Ethan
"Dad, I told you I'm not going!" Mariin kong sabi.
"Ethan, you are going with us sa ayaw at sa gusto mo!" Seryoso at hindi niya patatalong sagot.
"Dad, please. Susunod na lang ako, huwag ngayon!" Pakiusap ko.
"Son, we have discussed this three months ago. I already gave you the time to do what you want to do. All these years, we never stopped you from doing what you want. So, please, pagbigyan mo kami ngayon! Aalis tayo, bukas. Pack your things!" Utos niyang hindi mababali sabay talikod sa akin.
Natameme ako at hindi nakakilos sa aking kinatatayuan. Simula noon ay nasusunod ang lahat ng gusto ko, bakit ngayon hindi pwede? Ayokong umalis bukas, ayokong iwan si Nina at si Ate Bel.
Wala ngayon sa Pilipinas si Reyden. Sumama siya kay Tito Sa US pagkatapos niya itong matanggap na tunay na ama. Lumipat ng katawan si Nina at hindi pa namin alam kung anong klaseng problema ang dala ng bago niyang katauhan.
Paano ako aalis na dala-dala lahat ng pag-aalala. Napatingin ako kay Mom na kanina pa nakasilip sa amin ni Dad. Nabuhayan ako ng loob at agad na lumapit sa kanya.
Puno nang pagmamakaawa ang mga mata ko habang nakikiusap sa kanya. "Mom, please, susunod na lang ako. I just need to help Nina and Ate Bel. I cannot leave them behind. I promised to be with her until she returns to her body."
Maluha-luhang hinipo ni Mom ang aking pisngi. "I'm sorry, Ethan. We really need to go. You're Lolo is sick. Baka hindi na natin siya abutan kapag hindi pa tayo umalis. Just come back here after nating maayos lahat ng kailangan nating ayusin sa Canada." Pagsamo niya.
Namuo ang luha sa aking mga mata. Ayoko talagang umalis! Kahit anong pagmamakaawa ko ay walang epekto. Akala ko pwede ko silang makumbinsi na iwan ako rito, hindi pala. Ano bang meron sa Canada at magagawa nilang iwan ang buhay namin dito sa Pilipinas?
Pumasok ako sa aking kwarto at nagkulong. Hindi ako nag-empake. Hindi ako aalis. Kung kailangang tumakas ako ay gagawin ko huwag lang akong makasama sa kanila. Bandang hapon na nang malungkot akong umalis ng bahay para sunduin si Ate Bel.
"Hi!" Magiliw niyang bungad.
"Hi!" Pilit kong sagot sa kanya.
"Okay ka lang? May dinaramdam ka ba?" Tanong niya. Halata bang malungkot ako.
Umiling ako. Ayokong sabihin sa kanya na aalis ako dahil hindi naman iyon mangyayari. Hindi ako aalis!
Hindi ako gaanong kumikibo hanggang sa makarating kami sa mansyon. Dumiretso kami sa quarters dahil doon na nakatira si Ate Bel at si Nina. Nadatnan namin si Nina sa bungad ng pinto.
"I thought you're crying again." Biro ko kay Nina sabay akbay sa kanya. Ilang araw na siyang umiiyak dahil umalis si Reyden. Kahit sabihing naiinis ako sa kanya dahil hindi niya pa rin naipagtatapat kay Reyden ang totoo ay hindi ko pa rin mapigilan na hindi mag-alala.
"Ate Bel, maglalakad-lakad muna kami ni Ethan sa labas. I need some fresh air." Paalam ni Nina.
Napakunot ang noo ko. Mahilig siyang maglakad sa tuwing meron siyang malalim na pinag-iisipan. "Anong meron at gusto mong maglakad-lakad?" Nagtataka kong tanong.
Hindi siya kumibo hanggang sa makarating kami sa maliit na park.
"Hindi mo man lang sinabi sa amin." Nagtatampo niyang bungad.
Napatingin ako sa kanya. "Ang alin?" Naguguluhan kong tanong.
"Na aalis ka na bukas." Diretso niyang sagot.
![](https://img.wattpad.com/cover/210188858-288-k827678.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)
RandomA kind heart, a gentle personality, a true friend, and a good woman- her name is Bel, a not so typical lead imagined in fairy tales. She isn't that gorgeous; she's fat! She isn't ordinary; she is out of this world! She has her own world until she me...