Chapter 35: Waited for Too Long

227 32 10
                                    

Ate Bel

"Ethan, gusto kita!"

Hindi, mali. Iba dapat!

"Ethan, may gusto akong sabihin sa'yo, gusto kita!"

Hindi pa rin.

"Ethan, mahal kita!"

No! Masyadong mabilis.

"Argghhh!"

Ano ba talaga Belinda! Kanina ka pa nakaharap sa salamin pero wala ka namang natatapos! Malakas akong napabuntong-hininga sabay pasalampak na naupo sa kama.

Paano ko ba sasabihin sa kanya? Paano ba ang tamang paraan. Wala akong maisip na ibang paraan para sabihin sa kanya. Paano ko sisimulan?

Humiga ako sa kama at pakunwaring umiyak. Dalawang oras na lang! Ako mismo ang nagyaya sa kanyang mag-dinner para maipagtapat ang tunay kong nararamdaman. Pero bakit ganito, kinakabahan talaga ako! Paano ko sasabihin kung ngayon pa lang ay pinagpapawisan na ako nang husto.

Bumukas ang pinto. Pumasok si Nina.

"Hindi ka pa nakabihis? Akala ko may dinner kayo ni Ethan?" Taka niyang tanong.

Pinilit kong ngumiti para hindi niya mahalatang kanina pa ako hindi mapakali. "Yeah, magbibihis na." Sagot ko sabay bangon sa kama.

"Hindi mo talaga ako isasama?" Naka-pout niyang tanong.

Tumawa ako. "Hindi pwede. Next time, promise, tayong dalawa naman ang magdi-date." Sagot ko.

"You mean, you're dating Ethan, officially?" Nanghuhuli niyang tanong.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Nope, babawi lang ako sa lahat nang ginawa niya para sa akin these past days." Depensa ko.

Ayokong sabihin sa kanya na aamin ako kay Ethan dahil baka magka-aberya. Ayoko ring asarin at kantyawan niya ako dahil baka hindi ako makapag-focus nang maayos.

"Ows, umamin ka na kasi Ate Bel. Hindi ka pa ba pagod na magpanggap na magkaibigan lang kayo?" Hamon niyang tanong. Ang lakas talaga ng pakiramdam ng babaeng ito. Para siyang may antena sa ulo!

"Magkaibigan lang kami, okay!" Pagsisinungaling ko pa rin.

Magsasalita pa sana siya nang mabilis akong tumayo at pumasok sa banyo. Ayokong magtanong pa siya dahil siguradong malalaman niya ang iniisip ko.

Napasandal ako sa pinto ng banyo. Inhale-exhale. Di yata nakakatulong na dito ako sa banyo mag-inhale-exhale! Kainis, lalo pang nadagdagan ang kaba ko!

Kaya mo 'to Bel, in case na hindi ka niya gusto, goodbye friendship ang mangyayari. Napapikit ako, huwag naman sana!

------------------------------------

Sa sobrang kaba at excitement ay nasa restaurant na ako 30 minutes bago mag-alas syete ng gabi. Hinga ako nang hinga nang malalim habang papalapit sa mamahaling restaurant. Ngayon lang ako nagpa-reserve sa ganito kamahal na kainan. Pikit mata na lang ako sa aking binayaran dahil gusto kong maganda ang ambiance at magugustuhan ni Ethan ang pagkain. Kakaiba pa naman ang panlasa ng lalaking iyon.

Tinawagan ko si Ethan pero hindi niya sinagot. Pumasok ako sa loob ng resto at naupo sa pina-reserve kong table. Nasa-corner ang mesa at malapit sa pasilyo na napapalibutan ng mga halamang nakapaso at mga orchids.

Naramdaman kong nag-vibrate ang aking cellphone. Binasa ko ang text na dumating. Binuga ko ang hangin na nagmula pa yata sa kaibuturan ng aking dibdib. Papunta na siya!

Agad kong ininom ang tubig na sinerve ng waitress. Tumutulo ang malamig na butil ng pawis mula sa aking noo. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maisip kung paano ko sisimulan ang sasabihin ko sa kanya mamaya.

Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon