Chapter 72: Twin Brother?

190 27 6
                                    

Ethan

Hindi pa rin nawawala ang mga pasa sa mukha ko. Hindi ako pwedeng umuwi sa Canada na ganito ang itsura. Bibiruin na naman ako ni Dad na gumagawa ako ng kalokohan! Lumabas ako ng kwarto. Nadatnan kong gising na si Ate Bel at nagkakape. Lumapit ako sa kanya at umupo sa kanyang tabi.

"Do you want some coffee?" tanong niya.

"Yeah." Sagot ko.

Tumayo siya at nagsimulang magtimpla. Pinagmasdan ko siya. I can't keep myself from imagining that she is my wife and that she is preparing coffee for me everyday. Maya-maya ay bumalik siya sa tabi ko dala ang isang tasa ng kape.

"Stop staring at me like that." Malambing niyang sabi.

Napangiti ako sabay bawi ng aking tingin.

"Wala na bang masakit sa'yo?" tanong niya.

Umiling ako. "I'm fine. I just want to know why you dated Lee kahit alam mong may kakaiba sa kanya?" Tanong ko. Napagkwentuhan na namin ang nangyari and Jenny already told us everything about Meridith and Lee. Pangalawang beses ko nang itinanong ito sa kanya. Sana sagutin niya nang maayos.

Napabuntong-hininga siya. "Sorry." Pabulong niyang usal sabay yuko.

Hinintay ko pa siyang magsalita pero nanatili siyang tahimik.

"You didn't keep your promise to stay away from ghosts, tama ba," sabi ko.

Tumango-tango siya. "I'm sorry, father. I've sin a lot." Ngingiti-ngiti niyang biro sabay tingin sa akin. Bahagya siyang tumawa. "What will you do about it, then?" Naghahamon niyang tanong.

Inikutan ko siya ng mata. Nagawa pa talagang magbiro. Ni isa sa tanong ko about Lee ay hindi niya sinasagot nang diretso.

"Have you really fallen in love with Lee?" Pag-iiba ko ng usapan.

"What do you think?" Balik niyang tanong.

Ako naman ang bumuntong-hininga. "Ewan ko sa'yo, Ate Bel. Ang hirap mong kausap." Himutok ko.

Natawa siya. "I'm not in love with him. Never naman akong na-inlove sa kahit sinong lalaki." Seryoso niyang sagot.

Never siyang na-inlove. Napasimangot ako. It means she is not also in love with me! Para yata akong biglang na-broken hearted! Napalunok ako nang todo. Fuck!

"Let's do something weird!" Naibulalas ko para isantabi ang emosyong ayokong maramdaman.

Tumayo ako at kumuha ng mga baso. Inilapag ko ito sa harapan ni Ate Bel.

"What's that?" Taka niyang tanong.

"Try to make it float! Let's see if you can control your powers!" Masigla kong sabi.

Napanguso siya.

"Sige na. Aren't you curious?" Pangungumbinsi ko sa kanya.

Natawa siya. "Okay fine!"

Itinapat niya ang kanyang kamay sa ibabaw ng baso. Pinilit niyang pagalawin ito.

"Concentrate, Ate Bel!" Bulong ko. Napangiti ako nang umangat ng bahagya ang baso. Nabasag ito!

"Oh my God!" Tili nya.

"You're actually doing it!" Naibulalas ko. Narinig kong bumukas ang kwarto at lumabas si Nina at Reyden pero hindi ko sila pinansin. Naglagay ulit ako ng baso sa harapan ni Ate Bel.

"Again!" Excited kong sabi. This is really amazing!

Natigil lang ang ginagawa namin ni Ate Bel nang kumontra ang kuripot na si Reyden. Mauubos na raw ang mga baso. Natawa ako.

Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon