Ethan
Nakakapikon! Naiinis talaga ako!
Naiinis ako sa nangyayari at naiinis ako kay Ate Bel na kanina pa tingin nang tingin sa lalaking akala mo kung sinong gwapo! Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Ate Bel habang papasok kami sa antigong bahay.
Bumungad sa amin ang napakalawak na espasyo at mga kagamitang nagmula pa siguro noong panahon ng kastila. Mukha lang luma ang disenyo ng bahay pero ang totoo ay mamahalin ito na gawa sa nara at iba pang mga imported na kahoy. Pati ang mga cabinets, sala sets, at iba pang furnitures ay yari sa mamahaling mga kahoy.
Iginiya kami ng preskong lalaki sa malawak na sala. Tinawag niyang Lolo ang isang lalaking nakaupo sa sofa at umiinom ng kape. Kaya naman pala siga kung makaasta; siya pala ang apo ng taong nagmamay-ari ng titulo na nagmamay-ari ng ekta-ektaryang lupain na kinatatayuan namin ngayon.
Ang tanong, paanong napunta sa Sta. Mesa ang titulo ng kanilang lupain?
"Kilala raw po nila si Lola!" Diskumpiyadong pasigaw na sabi ng lalaki malapit sa tainga ng matanda.
Mukha ba kaming hindi mapagkakatiwalaan at to the highest level ang pagdududa niya?
Mahinahong ngumiti ang matanda na kulay puti na ang nalalabing mga buhok. Hukot na ang pisngi nito at malalim na ang mga mata. Kulubot na ang kanyang mukha at buong katawan.
"Kilala niyo ang Pasyang ko?" Garalgal ang boses na tanong ng matanda sabay tingin kay Ate Bel.
Ngumiti si Ate Bel. Kumalas siya sa kamay ko at nilapitan ang matanda. Kinuha niya ang kamay nito at nagmano.
"Lolo, may mahalagang bagay po bang nawawala sa inyo?" Tanong ni Ate Bel sabay upo sa tabi ng matanda.
"Oo meron, ang Pasyang ko! Hindi ko siya makita, bigla na lang siyang nawala!" Sumbong nito na parang bata.
"Paano pong nawala?" Muling tanong ni Ate Bel sa tainga ng matanda.
"My Lola died 15 years ago. Nag-uulyanin na ang Lolo, he can't remember that Lola died. Akala niya nawawala lang." Sabat ng lalaking nakatayo sa tabi ng matanda.
"Rocco, hanapin mo na ang Lola mo. Baka naligaw na naman iyon!" Utos ng matanda.
Hinawakan ni Ate Bel ang kamay ng matanda at muling ngumiti. "Gusto niyo po bang hanapin natin siya?" Magiliw na tanong ni Ate Bel.
Ano na naman ang balak niyang gawin? Huwag niyang sabihing ipapakita niya ang multo sa matanda. Baka imbes na matuwa si Lolo ay mamatay pa ito ng wala sa oras. Mahigpit na hinawakan ni Lolo ang kamay ni Ate Bel at hirap na hirap na tumayo habang nakaalalay si Ate Bel at ang lalaking ang pangalan pala ay Rocco.
"Lolo, umupo na lang po kayo, ako na ang hahanap kay Lola." Pigil ni Rocco dahil mukhang matutumba si Lolo.
Tinapik ni Lolo ang nakaalalay na kamay ni Rocco. "Bitiwan mo nga akong bata ka! Hahanapin namin ni Lucia ang Pasyang ko!" Makulit nitong saway sabay kapit sa braso ni Ate Bel.
"Sinong Lucia?" Taka kong tanong na alam kong narinig ni Rocco.
"My mother." Sagot ni Rocco sabay tapon nang matalim na tingin sa akin.
Inismiran ko siya. Bawal bang magtanong!
Nagsimulang maglakad si Ate Bel at Lolo.
"Ako munang bahala sa kanya." Paalam ni Ate Bel sabay tapon ng tingin kay Rocco.
Mataman siyang tinitigan ng lalaki. Kinuyom ko ang aking kamao. Isang beses pang titigan niya nang malagkit si Ate Bel- talagang susuntukin ko na siya!
![](https://img.wattpad.com/cover/210188858-288-k827678.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)
RandomA kind heart, a gentle personality, a true friend, and a good woman- her name is Bel, a not so typical lead imagined in fairy tales. She isn't that gorgeous; she's fat! She isn't ordinary; she is out of this world! She has her own world until she me...