Chapter 37: Just Kind

225 29 8
                                    

Ethan

"Reyden, how is she?" Nag-aalala kong tanong pagkadating na pagkadating ko sa bahay pagkatapos kong ihatid sa kanyang condo si Conney.

"She's fine." Sagot ni Reyden sa kabilang linya.

"Is she mad?" Tanong ko.

"Nope. Nalulungkot siguro, but not really mad." Sagot niya.

Napahinga ako nang malalim. Buti naman. I need to explain what happened pag nagkita kami bukas.

--------------------------

Ate bel

Bwisit na lalaki iyon! May kasama palang babae kaya hindi ako sinipot. Anong akala niya, biro lahat ng effort at gastos ko para lang sa date na iyon!

Anong gusto niyang ipamukha! Na kayang-kaya niyang magkaroon ng ibang kaibigan bukod sa akin? Ang kapal niyang babaan ako ng telepono para lang hindi ko marinig na may kasama siyang iba!

Tingnan niya lang talaga, humanda siya sa akin bukas!

---------------------------

Ethan

Kinaumagahan.

"Ate Bel!" Magiliw kong tawag sa kanya pagkalabas niya sa mansyon. Sinadya kong agahan para maabutan ko siya at maihatid.

"Ate Bel mo 'yang mukha mo!" Sobang taray niyang pambabara sabay lagpas sa aking kinatatayuan.

Nawala ang kulay sa aking mukha. Nagpa-panic akong tumalikod para abutan siya sa paglalakad.

"Ate Bel, wait! Ihahatid na kita!" Yaya ko pa rin sa kabila nang nakakatakot niyang awra.

"Kay Redyen ako sasabay!" Singhal niya sabay pasok sa sasakyan ni Reyden.

Napatingin ako kay Reyden na kalalabas lang ng kanyang quarters. Pinaningkitan ko siya ng mata.

"What?" Taka niyang tanong.

"Akala ko ba hindi siya galit?" Pabulong kong tanong.

Napakunot ang noo niya. "Kagabi hindi, baka ngayon galit na." Hindi niya siguradong sagot.

Napangiwi ako. Lumapit ako sa kotse. Sinubukan kong katukin ang bintana ni Ate Bel para ibaba niya ito pero hindi niya ako pinapansin. Ito na naman! Ang hirap kaya niyang suyuin kapag ganito siya kagalit! Hindi ko naman talaga sinasadyang hindi makapunta. Kung alam niya lang kung gaano rin ako nanghihinayang sa nasayang na pagkakataon.

"We need to go. I need to be early sa office. I'll try to talk to her." Bulong sa akin ni Reyden sabay tapik sa aking balikat.

Mabigat ang loob kong tumabi para makalabas ang sasakyan ni Reyden. Wala na akong nagawa habang pinagmamasdan ko silang mawala. Napatingin ako kay Nina na nasa bukana ng pintuan. Lumapit ako sa kanya.

"She's mad, right?" Pangungumpirma ko.

Wala siyang gatol na tumango. Bakit ba kasi si Reyden ang tinanong ko at hindi si Nina?

"Why is she mad? I already said sorry. Hindi ko naman ginustong hindi makapunta." Desperado kong paliwanag kay Nina.

Napangiwi siya. "You know what Ethan, kay Ate Bel ka magpaliwanag." Sabi niya. Pati ba siya galit sa akin?

"How?" Nanlulumo kong tanong. Paano ako makakapagpaliwanag kung ayaw niya akong kausapin.

"You were with someone else last night, right?" Tanong niya.

Tumango ako. "I'm with a friend."

"Babae?" Tanong niya.

Muli akong tumango.

"Siguro mas maganda kung ipapakilala mo kay Ate Bel ang babaeng kasama mo." Suggestion niya.

Napakunot ang noo ko. Kailangan ko ba talagang gawin iyon?

-------------------------------------

Ate Bel

"Alam mo ikaw, Reyden. Huwag mong kinakampihan ang kaibigan mo!" Singhal ko kay Reyden dahil kanina niya pa sinasabi na huwag akong magalit kay Ethan.

"Ate Bel, hindi naman siya tatawag sa akin para sunduin ka kung hindi siya nag-aalala. He really cares about you. Nagkataon lang na biglang nagkaroon ng emergency." Pagtatanggol niya pa rin.

"May kasama siyang ibang babae, emergency?" Panunuya ko.

"The girl needs medical attention kaya niya sinamahan sa ospital." Patuloy niya.

Napakamot ako ng ulo. Dapat hindi na ako sumabay sa lalaking ito kung ang bukambibig niya lang ay si Ethan.

"Sabihin mo nga, have you ever tried na patayan ng telepono si Nina dahil may kasama kang iba?" Panunubok ko sa kanya.

Napaisip siya. Sumulyap siya sa akin. "I have never tried that. Bakit ko naman siya papatayan?" Sagot niya.

"Exactly! Pinatay niya dahil may tinatago siya!" Inis kong sagot.

"So you mean, nagagalit ka dahil pinatayan ka niya ng telepono?" Hindi niya makapaniwalang tanong.

"Hindi ba obvious, Reyden?" Sarkastik kong sagot.

Bumakas sa mukha niya ang matinding pagtataka. "Hindi." Sagot niya.

Napangiwi ako. "Tssk, mga lalaki talaga, mga manhid!"

"Hindi kami manhid, hindi lang talaga kayo maintindihan! Mga babae talaga hindi mawari! Parehong-pareho kayo ni Nina!" Banat niya.

----------------------------------

Ethan

Kinahapunan.

"Ate Bel!" Tawag ko sa kanya pagkalabas niya sa opisina.

Hinarap niya ako at tinitigan nang matalim. Manininghal na naman sana siya nang bigla siyang mapatigil nang makita ang kasama kong babae. Agad na nag-iba ang timpla ng kanyang mukha. Tama nga ang sinabi ni Nina! Hindi niya kayang magalit kapag may kaharap na ibang taong hindi niya kilala.

"I just want you to meet a friend, she's Conney. Conney, meet Ate Bel, another friend of mine." Pakilala ko sa kanilang dalawa.

Agad na ngumiti si Ate Bel. "Hi, nice to meet you." Bati niya.

"Nice to meet you too." Sabi rin ni Conney.

"Ikaw pala ang kasama niya kagabi." Sabi ni Ate Bel.

Tumango si Conney. "Yeah, I'm really sorry. It was all my fault kung bakit hindi nakapunta si Ethan sa dinner ninyo." Mapagpakumbabang sabi ni Conney.

Napangiti ako. Maniniwala naman na siguro si Ate Bel na hindi ko sinasadyang hindi makapunta sa dinner. Hindi naman na siguro siya galit sa akin.

------------------------------------------

Ate Bel

Talagang isinama niya pa ang babae niya rito? Siya talaga ang kailangang mag-explain para kay Ethan? Pinanatili ko ang mga ngiti sa aking mukha. Ayokong mambastos ng tao kaya pipilitin kong itago ang inis na aking nararamdaman.

Pinamumukha niya ba sa akin na pangit ako dahil maganda ang babaeng ito! Gusto niya bang sabihin na kaya siya hindi nakapunta ay dahil mas priority niya ang babaeng ito kaysa sa akin?

Umubo si Conney.

"You okay?" Agad na tanong ni Ethan sabay hagod sa likod nito. OA lang? Muling umubo si Conney.

"Wait, I'll get the bottled water in the car." Sabi niya sabay takbo palayo. Wow! Inubo lang kandaugaga na siyang kumuha ng tubig. Naiwan kami ni Conney.

"Ethan is really kind. Hindi pa rin siya nagbabago. He always treats people nicely kahit ano pang itsura ng isang tao; especially women, he never focuses on appearance. Hindi na ako magtatakang magkaibigan kayo." Tuloy-tuloy niyang sabi habang pinapasadahan ang kabuuan ng aking katawan mula ulo hanggang paa.

Ngumiti pa rin ako. Anong gusto niyang tumbukin?

-----------to be continued-----------------

Maaga si Author ngayon! Congratulations sa akin! hehe

Bukas po uli. Good night!

Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon