Bel
"Aray!" Reklamo ko nang biglang malakas na nag-bounce ang sasakyan.
"Fuck!" Rinig kong sabi ni Ethan sabay preno.
Nag-aalala akong napatingin sa iritado niyang mukha habang mabagal na iginigilid ang sasakyan sa kanang bahagi ng kalsada.
"Nangyari?" Tanong ko.
"Flat tire, I guess!" Sagot niya.
Sabay kaming bumaba ng sasakyan. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Pababa na ang araw at padilim na ang paligid. Bakit natapat pa kami dito mismo sa kakahuyan? Matagal ko nang napapansin ang bahaging ito ng gubat na papunta sa bahay nila Ethan. Alam kong may kakaiba rito!
"Nails!" Sabi ni Ethan habang pinagmamasdan ang gulong ng sasakyan.
"May spare ka naman, di ba?" Tanong ko.
"Yeah, one spare, problem is both front tires are flat." Nakangisi niyang sagot.
Napanguso ako. Malas lang ba o talagang may nagpapatigil sa amin dito? Lumingon ako sa aking likuran na may malaking puno ng mangga. Napapikit ako sabay buntong-hininga. Sabi na nga ba!
"I'll just call someone." Sabi ni Ethan na agad kinuha ang kanyang cellphone.
Napahawak ako sa aking braso nang magtayuan ang aking mga balahibo. Tinapunan ko na sulyap ang babaeng nasa aking tabi. Kunwaring hindi ko siya napansin. Nanatili akong nakatayo habang hinihintay si Ethan.
Lumapit si Ethan sa akin. "One hour, he said he'll be here in an hour!" Balita niya.
Tumango lang ako sabay ngiti. Muli kong hinimas ang aking braso.
"Are you cold?" Tanong ni Ethan. Napansin niya atang nakatayo ang mga balahibo ko.
Hindi na niya hinintay ang sagot ko. Tumungo siya sa kotse at binuksan ang pinto ng backseat. May kinuha siya at pagbalik niya ay ibinalabal niya ang varsity jacket sa aking katawan.
"Come on, wear this." Utos niya habang isinusuot sa kamay ko ang manggas.
"Ako na." Pabulong kong sabi na hindi naman niya sinunod.
"Are you hungry?" Kakamot-kamot niyang tanong.
"Medyo." Sagot ko.
Ngumiti siya. "Kunwari ka pa." Bulong niya sabay balik sa sasakyan. May kinuha na naman siya.
"Here." Sabi niya sabay abot ng nakabalot na tinapay.
"Boyscout ah!" Biro ko habang kinukuha ang tinapay. "Pano pag nabulunan ako?"
Tumawa siya. "May bottled water sa kotse." Sagot niya.
Tuluyan akong napangiti. "Ayos ka talaga! Walang kupas sa pagpapa-impress!" Biro ko.
"Alam mo namang ayokong nagugutom ka." Sabi niya sabay sipat sa katawan ko.
Hindi ko mawari kung matutuwa ba ako o maaasar sa sinabi niya. Tinaasan ko siya ng nguso sabay tapon ng pabirong irap.
"Okay na nga- mang-aasar pa!" Biro ko.
Muli siyang tumawa.
"Kain tayo." Sabi ko sabay lapit ng tinapay sa kanyang bibig.
Bumaba ang tingin niya sa akin at nagtama ang aming mga mata. Bahagyang napaawang ang bibig ko nang hindi niya alisin ang titig niya sa akin habang kinakagat ang tinapay na aking hawak.
Nilunok ko ang aking laway. Bakit ba ang ganda ng mata niya? Kinakabahan ako sa tuwing nagkakatitigan kami ng ganito.
"Mmmm, try it masarap!" Sabi niya sa seksing boses.
Lalong napaawang ang bibig ko. Para akong biglang lumutang. "Huh? Anong masarap?" Wala sa sarili kong tanong habang tulalang nakatitig sa kanya. Iba ang pumapasok sa isip ko.
"Yung tinapay, Ate Bel." Sagot niya sabay dila sa paligid ng kanyang labi.
Lalo akong napalunok. Kitang-kita ko ang magandang korte ng kanyang bibig. Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay habang inilalapit ang tinapay sa aking bibig.
"Bite." Malambing niyang utos.
"Anong kakagatin ko?" Wala pa rin sa sarili kong tanong.
"Yung tinapay, Ate Bel. Gutom ka di ba?" Walang gatol niyang sagot. Ako lang talaga ang mahilig mag-imagine.
Ibinaba ko ang aking tingin sa tinapay. Biglang lumundag ang puso ko nang makita ang babaeng multo na balak pa yatang makikagat sa tinapay.
Malakas kong binawi ang aking kamay. "Shoo!" Sabi ko sa multo sabay kagat sa tinapay. Narinig kong bumulong si Ethan.
"Shoo talaga! Ano ako, aso!" Bitter niyang sabi sabay simangot.
Napangiwi ako. Sasabihin ko sanang hindi siya ang kausap ko pero baka matakot siya kapag sinabi kong may multo! Panira talaga ng moment ang espasol na multong ito!
"Let's get inside the car." Basag ni Ethan sa katahimikan nang maramdamang may pumatak na tubig sa kanyang ulo. Mukhang uulan pa yata.
Napabilis ang pagpasok naming dalawa sa backseat nang biglang lumakas ang ulan.
"Wow! Wrong timing!" Bulong ni Ethan pagkatapos niyang isara ang pinto.
Inabot ko ang bottled water na nasa cup holder at nilagok ito. "Parating na ba ang tinawagan mo?" Tanong ko sa kanya sabay sulyap sa babaeng multo na pumasok din sa kotse at tumabi kay Ethan.
Bwisit na white lady ito! Para namang mababasa siya ng ulan!
"15 minutes pa lang ang lumipas, Ate Bel." Seryosong sagot ni Ethan na hindi pa rin yata naka-move on sa sinabi kong shoo kanina.
Sumandal siya at idinantay ang kanyang ulo sa upuan. Pumikit siya at matagal na hindi umimik. Tutulugan niya ba ako? Nagtatampo ba talaga siya?
Napabuntong-hininga ako at nanahimik na lang. Muli kong sinulyapan ang babaeng multo. Nakita kong ngumiti siya. Ang mga katulad niyang multo, nananatili sila sa lupa dahil may gusto silang ipaabot na mensahe sa mga mahal nila sa buhay.
Wala silang galit na kinikimkim kaya puti ang kulay nila at hindi sila nananakit. Minulagatan ko siya sabay senyas gamit ang aking kamay na umalis siya sa tabi ni Ethan.
Imbes na sumunod ay pilya siyang ngumiti at ipinulupot ang kamay niya sa braso ni Ethan. Napasinghap ako sabay pakita ng kamao ko sa kanya. Kapag hindi niya nilayuan si Ethan, sisiguraduhin kong bibigwasan ko siya!
Hindi siya sumunod! Umurong ako at pinalis ang kamay niya dahilan para mahagod ko ang braso ni Ethan.
"What?" Gulat na tanong ni Ethan na biglang umayos sa kanyang pagkakaupo.
Napatingin ako sa kanya. "Nothing! May dumi lang sa braso mo." Pagdadahilan ko sabay kunwaring ngiti at pagpag sa sleeve ng t-shirt niya.
Bumuntong-hininga siya sabay sandal muli at pikit ng kanyang mga mata. Muli kong minulagatan ang multo at sinenyasan na umalis siya. Hindi pa rin siya sumunod! May pagkamalibog pa yata ang espasol na ito! Ipinatong niya ang kanyang kamay sa dibdib ni Ethan at hinimas-himas ito. Nanlaki lalo ang aking mga mata nang dumako ang kamay niya sa nakabakat na nipples ni Ethan pababa sa kanyang abs.
Nanggigigil kong tinaboy ang kanyang kamay.
"Ano bang problema mo, Ate Bel?" Naguguluhang tanong ni Ethan sabay tingin sa kamay kong nakapatong sa kanyang dibdib.
Shit! Agad kong binawi ang kamay ko. "May gumapang kasing maliit na gagamba, baka kagatin ka!" Namumula ang mga pisnging sagot ko.
Napatikom siya ng kanyang bibig at medyo kunsumidong bumalik sa pagpikit at pagsandal.
Kunsumido akong napatingin sa multo na walang balak tumigil. Sa pagkakataong ito ay ipinatong niya ang kanyang kamay sa hita ni Ethan at paakyat itong inihimas hanggang sa... sa... Ahhhhh!
----- to be continued------
See u again tomorrow!
Don't forget to vote and follow my account for more updates.
Good night!
BINABASA MO ANG
Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)
CasualeA kind heart, a gentle personality, a true friend, and a good woman- her name is Bel, a not so typical lead imagined in fairy tales. She isn't that gorgeous; she's fat! She isn't ordinary; she is out of this world! She has her own world until she me...