Chapter 8: Initials

272 32 7
                                    


Ate Bel

Napakapit ako sa braso ni Ethan nang makita ang mga lalaking armado ng baril. Ano ba itong napasukan namin? Ano bang meron sa haciendang ito at puro may hawak na baril ang mga tao?

"Rocco! Nasaan ang Lolo mo?" Mayabang at preskong tanong ng isang lalaking naka-shades at balbas-sarado. Pormal ang suot nito at naka-leather shoes pa. Sa itsura niya ay para siyang kontrabida sa pelikula ni FPJ. Siguro ay nasa early 50s na ang mamang ito.

"Nagpapahinga ang Lolo ko, so please, leave!" Seryoso at blangko ang mukha na sagot ni Rocco.

Mala-kontrabidang tumawa ang lalaki. "Sige lang, bukas ikaw ang aalis sa lupa ko!" Nanunuya at nang-aasar niyang sabi na halatang nagpa-init sa ulo ni Rocco.

"Mamamatay muna kami bago mo makuha ang hacienda ng Lolo ko!" Galit at igting ang pangang sagot ni Rocco.

Muling tumawa ang lalaki. "Lakas talaga ng tama mo, bata! Kung ako sa'yo, simulan mo nang lumuhod- baka maawa pa ako sa'yo at bigyan kita ng trabaho. Bagay sa'yo ang magtanim ng palay!" Banat niya.

Mukhang pinag-aawayan nila ang lupain, sino ba talaga ang may-ari? Sino si Filipo Del Valle? Kung si Lolo si Filipo, bakit ibang babae ang nasa litrato? Hindi ang babaeng iyon ang multong nagturo sa akin kung saan nakabaon ang titulo. Kailangan kong maibigay ang titulo sa tunay na nagmamay-ari nito!

Humakbang ako paharap. Hindi ko na pinansin kung anong klaseng mga baril ang meron sila.

"Ano pong pangalan niyo?" Tanong ko sa lalaking kausap ni Rocco.

Nabaling ang atensyon ng lalaki sa akin. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Ngumisi siya. Napako ang titig niya sa aking dibdib. Napalunok ako. Sa lahat nang tititigan niya bakit dibdib ko pa! Manyak!

Humakbang siya palapit sa akin. Hindi ko na nagawang umatras nang dakmain niya ako sabay hablot sa kwintas na nasa aking leeg! Napanganga na lang ako sa bilis ng pangyayari. Mabilis na pumagitna si Ethan at sinuntok ang lalaking humawak sa akin!

Nagpupuyos ang mukha ni Ethan habang nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa lalaking natumba sa sahig. Nakatutok sa kanya ang lahat ng baril ng mga tauhan ng lalaking sinuntok niya.

Dalawa sa mga bodyguard ang agad na lumapit at tinulungan ang lalaking makatayo. Pumagitna si Rocco at agad na itinutok ang baril niya sa lalaking mahilo-hilo pa.

"Get out of my house!" Mariin niyang utos.

Napatingin ako sa paligid. Nakahandang makipagpatayan ang lahat ng lalaki pati na rin ang ilang babaeng nasa loob ng bahay. Hinawakan ko ang aking dibdib para takpan ang exposed kong cleavage dahil sa butones na natanggal. Kinakabahan akong lumapit kay Ethan at humawak sa kanyang braso.

"Saan mo nakuha ito!" Gigil na tanong ng lalaki sabay laylay ng kwintas na hinablot niya sa aking leeg kanina, ang kwintas na kasama ng titulong nasa loob ng sobre!

Walang umimik sa amin ni Ethan.

"Saan mo nakuha ang kwintas ng nanay ko!" Pasigaw at galit niyang tanong.

Napapikit ako. Nanay niya ang babaeng multo! Ibig bang sabihin siya o ang tatay niya si Filipo?

"Nabili ko lang 'yan sa jewelry store!" Lakas-loob kong sagot. Alam kong dapat kong ibigay ang titulo sa nagmamay-ari nito, pero bakit ganito ang aking nararamdaman. Nalilito ako!

Napatingin ako kay Rocco. Alam kong hindi siya masamang tao. Napatingin ako sa lalaki. Alam kong siya ang kontrabida sa lugar na ito. Ayokong ibigay sa kanya ang titulo!

Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon