Chpter 15: Touch

330 33 11
                                    


Ate Bel

"Okay! All set!" Tatawa-tawang sabi ni Ethan pagkatapos niyang isuot ang itim na telang maskara sa aking ulo.

Nginisian ko siya. "Ilang beses ko bang sasabihing hindi ko kailangan ng maskara!" Naaasar kong sabi.

"Bagay naman ah!" Nang-aasar niyang banat na halatang pinagti-tripan lang ako. Loko-loko talaga ang lalaking ito!

Napapikit ako sa kunsumisyon. Ang aga-aga, ang lakas niyang mang-asar!

"Try natin!" Excited niyang sabi sabay yakap nang mahigpit sa akin. Hindi ako makahinga!

"Ethan!" Sigaw ko.

"See, okay na! Wala ng effect kahit magdikit tayo!" Nakangiti niyang balita.

Napakamot ako ng ulo. Talagang wala ng effect- balutin ba naman niya ng tela ang aking ulo hanggang leeg at pagsuutin niya ako ng gwantes! Makikita lang naman niya ang nakikita ko kapag nagdikit ang aming mga balat! Ang talino talaga niya, ito ang naisip niyang paraan- wow, grabe!

"Okay na sana ang plano mo eh, kaya lang mukha akong tanga, Ethan!" Inis kong sabi.

Tumawa siya habang nakahawak sa kaniyang tiyan. Pinagti-tripan niya lang talaga ako! May kumatok sa pinto ng kwarto.

"Oh, they're here! Come in!" Sigaw niya.

Bumukas ang pintuan. Napangiti ako nang pumasok sina Nina at Reyden. Sa wakas bumalik na sila! Biglang napaubo si Nina na halatang pinigilan lang ang kanyang pagtawa habang si Reyden naman ay nakatitig sa akin nang kakaiba.

"What are you wearing, Ate Bel?" Nangingiting tanong ni Reyden.

Naku talaga, babatukan ko talaga itong si Ethan! Lumakad ako patungo sa life-size mirror at sinipat ang aking itsura. Napamulagat ako nang makita ang printed na larawan ng isang machong lalaki sa itim na maskarang nakasuot sa akin. Hubad ang larawan at sakto ang nipples at dibdib nito sa butas ng aking mga mata habang ang butas sa bibig ay sakto sa pagitan ng kaniyang mga hita! Kaya pala kakaiba ang mga ngiti nila!

Nagtama ang aking mga ngipin sabay sigaw. "Ethan!" Kulang na lang ay mabasag ang salamin sa tinis at lakas ng boses ko sabay tanggal ng suot kong maskara. Nakakainis siyang talaga!

Agad na hinanap ng mga mata ko si Ethan na mabilis na nagtago sa likod ni Nina. "Ikaw, kakalbuhin talaga kita!" Singhal ko sabay habol sa kanya nang tumakbo siya paikot sa kwarto.

Pagkatapos kong sabunutan at makaganti kay Ethan ay humihingal akong umupo sa gilid ng kama habang pinakikinggan ang kanyang reklamo at daing. Wala talagang magawang matino ang lalaking ito!

Napatingin na lang ako kay Nina at Reyden na tatawa-tawa lang habang pinapanood kami.

"So, anong trip niyong dalawa?" Masayang tanong ni Nina habang papalapit sa akin.

"No Nina, stop! Don't touch Ate Bel, baka mahawa ka sa virus niya!" Nagbibirong sita ni Ethan.

"Anong virus?" Takang tanong ni Reyden.

Napatingin ako kay Nina na tumigil sa kanyang paglapit.

"She's dying!" Sabat ni Ethan na biglang sumeryoso ang mukha. Pwede talagang maging artista ang mokong na ito!

"Oh come on, Ethan! Halata masyado, loko ka talaga!" Nakangiting sabi ni Nina na alam na alam ang kalokohan ni Ethan.

Tumawa si Ethan. Wala talaga siyang kapaguran sa pang-aalaska. Bumuntong-hininga ako.

"Sa kasamaang palad, makikita mo ang nakikita ko kapag dumikit ka sa akin." Paliwanag ko kay Nina. Sa lahat ng tao, siya ang iniiwasan kong mapadikit sa akin dahil hindi siya ordinaryong multo.

Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon