Excerpt # 2

188 24 1
                                    

Chapter 21: Explain from I Am Nina: Truth and Lies

---------------------------------

Ethan

Umuulit-ulit sa isip ko ang oras na umalis ako at sumakay ng eroplano papuntang Canada. Bago ako pumasok sa departure area ay nilapitan ko si Ate Bel at sinabi kong babalik ako agad. Niyakap ko siya nang mahigpit at bumulong ako na babalik ako para sa kanya.

All this time, ang gusto ko lang naman ay makabalik dito sa Pilipinas. Ang gusto ko lang naman ay makasama sila ni Nina katulad noong college pa lang kami.

Excited akong umuwi dahil alam kong pagbalik ko ay nariyan lang sila at naghihintay din sa akin. Lahat ng excitement ko nawala nang malaman kong wala sila rito sa Pilipinas.

Nabuhayan ako ng loob nang makausap ko si Jane Brookes at sabihin niya sa aking umuwi si Ate Bel rito sa Manila.

Nang magkita kami kahapon pagdating niya ay natulala na lang ako sa aking nakita. Yung dating chubby na Ate Bel ay nagbago ng sobra-sobra. Napakaganda niya at napaka-sexy. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya.

I just wanted to hug her tight and tell her how I miss her pero ang sinalubong niya ay isang malakas na sampal na hanggang ngayon ay nakabakat pa rin sa pisngi ko.

Pagkatapos niya akong sampalin without giving me a chance to explain ay wala siyang sunod na ginawa kundi ang barahin at supladahan ako.

Pinagpapasensyahan ko siya hanggang ngayon pero sumusobra na nang sabihin niyang she's dating someone else. Nagpanting ang tenga ko nang sunod niyang sabihin ang mga salating anong pakialam ko.

Shit! Anong pakialam ko? May pakialam ako dahil bumalik ako nang dahil sa kanya. Pinilit kong bumalik para makita siya, para makasama siya, at para masabi kong gusto ko siya.

Tapos ganito lang ang mangyayari; sasabihin niyang she's dating someone else? Niloloko niya ba ako?

Padabog akong napatayo sa aking kinauupuan. Galit ko siyang hinarap.

"Ano ba talagang problema mo, Ate Bel?" Nagpipigil kong singhal sa kanya.

"Problema ko, ikaw!" Diretso niyang sagot.

Kitang-kita ko ang pagkamuhi sa kanyang mga mata. Ano bang nagawa ko para magalit siya ng ganito sa akin.

Napatiim-bagang ako. "Let's talk, properly!" Pinipilit ko pa ring maging malumanay sa kabila ng inis na nararamdaman ko.

"Sinabi nang ayoko!" Pagmamatigas niya pa rin.

Ibinaba niya ang sandok na kanyang hawak. Hinawi niya ako sa kaniyang daraanan at mabilis na nag-walk-out papasok sa kwarto. Wala siyang ginawa kundi ang mag-walk out!

Agad ko siyang hinabol at hinablot ang kanyang siko para patigilin siya sa paglalakad. Iniharap ko siya sa akin at mariing tinitigan.

"I said let's talk!" Demanding kong sabi.

Pilit siyang kumawala sa aking pagkakahawak pero hindi ko siya hinayaang makawala.

"Ethan!" Naiinis niyang sigaw.

Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya.

"Guys! That's enough!" Awat ni Reyden.

Pumagitna siya at pinaghiwalay kaming dalawa.

"You know what, I'm really getting pissed watching both of you! Para kayong mga bata!" Sermon niya.

Hinawakan niya si Ate Bel at ipinasok sa kwarto. Sinenyasan niya ako na pumasok din. Pumasok ako.

"Walang lalabas hanggat hindi kayo nagkakaayos!" Seryosong sabi ni Reyden sabay labas ng kwarto.

"No!" Protesta ni Ate Bel na sinubukan pang lumabas pero hinarangan ko siya.

Sumara ang pinto at narinig naming kinandado ito ni Reyden sa labas.

"Now let's talk!" Seryoso kong pakiusap sa kanya.

Pilit siyang tumango. "Okay, sige. Magsimula ka nang magpaliwanag!" Mataray at naghahamon pa rin ang tono ng kanyang boses.

Hindi ko alam paano ako magsisimula sa ganitong mood na ipinapakita niya. Napabuntong-hininga ako nang sobrang lalim na parang mas malalim pa kapag nagkataong maibaon ako sa lupa. 

Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon