ko at pati siya ay nahirapan akong kilalanin? Ilang beses ko pa siyang biniro bago niya nasabi ang aking pangalan. Nang makasiguro siyang ako si Ate Bel ay agad niya akong niyakap.
Kahit papano ay na-miss ko rin ang mokong na ito. Okay na sana ang lahat nang maisipan kong itanong kung may asawa na siya.
Natigilan ako nang sabihin niyang meron na. Anong ibig niyang sabihing meron na? Unang pumasok sa isip ko si Nina. Paano si Nina?
Gusto kong muli na tanungin kung totoo ba o nagbibiro lang siya. Pakiramdam ko ay gusto kong umiyak, looking forward si Nina na makabalik sa katawan niya para sa lalaking ito tapos malalaman niyang may asawa na si Reyden! Oh, hindi; hindi ito maaari!
Magsasalita na sana ako nang biglang may magsalita.
"Bro, where's the pizza?" Tanong ng isang lalaking pamilyar ang boses.
Nang makita ko siya ay para akong naging estatwa. Anong ginagawa rito ni Ethan?
Titig na titig ako sa kanyang mukha lalo na sa magaganda niyang mga mata. Gusto ko siyang lapitan at yakapin at sabihing na-miss ko siya nang sobra-sobra pero bumalik sa ala-ala ko ang nangyari sa Canada.
Napalunok ako nang maalalang may kasama siyang ibang babae noong araw na iyon. Nakaramdam ako nang sobrang pagkapahiya nang sumagi sa utak ko ang ginawa kong katangahan nang halikan ko siya. Naaalala niya rin kaya ang mga sandaling iyon? Alam niya kayang ako ang humalik sa kanya?
"Ate Bel?" Tawag niya sa aking pangalan gamit ang boses na matagal ko nang gustong marinig.
Kinuyom ko ang aking kamao. Matagal ko nang kinalimutan ang nararamdaman ko sa lalaking ito. Naka-move-on na ako sa kanya. Hindi ako affected!
Kahit paulit-ulit kong sabihin ang salitang move-on sa utak ko ay hindi ko pa rin napigilan ang sarili kong lumapit sa kanya at patikimin siya ng malakas na sampal.
Rinig na rinig sa buong silid ang paglapat ng aking palad sa kanyang pisngi. Agad kong hinawakan ang nanginginig kong kamay habang titig na titig ako sa kanya gamit ang nanlilisik kong mga mata.
Galit ako sa kanya! Ayoko siyang makita! Kasasabi ko lang kanina na hindi ako affected pero bakit ganito?
"What the-!" Rinig kong usal ni Reyden na napanganga sa aking ginawa.
Hinawakan ni Ethan ang kanyang pisngi sabay tingin sa akin gamit ang nangungusap niyang mga mata.
"What was that for?" Gulat at hindi makapaniwala niyang tanong.
Hindi ko siya sinagot. Binalingan ko si Reyden. "Why is he here?" Inis kong tanong sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ni Reyden sabay awang ng kanyang bibig na para bang hindi niya malaman ang kanyang isasagot.
Bumaling ulit ako kay Ethan. "Get out!" Singhal ko sa kanya sabay turo sa pinto.
Gustuhin ko mang pigilan at kalmahin ang sarili ko ay hindi ko magawa. Kumukulo talaga ang dugo ko sa lalaking ito! Pareho silang dalawa na hindi makaimik at hindi malaman ang gagawin.
"Ate Bel, what the hell is wrong with you?" Naguguluhang tanong ni Ethan sabay sapo ng kanyang ulo.
"I hate you! Now, get out!" Muli kong singhal sa kanya na para bang ako ang may-ari ng condo.
Napangisi siya. Magsasalita pa sana siya nang pumagitna si Reyden.
"Okay, okay, that's enough. I don't know what happened between the two of you, but please stop shouting. Ethan, just get inside the room." Utos ni Reyden.
Dismayado at napilitang sumunod si Ethan na agad na tumalikod at pumasok sa kwarto ni Reyden. Bakit sa kwarto siya ni Reyden pumasok? Huwag nilang sabihing...
Ang sinasabi niya bang asawa niya ay si Ethan? "Reyden, are you gay?" Puno nang pagdududa kong tanong.
![](https://img.wattpad.com/cover/210188858-288-k827678.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)
CasualeA kind heart, a gentle personality, a true friend, and a good woman- her name is Bel, a not so typical lead imagined in fairy tales. She isn't that gorgeous; she's fat! She isn't ordinary; she is out of this world! She has her own world until she me...